Chapter 5 : Expect the Unexpected

135 0 0
                                    

"If we fall in love, maybe we'll sing this song as one. If we fall in love, we can write a better song than this. If we fall in love, we would have this memory in our heads. If we fall in love, anywhere with you would be a better, place."

"Krrrinnggggg Kriingggggg"

Paggising ko, NAKO! Kilig na kilig na naman ako. Bakit kaya araw araw ko nalang siyang napapanigipan? Diba sabi nila, kapag napanigipan mo daw yung isang tao, gusto ka niyang makita? FEELER KO NA NAMAN HAHAHA. Hay basta! Makikita ko na naman siya mamaya!! Tapos makikita ko nga siya pero mahihiya na naman ako sa kanya.  Bakit ba kasi ang tahi-tahimik ko pagdating kay Kuya? Pero sa ibang tao naman ang lakas ko pa makaasar at makatawa? Diyan talaga ako mahina. Pag crush ko na yung isang tao, mas nahihiya ako. Imbis na mas iclose ko siya, minsan nga ako pa yung nang-iiwas. Sayang lang eh! Di ko ba alam sa sarili ko!

Pagpasok sa school, sinamahan naman ako ni Eden sa locker.

"Ano na naman yan, Ina? LOVE LETTER NA NAMAN?!"

"OH MY GOD GIRL TAMA KA!"

"Kanino kaya galing yan?"

"Baka kay Kuya! Joke!! Assumera? Ewan ko ba!"

"Malay mo!! Meron pa bang may gusto sayo?"

"Yun na nga eh. Imposible naman kasing may gusto sakin. Mas lalo namang imposible kung siya yung nagsusulat ng mga yan no!"

"Ay girl, 5th day na 'to ah! Everyday ang trip niya girl. Swerte mo!"

After that, pumasok na kami sa classroom.

"Kate! Ja! Reg! May love letter na naman si Ins!"

"Shhh! Wag ka nga maingay Eden!"

"Haba ng hair!!!!!" sabi nina Kate.

Ilang araw narin to ah. Kanino ba talaga galing ang mga to? Ginugulo lang niya yung isip ko and I should be focusing on the periodical exams approaching. Distractions lang to!

Ay nakalimutan ko pala! May ikkwento pala si Ate Sam sakin mamaya. 

Sht! May GSP nga pala ngayon! Hay nako. Muntik ko nang makalimutan. Late na naman ako uuwi. Mga 6 na siguro, maguusap pa kami ni Ate Sam eh. Itetext ko nalang si Ate mamaya..

"Scouts dismissed."

"Thank you Ma'am!"

Pagkalabas ng classroom, chneck ko na kagad yung phone ko. 

From : Ate Sam

Tapos na scouting niyo? Kita tayo sa may botanical, now na :)

"Ui Ina!"

"Oh Ate! Nandyan ka lang pala. Hahaha."

"Tabi ka dito, may ikkwento ako sayo."

"About saan ba yan?"

"Hulaan mo!!"

"Lovelife?!!"

"Tumpak!!!"

"OH MY GOD!!! Huwaaaawww! Dali! Dali! Kwento! Can't waaaiitt!"

"Kasii.. May crush ako. Tapos feeling ko crush din niya ako!"

"OMG GIRL! Sino?!"

"Clue : kilala mo siyaaaa ;)"

"Anobayan! Marami akong kilala no. Teka, anong year?"

"4th year!!"

"WEH? Pareho tayo!!! 4th year din yung prince charming, este crush ko Ate!"

"IKAW? MAY CRUSH? Nagdadalaga ka na dear! How dare you not tell me that sooner!"

"Hehehe sorryy. Nung una kasi, ayoko sanang malaman ng iba eh."

"You will tell me that after I tell you my story! Okay?"

"Okay! Oh, game! Kwento!"

"Kasii.. Kahapon.. Oh my god girl kinikilig ako hahaha!"

"Daming arte! Tuloy na kasi."

"Kasi kahapon.. Diba anlakas ng ulan? Ilalabas ko na sana yung payong ko from my bag. Kaya lang, pagkita ko, wala sa bag ko. Then, I remembered na nilagay ko pala dun sa may table sa classroom namin. Umakyat ako mag-isa. Pagkadating ako sa wing namin, nakita ko, nakalock na pala yung door. Nagpanic ako, kasi di talaga ako makakauwi pag wala yung payong na yun. Edi hinanap-hanap ko si Mang Bernard. Di ko talaga siya makita! Problemadong problemado talaga ako nun. Tapos may bigla nalang kumalabit sakin. Si crush!!"

"OMG ANG SWERTE MO GIRL!!"

"Talaga!! Hahaha! Sabi niya "O Sam, bakit 'di ka pa umuuwi?" "Eh naiwan ko kasi yung payong ko sa loob ng room namin eh. Pagbalik ko, nalock na pala. Tapos di ko pa mahanap si Mang Bernard.." "Yun ba? May payong naman ako dito. Malaki-laki naman, kaya kasya naman siguro tayong dalawa.""

"Nakakakilig naman yan ate!"

"Sinabi mo pa! Tapos hinatid niya 'ko sa may taxi. Ayun, nagthank you lang ako sa kanya. Sabi niya, wala naman daw yun. "Basta pag kelangan mo ng help, Sam,  I'm always here. Bye! Ingat!""

"Waaahhh!!! Ikaw na talaga!!!"

"Hindi naman sa assuming ako pero feeling ko lang may chance siguro na magustuhan din niya ako. Diba? I mean, bakit pa siya nagvolunteer na ihatid ako? Hindi ka lang naman basta basta tutulong sa tao ng ganun kung wala kang ibang intentions. Kaya, girl!! Kilig na kilig parin ako hanggang ngayon! Ang cute talaga ni crush!"

"Halata ngang di ka parin makaget-over eh! Teka, sino ba yang crush mo ha?"

"Wag mo sabihin sa iba haa. Si.. Ano... Si.. Kuya... James."

WHAT. THE. HELL.

"Psst. Ina! Okay ka lang ba?! Parang bigla ka atang natahimik diyan."

"U-uh? Wala yun."

"Wag mo sabihing may gusto ka rin kay Kuya James ha?!"

"H-huh, wala no. Ba't naman ako magkakagusto dun sa lalaking yun?"

"Wew. For a second thought, akala ko crush mo rin siya eh. Well.. Ui! Yung kwento mo pala? Sino ba yang prince charming mo?"

"Uhh yun? Wala, next time nalang  pala. Anong oras na eh. 6 na kaya. Sige, bye na ate."

"Bye...

Hindi ko na siya hinintay na magbye sakin. Umalis na kagad ako.

.... ina?"

Pumunta ako sa loob ng UST church. Di ko namalayan, iyak na pala ako ng iyak. 

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon