Chapter 6 : Comfort

155 1 4
                                    

Hindi ako makapaniwala. I can't believe na hinayaan kong mabulag yung sarili ko at hindi ko nakitang may gusto rin pala si Ate Sam kay Kuya James. Tanga ba talaga ako para isiping ako lang ang may karapatang magkagusto sa kanya? 

Ina, hindi lang ikaw ang nag-iisang babae sa mundo. Tutal, mas marami namang mas maganda sa kin diyan sa High School eh. Wala naman akong binatbat sa kanya. Ni wala nga ako sa Top 10 ng batch namin eh. Ano bang pumasok sa isipan ko na nagkaroon ako ng hope na magugustuhan din niya ako? I'm nothing compared to him. Sobrang friendly niya, madaling kausap, nakakatawa, gentleman pa. Eh ako? Sino nga ba ako? Mahiyain, insecure, boring kasama, tapos hindi ko pa masabi yung totoong nararamdaman ko kahit man lang sa isang tao. Kahit man lang sa bestfriend ko. Lalo na si Ate Sam. Halos perfect na nga siya eh. Maganda, matangkad, matalino, mabait at may confidence siya sa sarili niya. Bakit ko pa naisip na may possibility na ma-inlove din siya sakin?

Teka...

Love? Kelan pa ko natutong mag-isip ng about sa love? Love na ba tong nararamdaman ko kay Kuya James? Siguro nga love na to.. Biruin mo, siya nalang lagi kong iniisip. Siya ang dahilan kung bakit ako masaya. Siya rin kung bakit ako malungkot minsan.. Pag nakikita ko kasi siya, bumibilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kelan ko siya sinimulang mahalin. Everything happened unexpectedly. 

Parang kelan lang kakastart lang ng pagiging second year high school ko. Tapos ngayon, mangangalahati na. Malapit narin magraduate si kuya pero di ko parin nasasabi sa kanya yung tunay kong nararamdaman.

Siguro naranasan niyo narin yung ganito. Yung wala kang magawa para sa sarili mo. Wala kang lakas ng loob para sabihin man lang sa taong mahal mo na mahal mo siya. Ang sakit eh. Alam niyo, minsanan lang 'tong mafall ako sa isang tao. But when I do, I fall hard.

Wala na 'kong pakialam na makita ako ng ibang taong umiiyak dito sa simbahan. Tutal, wala rin naman siguro silang pakialam sa akin. Bahala sila. Maganda nang malabas ko tong sama ng loob ko.

"Lord, parang hindi ko na po kaya. Tulungan niyo po ako. Feeling ko, magcocollapse na ko anytime. Hindi ko po alam kung susuko na ba ako, or just continue this. Humihingi po ako ng sign sa inyo Lord. Bigyan niyo po ako ng lakas ng loob if not through other people, then by your Holy Spirit. Amen."

At last, mas gumanda yung pakiramdam ko. Ang bait talaga ni God. Hindi niya talaga tayo pababayaan no matter what. 6:30 na pala! Well, 7 pa naman ako susunduin. I might as well stay in this peaceful and calm place.

"Ganda.."

"Huh?" 

Pagtingin ko sa likod, my mood lit up. There's already a smile on my face. God really knows the best way to make me feel good.

"Ba't ka nandito? Wait, umiyak ka ba?"

Nakakatawa kami, pabulong pa mag-usap. Pano, wag daw maingay sa loob ng church. Hahaha.

"Ako? Umiiyak? Hindi no!" Ba't naman ako iiyak? Napakaimposible naman niyan."

"Hay nako, palusot ka pa. Halika ka nga!"

Bigla akong tumabi sa kanya, then di ko na namalayan, he wrapped his right arm around my shoulder, comforting me. I don't see this as PDA, kasi kung tititigan mo, parang kapatid ko lang siya na nagcocomfort sakin.

"Feeling better?"

Napangiti ako ng nakatingin sa kanya.

"Thank you kuya. Parang kanina lang, humingi ako ng comfort kay God. Yun pala, ipapadala ka niya sa kin para gawin yun."

"Hehehe. Wala yun. Napadaan lang ako dito. May gusto rin kasi sana akong hingin kay God eh."

"Oh? Ano yun?"

"Kasi naguguluhan na ako. Di ko kasi alam kung may gusto ba ako sa dun sa girl or what. Para kasing pag kasama ko siya, sobrang saya ko. And pag hindi ko naman siya nakikita, nalulungkot ako na parang gustong gusto ko siyang makasama."

Si Ate Sam siguro yun..

"Naks naman! Inlove ka na pala ha. Kanino?"

"Inlove na ba yun? Hehehe. Basta, kaclub natin. Kilalang kilala mo siya."

Sabi na nga ba si Ate Sam eh..

"Ang ganda mo pala pag umiiyak no?"

"Sus. Nambola pa to. Lahat naman gumaganda pag umiiyak diba?"

"Ikaw palang nakikita ko."

OMG!!!! Pa- shy type pa ko pero nababaliw na talaga ako sa loob! Waaahhhhhh ano ba kuyaaaa! Abuso na to! Hahahahaha!

Hindi ko naman mapigilang ngumiti sa sinabi niya. Ikaw ba naman sinabihan ng crush mo na maganda, di ka ba mapapangiti ng sobra?

"N'amo! Ngingiti ka rin pala eh. Sabi sayo eh. Alam mo, maganda ka nga pag umiiyak pero mas maganda ka pag nakasmile."

"Oo na! Hahaha."

"Ui 7 na pala, kelangan ko na umuwi. Ikaw?"

"Ay oo nga no. Panira naman tong oras. Nagtext na pala si ate. Sige bye na kuya."

"Hatid na kita."

"Wag naa. Kaya ko na."

"Sige na!! Please! Please!"

"Hay nako. Gagawa ka lang ng eskandalo eh. Sige na nga. As you wish sirr!"

AS YOU WISH KA DIYAN INA ANG ARTE MO. HAHA. Pakipot. Kunwari pa. Bibigay din pala haha!

"Bye Kuya! Thanks ulit!"

"Hanggang sa muli magandang binibini! Hahaha! Ingat!"

YIEEE! HAHAHA KILIG NA NAMAN AKO. 

Pagkita ko ng car namin, pumasok narin kagad ako.

"Siya na naman? Nako Ina ah! Hindi kaya may gusto na yun sayo?"

"Duh Ate. 4th year na yun no. For sure may iba yung gusto."

"Aww. O siya, uwi na tayo."

Pagdating sa bahay, ginawa ko na muna lahat ng kelangan kong gawin then, humiga na ko sa kama. Abnormal ko. Kinausap ko na naman yung sarili ko.

"Haay. Sana ganito nalang everyday. Inlove na naman ako. Haay.."

"Lord, thank you for this wonderful day! Sana po laging ganito. I know na lahat po ng tao nagkakaroon ng problems. Bigyan niyo po sana ako ng lakas para ma-overcome ko yung lahat ng yun. I love you Lord, so much!! Goodnight!"

God is good, all the time :)

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon