Chapter 7 : Inspire and Be Inspired (Part 1)

124 1 0
                                    

It feels good waking up knowing na the person you love cares for you. If not the same way as you do, kahit as a friend, okay na sakin. Ang saya talaga kahapon. Ang buhay kasi, hindi lang puro sarap yan. Hindi lang rin puro sakit. Kumbaga, everything is balanced. You learn from your hardships.

Hi! Excited na naman akong pumasok! Syempre, makikita ko na naman si crush. Ay sorry, sinabi ko ba "crush"? LOVE na nga pala. Hahaha :) Ngayon lang ulit ako nagmahal. Dati ko nang nagawa yun, but sadly, nasaktan lang ako. Ngayon, hindi na ako takot masaktan. What is life if you don't experience heartaches diba?  It's through these things that we become better persons. Para in the mere future, we know what to do in case these things happen again. 

Soo, 3 days have passed since yung araw na nagstart ang kabaliwan ko. Hahaha! 3 days have passed since I realized na inlove na pala ako kay Kuya James. Since sinabi niya sakin na maganda daw ako.. HAHA YAN NA NAMAN AKO EH! 

For the past 3 days, wala namang nangyaring kakaiba. Ayun, gising sa umaga, pasok sa school, discuss, uwi sa bahay, aral, tulog. Ang tanging nakakapagpasaya lang ng araw ko ay yung mga kaibigan ko. At syempre.. Si Kuya James. Pag aakyat ako papunta ng classroom namin, lagi akong nag-iiba ng route. Diretso kagad ako sa may classroom nila. Nakikita ko nga siya, pero I make sure na di niya ko nakikita. Nakakahiya na no! Baka kung ano pang isipin nun. Hahaha. Ewan ko ba. 1 second lang na nakikita ko siya, para bang nababaliw na ko. 

Muntik na nga akong mahuli eh. Pano ba naman, kausap ko si Eden tapos sumisigaw ako sa kilig. Yun pala paparating siya. Siguro naman di niya narinig yun, ano? Sana nga. Kundi.. PATAY. Ayoko kasing nalalaman ng tao na mahal ko siya eh. Depende nalang kung ganun din nararamdaman niya para sakin. Ayokong masira yung friendship namin. Wala nga akong sinasabihan sa club namin maliban kay Ate Tin. Baka kasi pag nalaman ni Kuya, iwasan lang niya ako. Ayokong mangyari yun. EVER.

"Ina! Recollection natin sa Sunday ah! Lahat ng officers required pumunta. St. Barth yung ihahandle niyo. Kasama mo si James." sabi ni Ate Tin, president namin.

"WEH? Barth ihahandle namin? Yay!! Buti nalang, at least makakasama ko classmates ko. Thanks ate!"

"Sure. Ayoko namang masira yung 2nd year life mo. Recollection is one of the best memories ko nung 2nd year ako."

Agad-agad naman akong pumasok ng classroom namin para sabihin kina Jaja.

"Ja!! Eden!! Kate!! Reg!! Athena!! Kami daw ni Kuya maghahandle ng Barth sa recollection sa Sunday!"

"OMG GIRL!!"

"Sabi sayo Eden eh!! Yiee Ins! Dream come true!!!"

"Teka nga Ja. Ins, ano ba theme ng recollection?"

"Inspire and Be Inspired."

"OMG INA BAGAY SAYO!" sabi ni  Athena.

"Shh! Ingay mo Athena! Hahaha excited na ako!"

"KAMI RIN!" sinabi nila ng sabay sabay.

"Pero wag niyo kong asarin please!!"

"Depende! Hahaha kung mapipigil namin."

"Bahala na. Haay. Ui sige, magttime na pala!"

"Good morning Sir Castro!"

"Good morning! Recollection pala sa Sunday no?"

"Yes sir! Si Ina po and Kuya James yung maghahandle samin!" sabi ni Regina.

"YIEEEEEEEE!!!!!!!!!" 

Jusmiyo. Sumigaw naman yung mga classmates ko. Nako. Baka malaman ni Sir.

"Nako, Ina ha. Kilala ko yang si James! Confirmed!"

"Nako sir, wag po kayong maniwala diyan sa mga yan! Hahaha."

"PALUSOT!!" "YIEE INA!!"

Sus. 

"UI NAGBBLUSH SIYA!!" "ONGA!!" "UI KINIKILIG!"

Hala. Must. Cover. Face. -.-

Kasi naman eh. Marami nang nagsabi sakin na madali daw ako magblush. Aba malay ko ba? 

Dismissal na. Sayang. Di ko siya nakita ngayon. Bahala na. Sa Sunday naman magkikita kami eh.  

"Ina, locker tayo."

"Sige, Kate!"

"Ui, bakit parang nawala yung mga love letters mo from 3+3 ba yun?"

"Ewan ko rin eh. Baka natauhan! Hahaha! Joke dear! Bahala na. Wala naman akong pakialam kung bigyan man niya ako or not."

"Hay. Yan ang torpe! Di ka nalang kasi diretsuhin Ins eh."

Habang naglalakad kami pabalik, ang lalim na naman ng iniisip ko. Bakit ba si Kuya nalang lagi iniisip ko? Hay, distractions nga naman oh... 

Bigla bigla nalang akong may nakabangga. Hay nako Ina! So careless! Pareho kaming nakayuko, kinukuha yung mga gamit ko.

"Sorry po."

"Sorry din.."

sabay pulot ng mga libro namin. Pagkatingala ko,

"Kuya James? Ui!!"

"Ina?! Ikaw pala yan!"

"Hahaha. Sorry Kuya! Napakacareless ko talaga. Dami kong iniisip.

"Wala yun, ako rin eh. Dami ko ring iniisip. Wag pastress ha. Sayang ganda mo."

YIEEEE!!!! KINIKILIG NA NAMAN AKO HAHAHA

"Sus nambola pa to!" (arte!)

"Totoo naman ah! Ui, yung recollection nga pala sa Sunday ah."

"Excited na nga ako eh! Magkasama pala tayo no?"

"Aba siyempre! Special request ko yan. Nagtanong kasi si Ate Madonna kung sino daw gusto naming kasama. Wala ka kasi nun eh. Sabi ko, "Akin si Ina ah!" kaya ayun, tayong dalawa yung magkasama."

*BLUSH* Mygad. Feeling ko namumula na naman ako. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Hay salamat. Di naman niya nahalata.

"Taray! Buti nga Barth yung handle natin eh."

"Oo nga eh! Ang ganda nung theme no? Inspire and be Inspired. Bagay na bagay."

"Bagay saan?"

"Ahh wala. Bagay sa lahat ng tao. Hahaha! Ui sige, alis na ko ah. Magttime narin eh. Bye!"

"Bye Kuya!"

"KINIKILIG SI INA!!!!"

"Shh Kate! Kasama nga pala kita! Hahaha! Wag ka sumigaw dear, halata!"

"Sorry Insss, hahaha yieee! Swerte mo!"

Oo nga no. Naisip ko swerte ng talaga ako. Biruin mo, 10 kaming officers tapos kami ni Kuya yung magkasama. At ako pa talaga yung pinili niya! "Akin si Ina!"? Hay. Ayan na naman ako. Wala naman kasing ibang meaning yun eh. Diba? Stop daydreaming Ins! Hahaha. Basta, masaya ako. I'm so excited for Sunday!!

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon