Chapter 12 : Mixed Emotions

108 0 0
                                    

"Nasa..an.. Ako..?"

"Shh. Ina. Wag ka mag-alala. Nandito lang ako.. Nandito lang kami."

"Kuya James? Bakit ako nasa hospital? Nasan si Eden? Bakit ka nandito?"

"Bumalik lang si Eden sa HS. Ipinaalam niya yung nangyari sayo. Wag ka mag-alala."

"Teka... Bakit ka nandito?"

"Nagcollapse ka kasi kanina. Mga 6:20 ata yun. Sa may harap ng girls' CR. Nagpanic si Eden kaya naghanap siya ng taong pwedeng tumulong sayo. Buti nalang nakasalubong niya ako. Dinala ka namin sa office tapos sinakay ka nila sa wheelchair. Sumama kami all the way here, sa UST hospital."

Naaalala ko na lahat. Hindi ako nagbreakfast. Siguro nagka-hypoglycaemia ako. Naaalala ko na kung ano ang naging reaction ko nung nakita ko na si Kuya James yung naglalagay ng love letters sa locker ko. Oo. Galit na galit ako sa kanya. Gusto ko siyang saktan, bugbugin, sampalin at kung ano ano pang gusto kong gawin. Pero eto na naman siya. Ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko. At.. Teka... Hawak hawak ba niya yung kamay ko? Lord, ito na naman po tayo. Unti unti na naman akong naiinlove kay Kuya. Bakit? Bakit kelangan pang mangyari to? Bakit kelangang siya pa ang unang makita ni Eden? Dagli dagli ko nalang tinanggal yung kamay ko sa kamay niya..

"U-uhh anong oras na?"

"7:30. Nagpaexcuse kami ni Eden sa classes namin. Wait, okay na ba pakiramdam mo?"

"Okay na naman.. Teka, hindi ba kita naistorbo? Alam kong may klase ka.. Baka kung anong mamiss mo dahil sakin.."

Tanga ka ba talaga Ina? Ikaw pa tong nag-aalala eh ikaw na nga yung niloko?

"Wala yun. Ikaw pa. Eh malakas ka sakin eh. Ms. Ganda."

"Loko loko ka talaga kuya!"

"O tignan mo, mas maganda ka pag nakangiti."

"Mr. Bolero ka talaga. Kuya, pwedeng makahingi ng tubig?"

"Wait. Ito oh."

"Thank you. Ikaw pa nagpainom sakin. Matanda na ko no. Kaya ko na gawin yun mag-isa."

"Wala yun. O siya, magpahinga ka na muna. Pag kelangan mo ng tulong, nandito lang ako. Wag kang mag-alinlangan. Hinding hindi kita iiwan.."

Haay. Ang cute cute niya talagaa. Gentleman pa. Nagbblush na naman yata ako. Buti nalang hindi ako nagbreakfast. Buti nalang nahimatay ako. Loka loka ka ba Ina? Mas gusto mo pang mahimatay ka para maalagaan ka niya? Oh well.... (George Orwell?!") 

"Psst. Sinong cute?"

Jusmiyo. Did I say that out loud?!

"Ha? Anong cute?"

"May sinabi ka kayang cute! Hay. Nevermind. Alam ko namang hindi ako mananalo sayo eh."

"Belaaaaat! Sige, inaantok narin ako eh."

"Bye Sleeping Beauty."

I finally closed my eyes. Haay.

"Ang ganda niya talaga..."

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon