Heartbeat 8

64 79 0
                                    

Nakapikit ako habang dinadama ang sariwang hangin, nandito ako ngayon sa tambayan kung saan ginagawa ko ang assignment ko sa subject ni ms. Ella na kakatapos ko lang gawin, habang nakapikit ako naramdaman Kong may umupo sa tabi ko.

"Nandito ka lang pala"

Napamulat ako ng mata at napatingin sa kanya, Napangiti ako,.

"Rain ikaw pala, matagal din tayong hindi nagkasama ah"

"Si Dale kasi, palagi akong niyayang mag date"

Parang may bumara sa lalamunan ko ng sinabi nya iyon.

"Ah, ganun ba?"

"Hmm, gusto ko nga sanang isama kayo ni kyle eh, kaso ayaw nya"

Aray! Ayaw nya lang kasing may istorbo sa kanila ,.. Please rain wag kanang mag kwento, nasasaktan ako, bakit nga ba syne? Kasi nga gusto ko sya.

"Baka, ayaw nya lang na maistorbo kayo"

"Hindi naman sa ganun, ahmm kumusta kayo ni kyle?"

"Kyle ? OK naman kami"

"Hindi ba sya nanliligaw sayo?"

"Hindi"

"Alam mo bang bagay kayo, sabi nga ni Dale support daw sya kapag niligawan ka ni kyle"

Hindi ako nakasagot, gusto ko ng umalis ngayon. Napangiti ako ng mapait hindi ako makatingin Kay rain.

"Ahmm rain sandali lang ah, may kukunin pa pala ako sa library.

" ha? Sama ako"

"Hindi wag na, sandali lang naman ako"

Hindi na rin sya nag pumilit, napahawak ako sa dibdib ko, bakit ba kasi ganito maka react tong puso ko. Humina sya kapag nasasaktan. Si Dale lang ang nakakagawa nito sa akin, bakit sya pa?.

Hapon, uwian na kaya niligpit ko na yong mga gamit ko, pero hindi pa ako lumabas ng room, nakaupo parin ako sa upuan ko, tinanaw ang mga kaklase kung nag uunahan sa pag labas ng pintuan, natanaw ko si rain na palabas na rin ng mapalingon sya sa akin.

"Syne ayaw mo pa bang umuwi?"

"Mamaya na, ako nalang ang mag sasara ng room"

"May gagawin ka pa ba?"

"Ah, oo dito ko nalang gagawin yong assignment natin sa math" sabi ko kahit hindi naman gusto ko lang kasing mag paka emo ngayon, ewan ang sama ng pakiramdam ko.

"Sige, una na ko sayo baka nag hihintay na si dale sa labas"

Si dale? Hinahatid sya ni dale? Tanga ka ba syne? Malamang nililigawan nya yon. Nalungkot ako sa kadahilanang di ko alam. Bakit parang hindi ko tanggap, na maging sila? Hay! Nababaliw kana talaga syne.

Nakaisang oras na siguro akong nakaupo , sa room ng may biglang kumalabog banda sa may pintuan kasabay ng pag patay sindi ng ilaw, kinabahan ako, tapos may nakita akong anino ng tao. Napahigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko habang dahan dahang tumatayo sa kinauupuan ko. Ano ba kasi ang pumasok sa utak ko at nag paiwan akong mag isa..

Nakita kung lumalapit ang anino sa akin napapikit nalang ako at the same time gusto ko ng mahimatay ang lakas lakas ng tibok ng puso ko sa kaba.. Naramdaman kung nasatabi ko na sya,..

"Wag!, uuwi na talaga ako"

Nakapikit parin ako habang sinasabi iyon. Narinig ko syang tumawa ng mahina, shit! Alam na alam ko ang boses na ito. Dahan dahan kung minulat ang mga mata ko, at nakita ko syang nakaupo na kung saan ako nakaupo kanina.

"Dale? Ikaw pala tinakot mo ako" napahawak ako sa didib ko

"Ang cute mo palang matakot" habang tawang tawa sya ngayon ko lang nakita ang tawa nayng ganto, minsan kasi tahimik lang sya di sya masyadong nag sasalita, poker face.

Feeling ko ang pula na ng mukha ko, kinikilig ako kahit sa simpleng mga salita nya lang, ganito ako kabaliw sa kanya. Hinampas ko sya ng mahina sa balikat, pero ngumiti lang sya, yong ngiting kahit sino ang makakakita ay mapapa in love.

"Bakit ka pala nandito? tanung ko

Iniisip ko na baka binalikan ako, kasi di nya ako nakita buong mag hapon. Imposible yang mga iniisip mo syne, baka naman may binalikan lang.

"Binalikan ko yong libro ko naiwan ko kasi sa locker kanina, nakalimutan kung dalhin nung hinatid ko si rain."

Tinaas nya yong hawak hawak nya, See? Kitam, wag kasing mag assume te,, hindi ikaw ang binalikan.

"Ah, ganun ba?"

"Ikaw? Bakit ka pa nandito,?" Balik tanung nya

Nag eemote ng dahil sayo

"Ha? Ah may tinapos lang, pauwi na nga rin ako eh."

"Hatid na kita sa sakayan ng bus"

Hindi na ako tumanggi, kahit sa ganito nalang kami mag kasama. Masaya na ako sa ganitong set up namin.. Ang makasama sya at makausap.

"So, dito na ako, ikaw?"

"Hindi, may sasakyan ako, nandoon sa parking lot"

Kumirot ang puso ko, may sasakyan sya? Bakit hindi nya nalang ako yayaing sumakay doon? Bakit hindi nalang sya ang maghatid sa akin? Kaibigan nya naman ako diba? Si rain kaya nakasakay na ba sa sasakyan nya? Malamang oo sya nililigawan at hindi ikaw syne. Itigil mo na nga yang kabaliwan 102 mo..

"Ah, salamat sa paghatid, ingat ka pauwi"

malungkot ako habang pasakay na ng bus pero nabigla ako ng hinawakan nya ako sa kamay at hinarap sa kanya sabay halik sa noo. Ngumiti lang ako, bakit hindi ako masaya? Pero ang puso ko ang bilis ng tibok, traydor na puso, nasasaktan na ayaw pang mag paawat.

"Text kita pag nasa bahay na ako,"

"Sige"

Syne wag kana umasa, hindi lang sya ang lalaki sa mundo. You can find someone better, the guy who love you back, and never hurt your heart, see? Dale is not meant for you. Nakikita mo naman diba ? Bagay sila ni rain... Parehong gwapo at maganda. E ikaw? Maganda ka naman pero hindi ka nya gusto.

Move on na

Susubukan ko

Wag mong subukan,gawin mo.

Puso o utak sino ang tama?

Bakit kailngan pang mAmili kung alam mo naman ang tama?
Bakit nasasaktan ang tao kapag nag mamahal? Hindi ba pwedeng masaya nalang at wala ng nasasaktan?

Iwan, hindi ko na talaga alam kung ano ang nararamdaman ko, Puso? Bakit kailangan mo pang tumibok sa taong ayaw naman sa sayo? Pwede bang mag hanap ka nalang ng iba yong hindi ako paiiyakin at sasaktan. Ikaw? Nasasaktan ka pero patuloy ka parin.. Wag kang manhid okey..

OA nga siguro ang tao pagdating sa pag ibig.. Hay! Nasasaktan na, kinikilig parin, Nasasaktan na nag bubulagbulagan pa rin. Paano ba takasan ang pag ibig? May paraan ba para takasan ito o harapin nalang ang katotohanang umiibig ako sa maling tao.

Syne Ñie

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon