Chapter 19 : Facing reality

92 0 0
                                    

DAY 3

James's POV

Alam kong nagkamali akong saktan si Sam. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo ngayon.. Ayoko nang makasakit ng tao.. Mas maaga, mas maganda. In the first place, bakit ko ba siya pinaasa? 

Nung narinig ko na sinabi ni Ina na crush niya si Jeremy, it was like my whole world broke down. Para bang ayoko nang mabuhay.. OA na naman ako. Ang drama ko talaga kahit kelan! Ay basta. Sasabihin ko na kay Sam mamaya. Susunod na naman siya dito eh.

To : Sam

Sammiiii, kita tayo mamayang 9 sa may grotto. May sasabihin lang sana akong importante.

*Toink toink toink

From : Sam

Ano namang kadramahan yan? Hahah Sureness. I'll be there :) :*

Yak :*? Hay... Ang sama mo talaga James. Ikaw na nga tong nagsinungaling. Ikaw pa mangaasar. Kaya di ka talaga magugustuhan ni Ina eh..

Ui. Ayun na naman si Ina! Keep calm kasi James eh! Haay. Sus, mag-hi lang kinakabahan na? Kapag in love ka nga naman oh!

.......................................................

Ina's POV

"Psst! Psst. Ina. Gising gising. Punta tayo sa may grotto! Malamig dun. Makakapagrelax ka. Alam kong stressed na stressed ka kaya game!"

"Hhhhh... Okay... Wait mag-aayos lang ako...."

"Bakit ata bigla mong naisipan Ate Tin?"

"Wala.. Ui, oo nga pala. Nakarating na si Sam. Sumunod siya dito.. Kakarating lang niya kaninang mga 8 ng gabi eh.. Sorry Inss.."

"Wala yun.. Bahala na...."

Sus. Kung kelan ko masosolo si Kuya, dun naman makikieksena tong si Ate Sam. Ano ba namang buhay to oh. Di ko narin maintindihan kung meron ba talagang namamagitan sa kanila or wala...

Ang lamig nga. Nakakarelax yung hangin dito sa probinsya. Free from pollution...

Palakad na kami papuntang grotto ni Ate Tin nang biglang parang may nakita akong tao na nakaupo sa may harap nito.

Teka.. Sinabi ko ba isang tao lang? Dalawa pala.. Hawak hawak nung isa yung kamay nung isa. Pero sino naman kaya yun?..

.......................................................

Sam's POV

Sa wakas nakarating narin ako dito! Excited na ako makita si James. Tinext niya ko kanina, sabi niya magkita daw kami sa may grotto... May importante daw siyang sasabihin? Parang ang seryoso naman niya. Ano naman kaya yung sasabihin nun? Teka, magmamadali na nga ako. Punta na ko kagad dun.

"Psst. Sam!"

"O, James. Bakit ba tayo maguusap?"

"Umupo ka sa tabi ko...

Sam.. Hindi ko alam kung pano to sasabihin sayo. Galit na galit ako sa sarili ko.. Kasi.. Nagsinungaling ako sayo."

"Nagsinungaling? About saan naman?"

"Sam.. Hindi.. Kita.. Gusto."

"Ha..a.a..ah?"

"Patawarin mo ako.. Sorry.."

"Kung hindi ako, sino?"

"Wa-"

"SI INA NO?"

"......."

"Oh ano? Ba't natahimik ka diyan?"

"Pano..mo...nalaman?"

"Oo! Alam ko.. Matagal ko nang alam.... Simula palang halata ko na. Kahit na kakakilala mo palang sa kanya, lagi mo siyang sinasamahan. Ang saya saya niyo nga tignan eh. Parang magboyfriend at girlfriend eh. Pag kasama mo siya, wala kang ibang napapansin kundi si Ina. Samantalang ako, nandito, nagmamahal sayo. Eh si Ina? Mahal ka ba niya? Isa lang naman ang hinihiling ko sayo James eh! For you to love me back! Alam ko namang hindi mo magagawa yun ever. Panahon na para maranasan mo rin tong matagal ko nang dinaranas. Yung magmahal ng isang taong may mahal nang iba! Tatandaan mo to. Hindi ka mamahalin ni Ina, kahit kailan! Isa ka lang mayabang, bolero at higit sa lahat, paasa! Bye James. Forever."

Ina's POV

Nung nakita ko sila, wala na akong magawa kundi umiyak.. Sorry, alam kong iniisip niyo ngayon na napaka-emotional ko. Na sobrang dali kong umiyak.. Pero wala eh. Ganun talaga. Ang lakas ng tama ni kupido. Hindi ko na mapigilan. Teka. Bakit ba hindi ko mapigilan ang sarili ko?

Di bale na. Wala akong pakialam kung marinig nila akong umiiyak ngayon o hindi. Hindi ko kelangang ibahin ang sarili ko para lang sa ibang tao. Hindi ko pipigilan tong pag-iyak ko. Eh hindi ko naman talaga kaya eh. Ikaw kaya, makita mong may kasama yung taong mahal mo na iba! At ang masaklap pa dun, hinahawakan niya yung kamay nung babae!

Nakatingin sila sa direksyon ko.. Siguro nga, narinig nila ako.. Tumakbo nalang ako papuntang church. May naririnig akong tumatakbo sa likod ko. Sinisigaw niya yung pangalan ko. Wala akong pake. Ayoko nang mabuhay.. Ayoko na.

Si Ate Sam ba yung sumisigaw kanina? Bakit naman siya sisigaw ng ganun? Kasama na nga niya si Kuya eh.. 

Ina.. Please stop thinking about those things. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Tama na.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon