DAY 1
Excited na ako!!!!! May seminar yung mga clubs! Overnight!!!! Ibig sabihin makakasama ko si Kuya! Kilig vibes na naman. Kaya lang.. Kasama ulit si Ate Sam. Hay nako.
Aga kong gumising eh! 8 pa ang call time pero 6, I'm wide awake na. That's what you call in love! Hahaha eww corny.
*Toink toink toink
From : Ate Sam
Ina, pakisabi kina James di ako makakapunta. Uuwi kasi kami ng province mamaya eh. Thanks! >:)<
PUCH PUCH!!!!! BWAHAHAHA MASOSOLO KO SI KUYA!!!
HAY. Whatevrrrrr.
Pero OMG parin ha! Masosolo ko na talaga siya.
Pagkarating ko ng UST, diretso na kagad ako sa bus namin. So, bus 3 daw kami sabi nina Sir.. Saan kaya yun? 5...4.... YUN! 3! Sabay pasok ko ng bus.
Pagkita ko, 1 palang yung tao. Si Kuya James palang! Tulog pala siya. Hahaha. At syempre.. Hinding hindi ako magpapahuli! Hahaha joke!!! Tumabi ako sa kanya. Biruin mo, out of the 49 seats dun pa talaga ako umupo ah. Well. ;)
Ang cute niya talaga pag natutulog.. Hahaha. Hindi ko nga pala siya pwedeng batiin.. Oh well. 1 araw lang. ONE DAY LANG PROMISE...
"Inaaa... Ina...."
Huh? Wait, ba't pangalan ko pa?! Weird....
Masundot nga yang mukha niya.
"Toink"
"Ano baaaa..."
"Hi Kuya!!!!!!!!!!!!"
"Sino ka.."
"Isa akong angel! Welcome to heaven!!"
"Ang gandang angel mo naman...." he said half- asleep.
Mygad..
"Kuya!!!!!!"
Bigla siyang nagising sa lakas mg boses ko.
"Oh! Akala ko ba galit ka sakin?"
"Sorry ah. Medyo stressed kasi ako kahapon eh.."
"Wala yun. Okay lang naman sakin eh."
"Yieee!!!!" narinig kong sabi no Ate Tin
"Hay nako ate. Ikaw talaga.."
Sabay kindat niya sakin.
Yay! Bati na kami. Hahaha. This is my time to outshine Ate Sam. Mag-enjoy sana siya sa vacation niya.
Pero feeling ko mas mag-eenjoy ako dito kasama ang prince charming ko! :>
After ilang minutes, napuno narin yung bus ng officers and members. Sobrang ingay naman! Oh well, katabi ko naman si kuya ;)
"Andito na pala tayo?"
"Ay hindi! Wala pa. Wala pa. Duhh."
"Akala ko ba bati na tayo Ins?"
"Parang joke lang naman kuya! Pikon?!"
"Yan!! Pag siya nangaasar, tuwang tuwa. Pero pag ikaw inaasar, pikon!!"
"Tumahimik ka nga Tin!"
"Shhh! Tama na ngaa. Labas na tayo ng bus."
"Okay Ina.."
Wow! Ang ganda naman dito!! Malamang.. Mag-oovernight kasi kami sa parang seminary. Tutulong kami dun. Kaya lang 3 tao daw sa isang room. Sino kaya roommates ko?
"Psst, sino magkakaroom?"
"Di ko alam Ate eh. Ay basta, ayoko ng maingay at makalat!!"
"Ins!!!! Magkakaroom tayo ni Tin!!"
"Talaga?!!!" sabi ni Ate, tapos kumindat pa sakin..
"AY HINDI HINDI. MAKULIT LANG?"
"Weh James. Halika na nga!"
Sabay sabay kaming pumunta ng kwarto. Nag-ayos lang kami ng gamit tapos bigla nalang pinatawag ni Sir si Ate Tin. Siyempre. President eh. Busy lagi.
HALA SO DOES THAT MEAN NA KAMI LANG NI KUYA ANG MAGKASAMA? OMG
"Psst. Galit ka parin ba..."
"Hindi na nga. Ang kulit mo rin eh no! At ano naman kung galit parin ako sayo, ha?"
"Sorry na kasi.. Ikaw lang naman yung masungit diyan."
"Masungit ka diyan!"
"Joke hehehe. Miss ko lang kasi yung ngiti mo eh."
"Landi!"
"Landi pala ah..."
Nagulat nalang ako, hinagis na sakin ni Kuya yung unan na hawak niya.
"Pillow fight!!!!!!"
At dyan nagsimula ang harutan. Jusmiyo. Kung alam niyo lang kung gano ako kawawa. Biruin niyo, lalako siya tapos babae ako! Edi malamang, ako na naman ang nakakaawa! Di bale na nga.. Enjoy naman ako eh! Hahaha!
BINABASA MO ANG
Taking Chances
RomanceCrush ko kasi siya.. Actually, hindi eh. Love ko na ata siya. Ewan ko ba. Alam kong namang imposibleng mangyari yung gusto ko.. Duh? Si Kuya pa. Pero kahit na ganun, hindi ako susuko. I don't want to miss any given chance. What if it happens but I m...