Chapter 7 : Inspire and Be Inspired (Part 3)

109 0 0
                                        

Sa buong time namin sa Barth, maayos naman. Di narin sila tumigil sa pangaasar pero successful naman yung recollection. Pano, magaling kasi mag-explain si Kuya eh. Yun pa! Hahaha. Wish ko talaga nun na tumigil yung oras. Everytime kasi na kasama ko siya, sobrang saya ko. Sana ganun nalang kami forever. Kaya lang, alam ko namang hindi naman pwede eh. Kung pwede, edi sana nangyari na. :(

After ng recollection, umalis muna si kuya. Maghahanda daw kasi para sa mass. Samantalang akp, kasama ko muna yung mga classmates ko.

"Ina! Ang cute niyo tignan!" "Halatang halata ka!" "Kanina ka pa namumula!" "Ins, siya ba yung crush mo?" "Ang cute niyo talaga!!"

"HALATA BA? KANINA PA AKO NAMUMULA? HAAAAH?!!"

"Sus Ina! Siya rin naman kinikilig eh!"

"WEH."

"Oo nga!! Namumula kaya siya. Halatang halata pati narin sa kilos niya. Diba guys?"

"TAMA!!"

"Hay nako. No chance naman ako dun no. Hanggang friend lang tingin niya sakin."

"Ikaw talaga. Wala kang confidence sa sarili mo! Malay mo diba? Nothing's impossible!"

"Oh welll. Oo na! Ui sige, maghahanda pa kami for the mass eh. Sige ah, bye muna dears!!"

"Bye Ins!" "Bye Girl!" "Bye Dear!"

"Ui kuya! Musta?"

"Okay na naman. Finished na lahat. Pakisabi naman sa mga GSP, magpamobilize na sila para makaupo na sila dito sa auditorium."

"Sure!"

"Kathleen! Magpamobilize na daw kayo."

"Okay Ins! Uii, siya ba yung si James? Yung sinasabi nina Eden?"

"Oo. Yun talagang si Eden! Hahaha. Ui sige ah. Bye muna."

"See yaaa! :)"

Sobrang busy na naman namin. As usual. SCA eh. Before mag gospel, tumabi si Kuya sakin.

"Psst ganda, patabi muna ah."

"Bawal."

"Taray talaga! Hahaha."

Dumating yung time na Our Father na.. OMG SI KUYA YUNG KATABI KO THAT MEANS NA MAGKAKAHAWAK KAMI NG KAMAY. Hindi naman sa binibigyan ko ng malisya.. Wala lang.. Bihira kasi mangyari to.. Ngayon lang actually. Oh em!! Ayan naaaaa.

Nagkatinginan kami ni kuya. Nagsmile lang naman siya sakin. Pero yung smile niya na yun eh. YUN BANG NGITING NAKAMAMATAY. Nakakarelate kayo no? Ganun talaga kung mahal mo yung tao. Or crush mo. Smile palang nila, nakakamatay na. Haaay. 

Ayun. Kinuha na niya yung kamay ko. Yun lang namaaaaan. ;)

Sana lagi nalang kaming magkasama. Para ba kasing nawawala yung mga stress at problema ko eh. Sabi nila, laughter is the best medicine diba? Para sakin, Kuya James is the second best medicine after God! :)

After ng mass, nagsiuwian na silang lahat. 

"Ganda! Sabay tayo pababa!"

"Sure? Sige ba. Ay wait! Maglolocker lang pala ako. I forgot something eh."

"Sige! Hihintayin kita sa 1st floor lobby."

At yun, naghiwalay muna kami. Pagbukas ko ng locker ko, may letter na naman!

"Hi! I love you nga pala :> Natatakot akong sabihin sayo kasi baka you don't feel the same way. Okay lang.. I will wait. - 3+3"

OMG YAN NA NAMAN. Sino ba to? Natatakot daw siya? Bakit naman? Isa lang ibig sabihin nito.. Kaibigan ko siya. At ayaw niyang mailang ako sa kanya. Siguro nga.. Hay. Sabihin na niya kasi eh. Ako pa yung napapaisip dito.

"Tagal mo ah!"

"Sorry! Dami ko kasing gamit na inayos eh. Uuwi narin pala ako. Sige kuya, bye! Thanks!"

"Bye ganda!"

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon