Isang linggo kung hindi nakita si Dale, nalungkot ako sa mga araw na wala sya saan kaya sya nagpunta?
"Oii syne pwede maki upo" napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon, andito kasi ako sa library ngayon eh, nagulat ako dahil kinausap nya ako, sya si Rain classmate ko sya pero ni kahit minsan hindi ko pa nakakausap, tahimik lang kasi sya eh, matalino at puro libro lang ang kaharap kaya walang nag tatangkang kumausap sa kanya, maganda si rain, marami nga syang suitor yan eh..
"Ah Oo upo ka lang"
Umupo na rin sya, at tahimik na binuklat ang librong nasa harapan nya, pinag masdan ko sya, ang ganda talaga nya, maingat nyang binubuklat ang bawat pahina ng libro. Nabigla ako ng tumingin sya sa akin at ngumiti.
"Wag mo nga akong titigan ng ganyan, nahihiya ako,"
Napatawa ako sa reaksyon nya.
"Ang ganda mo kasi"
"Ano ka ba, maganda ka rin naman ah"
Napatahimik ako ng sabihin nya iyon, kung maganda ako, bakit hindi ako magustuhan ni Dale?.
"Ah he he"
"May nasabi ba akong di mo nagustuhan?"
"Ha? Ah haha wala"
Simula ng araw na iyon palagi ng sumasama sa akin si Rain, naging mag instant best friend kami, nagulat nga ako ng sabihin nya kung pwede raw kaming maging mag kaibigan. Nag Oo naman ako. Hanggang sa ipakilala nya sa akin si Hans lalaki syang may pag ka babae, MA's close pa nga kami ni Hans kaysa Kay rain eh.
"Alam mo girl, ang cute2 mo talaga"
"Alam mo Hans kung may gusto ka kay syne sabihin mona" asar ni Rain
"Hay naku!! Hindi kami talo nyang si syne ñie no, were girls, did you know that?
Tawa lang kami ng tawa ni rain Kay hans , ang sarap mag karoon ng mga kaibigang baliw, nagbubulunan pa nga kami dahil Kay Hans, nasa canteen kasi kami ngayon, pero napawi ang tawanan namin ng pumasok sina dale kasama ang mga kaibigan nya, biglang tumibok ang puso ko lalo na nung napadako ang tingin ni dale sa akin, tapos napatingin sya kay rain, Kay rain? Napatingin ako Kay rain, nakatingin rin sya Kay Dale, hindi pa paawat si dale kung hindi sya tinapik ng mga kaibigan nya.
" Girl mukhang type ka ni papa dale ah"
Namula ang pisnge ni Rain,"Ano ka ba?" Pinalo nya si hans , nagbibiro pa si hans pero hindi na ako tumawa napasimangot lang ako, hindi ko na rin ginalaw ang pag kain ko, napadako ang tingin ko Kay dale sa kung saan sila nakatingin, pero nahuli ko syang nakatingin Kay rain, humina na naman ang pag tibok ng puso ko.
"ARAY!!!!!" Napasigaw ako ng malakas ng mapalo ni Hans ang braso ko. Halos mamilipit ako sa sakit nuon.
" ay! Syne Ñie sorry," nag panic na din si Hans
"Ikaw kasi, eh," pinalo ni rain si Hans.
Ang sakit para akong mawawalang ng hininga pero mas masakit sa bandang dibdib ko,nabigla ako ng may humila sa akin, akala ko nung una si Dale pero hindi pala kabarkada pala nya. Lumapit sila sa table namin.
"Miss ok ka lang?" Tumango ako, inofer nya yong kamay nya sa akin pero di ko yon tinanggap." Kyle nga pala, ano ok na?" Napangiti sya nag dalawang isip pa ako bago ko iyon tinanggap.
"Arte pa ghorl"? Pinandilatan ko si hans tinutukso nya pa ako.
Inanalalayan ako ni kyle papunta hanggang sa makarating kami ng clinic.
Napalingon ako kina rain hindi ko alam pero bigla nalang bumagsak ang mga luha ko kung paano titigan ni dale si rain, pero agad ko ring pinunasan iyon bago pa nila makita, sabihin nyong OA ako pero nag seselos ako.
"Kailan pa to?" Sabi ng doktor habang INI examin ang braso ko bukod kasi sa nurse may doktor din kami dito sa school namin.
"Dalawang linggo na po"
"Matagal na pala, pero bakit ngayon mo lang pinatingin" hindi ako makasagot.
"Nag pa check up na po ako bago pa po mag start yong sport fest"
"May gamot ka bang iniinom?"
'Opo binigyan po ako ni nurse serin"
Habang nilalagyan ng benda ang mga kamay ko, napatingin ako kay dale, napaiwas ako ng nakatingin pala sya sa akin aissh!! Nakakahiya... Ang kaninang nanghihina kung puso, bumilis na naman ang tibok. Iba talaga ang epekto ni dale sa akin, parang malapit na akong maniwala sa kasabihang , I can't leave without him, napangiti ako kinikilig at the same time. Aissh!!! Marupok 101!! Ano ba syne gumising kana nga sa katotohanang hindi ka nya magustuhan period, remember? He's a playboy,...umiling nalang ako..
"Girl, sorry talaga ha?, hindi ko sinasadya"
Paulit ulit na humingi ng sorry si hans sa akin habang nag lalakad kami sa pathway ng clinic, ganyan na yan sya Simula nung pagkatapos akong gamutin ng doktor, pero di ko sya pinapansin, naka focus kasi ako sa dalawang taong nasa unahan namin ngayon, si rain at dale na sabay mag lakad,. Feel ko my gusto si rain kay dale at ganun din si dale kay rain, e diba may gf si dale na taga east U? Nagulat ako ng may umakbay sa akin. Si Kyle yong kaibigan ni Dale Inalalayan nya ako
"Ok lang ako, kaya ko" sabi ko kinurot ako ni Hans at bumulong
"Ano ka ba, aarte pa,gusto mo palit tayo ng pwesto" kinurot ko rin sya landi kasi nakakainis. Hindi na rin ako umimik hinayaan ko nalang na alalayan ako ni kyle. Gwapo si kyle mabait at gentleman ang cute nga nung dimple nya e, kapit na kapit.. Si kyle ang nag hatid sa akin sa bahay, si dale? Ayon kasama pa rin nya si Rain dumiritso na sila sa school 2:45 palang kasi ng hapon may dalawang class pa ako, papasok pa nga sana ako kaso, sabi ni nila ipahinga ko raw muna ang braso ko, wala na akong nagawa sinunud ko nalang sila.
"Salamat sa paghatid kyle"
"You're always welcome," sabay ngiti ang cute talaga ng dimple nya.
"Ingat ka"
"Ahmm pwede mahingi ang number mo"
Ibibigay ko ba? Hindi pa naman kami mag kaibigan ah, Mag isip ka nga syne, tinulungan ka na nga nung tao eh, wala akong nagawa binigay ko nalang yong number ko sa kanya.
"Salamat syne"
Nginitian ko nalang sya. Napahiga ako sa malambot kung kama pag kapasok ko ng kwarto, bakit feeling ko pagod ako, tinawag nga ako ni mama, pero hindi ko sya pinansin, malungkot ako ngayon. Iwan ko kung bakit naging ganito na ako Simula nung napalapit ako sa kanya, hindi naman ako ganito dati eh, nung tinanaw ko lang sya sa malayo. Sapat na sa akin yong makita syang kumakain sa canteen nag lalakad sa hallway, pero ngayon, gusto kung palagi syang kasama, at nasasaktan ako sa tuwing may kasama syang iba.
Ano ba syne, hindi mo pa sya kilala, ilang linggo mo palang syang nakilala, pero makapag react ka parang inagawan ka ng boyfriend...
Bakit sa tuwing nasasaktan ako, humihina ang tibok ng puso ko?