DAY 2
"Hoy!! Anong ginagawa niyo diyan ha?!" biglang pumasok si Ate Tin.
"Uh-uhh. Nag pipillow fight. Bakit, bawal ba?" sabi ni Kuya
"Talaga? Sali ako!!"
"Wag ka na!! Tigil na nga tayo Ins."
HAY NAKO. Minsan na nga lang ako makapag-enjoy, nasira pa yung moment! Sus.. Nagsorry nalang si Ate Tin ng pabulong sakin.. Bahala na..
"Ui tulog na nga tayo! Maaga pa bukas eh."
"Yes kuyaaa."
Nagtabi kami sa kama ni Ate Tin habang si Kuya naman, solong solo yung isa. Parang hari lang ah.
"Goodnight!" sabi ko
"Night Ins! Night James!"
"Night Tin! Night ganda!"
Ganda daw. Hahahaha. Yiee!!
.......................................................
"Kriiiinggggg Krrrrrring"
"Ano ba yan!! Kanino ba yun?!!"
"Sorry naman Kuya ah! Kasalanan ko ba? Malalate na kaya tayo."
"TALAGA?!"
Biglang nanlaki yung mga mata niya. Nakakatuwa siya tignan! Kahit kagabi, nagising kasi ako. Natitigan ko si Kuya. Ang cuuutee cute talaga niya! Haay. Nakakainlove...
"" "Huy!"
"Ay palaka! Ano ba kuya!! Ginugulat mo ko eh!"
"Hahaha! Hahahahahahaha!!" ""
Okay.. So nahuli niya ako. Tanga tangangers ko kasi eh.
"Malalate na tayo bilisan mo na!"
"FINE."
Nakakainis naman. 6 palang kelangan nang gumising? Stressed na nga ako sa school, stressed parin ako sa club? HAY!
After maligo and magready, sabay sabay kami nina Ate Tin and Kuya James sa pagpunta sa church.
"Ang ganda pala dito no.."
"Mas maganda ka."
"Huh?"
"Joke!!!!!"
"Hoy James ang sama mo!"
"Wag ka na nga mangialam Tin! Buhay ko to eh."
"Bahala na nga kayong dalawa!" sabay walkout ko na naman. Wow! Lagi nalang ako nagwwalk out. Matareiii! :)) Eh pano ko ba naman maiiwasan yun kung lagi nalang niya akong iniinis diba? .... Eh hindi ko nga magawang magalit sa kanya kaya umaalis nalang ako....
Balik na nga ako ng kwarto..
.......................................................
"Hi Inaaa. Sorry naa."
Parang ngayon lang nagkita ah! Kinikilig na naman ang lola mo! :))
"Okay.."
"Sa iyong ngiti.. Ako'y nahuhumaling. At sa tuwing ikaw ay dadaan ang mundo ko'y tumitigil para lang sayo....."
"Sht! Abnormal talaga tong cellphone ko."
NAKAKAHIYA ANO BA YAN.
"Yan kasi! Yung maayos naman bilhin mo. Tignan mo nga yang phone mo! Hahahaha"
"Kung wala kang gagawing iba kundi magyabang, mabuti pa wag mo nalang akong kausapin. Aalis na ako."
"Drama naman nito. Sorry na"
"Drama? Sorry NA? Magsosorry ka na lang, ganyan pa? Pano ka sasagutin ni Ate Sam niyan, ha?!" sabay walkout ko.
"Ins..! Ganda!! ://"
Haba ng hair. Ansaveh ng pagtataray ko. Jusmiyo Ins. Akala ko ba mahal mo yung tao. Tapos iniichupwera mo lang. Ay, oo nga pala. Rule number 4, talk only if necessary.. Kaya ko naman kaya to? Baka isipin ni Kuya kung ano nang nangyayari sakin.. Kasi eh. Ba't ko pa kasi siya nakilala. Kung sana naging forever alone nalang ako nung simula pa, mas gugustuhin ko pa yun..
BINABASA MO ANG
Taking Chances
RomanceCrush ko kasi siya.. Actually, hindi eh. Love ko na ata siya. Ewan ko ba. Alam kong namang imposibleng mangyari yung gusto ko.. Duh? Si Kuya pa. Pero kahit na ganun, hindi ako susuko. I don't want to miss any given chance. What if it happens but I m...
