Chapter 3 : Never Gonna Happen

157 0 0
                                    

You make me happy, every little thing you do, I get the butterflies everytime I look at you. You make my heart sing the sweetest melodies, wish I could tell you just how much you really mean to me :)

"Psst, Ina! Halika, may pupuntahan tayo." sabi ni Kuya.

Nasa school daw kaming dalawa, uwian, tapos bigla daw niya akong tinawag.

"Saan na naman tayo pupunta? Mabilis lang ah, susunduin na ako eh." sagot ko.

"Basta! Promise, magugustuhan mo. Mag blindfold ka muna! Hahaha."

"Andaming arte ah. O game!"

Hay nako, san na naman kaya kami pupunta?

"O Ins, pwede mo na tanggalin."

Pagkatanggal ko, parang nasa beach kami ni kuya, tapos nakalagay dun sa may sand, "I love you"

OHMYGOD IS THIS REALLY HAPPENING. 

"Okay ba?" sabi niya sabay kindat

"Ano na namang trip 'to kuya?" sabi ko sa kanya. 

Baka sabihin niyo, KJ ako aaaahh. Hindi no. Sinisigurado ko lang kung ano talaga ang meaning ng mga 'to. Ikaw ba naman gawan ng ganito ng isang lalaki? Kaibigan mo pa ha!

"I love you ngaaa! Unli ka?"

"Di nga?!"

"Oo nga, simula pa nung first year ka, may crush na talaga ako sayo.      

Hindi mo pa 'ko kilala nun pero kilalang kilala na kita. Nung naging friends tayo, mas lalong lumala 'to. I love you Ina :)"

My gad. Ano naman kaya isasagot ko?!

"KRIIINGGGGG KRINGGGGG"

"Pektusan ko 'tong alarm clock ko eh!"

Pagkagising ko, bigla kong naalala yung panaginip ko. 

"Sayang naman panaginip lang! Chos! Hayy wala lang yun, duhh 'di naman ako ganun kalandi no!"

ang nasa isip ko.

"PBB Teens?! Haha!"

Pagkaligo, nagbihis ako tapos kumain lang after. Pagpasok ng car, dami ko namang iniisip.

"Hoy Ina, andami mo na namang iniisip ah. Ano ba yan?" sabi ni Ate Issa.

"Wala, puro project, PETA, homeworks."

"Baka masyado mo nang sinestress sarili mo. Learn to relax ha."

"I know ateng. Hahaha. Sobra nga ako sa relax eh. Cramming ng cramming!"

"Baka naman may iba kang iniisip ah.. Sabihin mo sa 'kin!"

"Wala yun. Isa lang.."

"So, meron nga? Yiee!!"

"Wala lang. Help me ate!! Ano ba ibig sabihin yung kapag nakikita mo siya and nakakasama, happy ka pero at the same time para bang kinakabahan? Gusto mo siya lagi kasama pero pag nakasama mo naman parang andami mong iniisip?"

"OMG MAY CRUSH YUNG KAPATID KO! SINO SIYA I'LL INVESTIGATE" sabi ni Ate Issa.

"Kuya James, 4th year, SCA din."

"Alam mo bang nung naging president din ako ng SCA may naging crush din akong co-officer ko! Sisters nga talaga tayo Ins!"

"Hay nako pumi-PBB teens na ang kapatid ko." biglang sumagot si Ate Iya.

"WEH KJ KA NAMAN ATE EH."

sabi ni Ate Issa.

"Mag-investigate ka Ina ha, parang yung sinabi ko sayo!" reminded Ate Iya.

"Yess I will! Undercover? Hahaha." sabi ko.

Pagkarating namin sa harap ng HS, nag bye na ako kina ate.

"Bye mga Ates!!"

"Bye Ina!" sabi ni Ate Iya

"Goodluck!" sabi naman ni Ate Issa

Another day, another story? Not a chance. Hindi naman 'to teleserye no :)))))))

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon