"It's been a while since I felt butterflies. Do you feel the same way too? If every single second could last so much longer would you hold me?"
"Krrringggggg Kriiinggggg!"
"What a wonderful morning!"
"Psst! Ina! Ang ingay mo! Kita nang natutulog pa ako eh. Maligo ka nalang nga!"
"KJ!!"
Kasi naman eh, nakitulog pa dito si Ate Iya. Miss na daw niya ako. Hahaha. Di bale na, excited na ako! Ayy 5:00 palang pala. Ano ba yaan. Dapat 6:00 pa ko gigising eh. Abnormal na alarm clock to. Pepektusan ko na talaga to eh.
Makapagmuni-muni nga. Tutal, may 1 oras pa naman ako eh. Haay.
Ano kaya mangyayari mamaya? Masaya kaya? May mangyayari kayang masama? Sana naman wala. Sana maging masaya mamaya. Sana walang mangyaring pagsisisihan ng kung sino man. Sana kiligin ako mamaya. HAHAHA LANDI. Syempre joke lang yun! Hahaha. Perooo.. Bahala na! Tsk. Baka asarin ako ng classmates ko. Pag yun talaga nangyari, ewan ko nalang ah.
"Krrrriinngggggg Krrrringggg!"
6 na pala. Hay. Mamaya na tong paarte-arte. Magaayos na ako para mamaya.
7:15 nang pumunta ako sa school. EXCITED NA AKO GRABE!! Iniwan ko lang yung bag ko sa classroom namin. Edi lahat naman sila inaasar ako diba? Yung mga kaibigan ko naman kasi eh.
Pumunta nalang ako sa classroom nina Kuya. Dun kasi yung meeting namin eh. Pagdating ko, lahat na sila nandun. Ako nalang pala yung hinihintay.
May binubulong yung mga kaklase ni Kuyang lalaki sa kanya. Parang inaasar siya. Tapos tinatawanan lang sila ni kuya. Tawa sila ng tawa, di ko nga alam kung bakit eh. Parang yung isa, kanina pa tingin ng tingin sakin. Ako kaya yung inaasar nila? ASSUMERA NA NAMAN AKO. Wala yun.....
"Don't forget your room assignments! Ina and James : Room 312 ha!"
"Yes Ate Tin."
"Psst, Ina."
"Bakit Ate Sam?"
"Wala lang.. Swerte mo! Buti ka pa kasama mo si Kuya."
"Wala yun ate."
"Ui Ina malalate na tayo!!!!"
Biglang hinatak ni Kuya yung kamay ko papalayo kay Ate Sam.
"Bye Ate Sam!!!!"
Parang ang sama ata ng tingin niya sakin nun ah. Hay. Mga babae talaga, selosa masyado. Parang di ako babae no?! Hahaha! Nako, ako na ata ang pinakaselosang babae sa mundo.
"Ano ba Kuya! Bakit mo kasi ako hinahatak? Parang nagalit tuloy si Ate Sam sakin.."
"May ikkwento kasi ako! About kay Sam."
"Oh? Bakit? LQ kayo? HAHAHA JOKE!!"
"Loko ka talaga! Kasi naman, parang pinagkakalat niya na may gusto ako sa kanya dahil lang na pinayungan ko siya tapos hinatid lang sa taxi nung umuulan. Duhh, kasalanan ko bang maging gentleman?"
"Ahh. Naaalala ko na. Yun yung araw na may ikkwento ka sakin. Pinagpahintay mo ko ng 1 oras yun pala di ka susulpot. Dahil nga pala yun kay Ate Sam. Kinwento niya sakin yun."
"Oo nga pala.. Sorry di ko nasabi sayo. Nakalimutan ko kasi eh. Sorry talaga Ina.."
"Hay, kinakalimutan mo naman ako eh."
"Hala! Di naman sa ganun. Sorry talaga. Alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang maganda na, matalino pa!
Sabay kurot naman sa cheeks ko. Hula ko nagbblush na naman ako nito. Haay. What kind of sorcery is this? :))))
"Sige na, okay na. Basta don't ever do that again MR. BOLERO! Hahaha!"
"Yay! Bati na kami ni MS. GANDA!"
"Sus, halika na nga!"
Bigla bigla nalang niya akong kiniliti!
"Habulin mo 'ko!"
"Humanda ka sakin!!"
Grabe. Para kaming mga bata. Tumakbo kami papunta ng classroom. Pagdating namin sa labas ng pinto, pagod na pagod kami.
"At dahil pinagod mo ako, etong sayo!!"
Syempre, di naman ako nagpahuli no! Kiniliti ko siya. Eto talaga, major major kiliti! Hahaha!
"Tama na!!"
"Oh ayan! Patas na tayo!"
"Pasok na nga tayo Ina!"
"Game!"
Pagpasok namin, tawa parin kami ng tawa. NAKO. Nakikita ko na ang mga mukha ng mga kaklase ko. Ayan na naman!!
"YIEEEEEEEEE!!!!!!" "INAAA!!" "NAKO INAA!!" "KINIKILIG SIYA!!"
Jusmiyo. -.-
At syempre, NAGBLUSH NA NAMAN AKO. Napakadali ko talagang kiligin! Nako naman oh. Mahahalata ako nito eh. Pinipigilan ko talagang ngumiti, pero parang di ko carry eh. As in parang anytime sasabog na ko sa sobrang pagpigil ko sa kakiligan.
"Hay nako kayo talaga!"
"Sus! Kinikilig ka lang!"
"Pagpasensyahan mo na tong nga to kuya, mga abnormal eh."
"Parang ikaw hindi abnormal ah."
"ANONG SABI MO?"
"Wala. Wala. Hahahaha!"
"At dahil diyan, tumahimik na kasi kayoo. Hindi naman kami pumunta dito para asarin niyo diba? Recollection kaya ngayon!"
"As you wish Ms. Vice President!"
Hay salamat. Tumahimik narin sila. Peace of mind!
BINABASA MO ANG
Taking Chances
RomanceCrush ko kasi siya.. Actually, hindi eh. Love ko na ata siya. Ewan ko ba. Alam kong namang imposibleng mangyari yung gusto ko.. Duh? Si Kuya pa. Pero kahit na ganun, hindi ako susuko. I don't want to miss any given chance. What if it happens but I m...