Busy ang lahat sa pag e insayo para sa darating na sports Events ng West University, kabilang ako sa cheerleading squad ng school namin, kaya heto kami todo insayo. Halos wala kaming pahinga sa pag iinsayo, kailangan kasi naming manalo dito para exempted na kami sa sadlawang subject.
"Ten minutes break!!!" sigaw ni ola sya ang leader ng cheer leading Team namin.
"Syne ayos ka lang?" tanung ni aile isa sa mga kasamahan ko ng makalapit sya sa akin.
"Ayos lang ako aile, hindi naman gaanong masakit medyo lang" umupo sya sa tabi ko sabay tingin sa braso ko
"Sigurado ka? mag pahinga ka na lang kaya medyo namumula yong kamay mo e"
" OK lang talaga ako aile" sabi ko tumango lang sya. Nag kamali kasi ng salo sa akin kanina kaya bumagsak ako sa semento at naipit ko yong braso ko kaya medyo namamaga sya.
" Sa tingin mo na mananalo tayo?"
"Tiwala lang aile alam kung kaya natin" napangiti naman si aile sa sinabi ko.
"OK guys, back to practice!!!" sigaw ni ola.. Tumayo na ako ganun din so aile. I Stretch my hand napadaing ako ng kumirot iyon.
"Syne are you ok ?" I nodded
"Yeah I'm ok" sagot ko.
Practice lang kami ng practice hanggang sa nakuha na din namin ang mga mahihirap na stunts, pakiramdam ko buong katawan ko na ang sumakit dahil sa ilang beses akong nahulog sa semento.
Binuhat ko ang bag ko at isinabit iyon sa balikat ko napadaing ako ng masagi ang braso ko ng aking bag.
"Syne una na kami" paalam ng mga kasamahan ko tumango lang ako. I look at my watch 6:45 na pala ng gabi at mukang uulan pa ata wala pa naman akong dalang payong. Habang nag lalakad ako papuntang waiting shed. napahinto ako ng matanaw ko si Dale na nakaupo doon sa stool ng waiting shed, hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o mababalik nalang ng school. Lumingon ako sa paligid wala syang kasama?
Ibig sabihin kapag tumuloy ako kaming dalawa lang doon. Dale is my crush since 3rd year college kami isa syang transferee noon. Popular sya sa school namin magaling syang mag basketball, kaya maraming babaeng humahanga sa kanya at isa na ako doon hindi lang sya sa basketball magaling , magaling din syang mag paiyak ng babae a basket playar who play with the girls hearts, he's also nice to everyone... marami na syang napapanalong laro matalino rin sya sa klase kaya hindi na ako mag tataka kung maraming nag kakagusto sa kanya kahit na isa syang play boy. Isa ako sa mga taga hanga nya. Napapitlag ako ng may maramdaman akong tubig na tumama sa mukha ko, shit! Umaambon na pala. Mabilis ang paglakad ko papuntang waiting shed ng mas lalong lumalakas ang ambon.
"Wooh!" sabi ko nalang ng marating ko na ang waiting shed buti nalang at hindi ako gaanong nabasa. Napalingon ako sa gilid ko, napaatras ako ng makita kung muntik ko ng maapakan si dale sa paa. Hindi sya nakatingin sa akin nakayuko lang sya. Umupo ako medyo malayo sa kanya. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko ngayon. I took a deep sigh.
"Wala naman akong sakit ah" napalingon ako ng may nag salita lumingon lingon pa ako sa paligid, wala namang tao ah. Napatingin ako kay dale ganun nalang ang gulat ko ng makita syang nakatingin sa akin.
"A-ah ha?" ang tanging sabi ko lng, napailing sya napaiwas naman ako ng tingin ng tignan nya ang kabuuan ko, tumindig ang balahibo ko ng napadako ang tingin nya sa legs ko, nakapalda pa naman ako ngayon, hindi na kasi ako nagpalit ng pantalon kanina dahil masakit ang braso ko. Lalo akong nanginig ng hubarin nya ang uniform nya habang papalapit sa akin, teka? Mamanyakin ata ako nito eh, napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko ng nakatayo na sya sa harap ko. Kahit crush ko to hinding hindi ako pag papamanyak sa lalaking to.
"Wag!!!" sigaw ko pero nagulat ako ng ilagay nya sa lap ko ang polo nya.
"Itakip mo yan sa legs mo, girls should not wear that kind of clothes, lalo na paggabi delikado" tsaka na sya tumalikod at naglakad papunta ng sasakyang nakaparada na ngayon sa harapan ng waiting shed. Napahiya tuloy ako ang sama talaga ng utak ko. Tumila na pala ang ulan, tumayo sa na rin ako sa aking kinauupuan dahil may bus na na dadaan pero napahinto ako ng matanaw ko si dale na nakatayo pa sa pintuan ng sasakyan nya ata at may babaeng bumaba sa driver seat, wait!! Gf nya ba yan?
Pero nagulat ako ng pinara nya ang bus. Sa bus sya sasakay? Napangiti ako ibig sabihin makakasabay ko sya?
"Hey! The bus is waiting ," sigaw ni dale tapos sumenyas syang lumapit ako dali dali naman akong naglakad at umakyat na ng bus, pero napahinto ako ng hindi ko naramdaman na sumakay si dale kaya napalingon ako sa kakanya.
"Hindi ka ba sasakay?"
"I have my car" sabi lang nya sabay talikod.
Ito na siguro ang pinakamagandang nangyari sa buong school year ko..
Napasalampak ako sa malambot kung kama ng marating ang kwarto ko, masaya ako ngayon, sa isang taong palagi ko lang syang tinatanaw sa malayo, sa isang taon na lumipas napansin nya na ako, dale is a gentleman napapangiti talaga ako sa tuwing maalala ang ginawa nya kanina. Sana maulit pa yon sana!! Pero sinong girl? Ah siguro gf nya ang swerte naman ng babaeng yon sana lang talaga maging strong yong relationship nila. Crush ko sya pero di naman ako bitter para pag bawalan sya,sino ba naman ako diba? Isa lang ako sa mga taong nag iilusyon at nangangarap na magustuhan nya.
Napabangon ako ng tumunog ang alarm clock ko, pero napadaing ako ng may maramdaman akong kumirot sa braso ko tinignan ko iyon, nagulat ako ng makitang namamaga na ito.. Napahiga nalang ulit ako, paano na ako makapag practice nito? Bahala na, hindi pedeng di ako maka pag practice today.