Syne bakit ang tahimik mo?" tanung ni ayie
"Ha?"
"Sabi ko bakit ang tahimik mo kako tapos nakatulala ka pa dyan"
"Hindi naman" sagot ko binatukan nya ako at hinila palabas.
"Teka asan tayo pupunta may class pa tayo"
"Wala tayong klase ngayon, wala si sir"
"Ha? "
"Nako, syne kaka announce lang ni juros kanina halatang di ka nakikinig eh" juros is our class president.
Pumasok kami ng canteen na hila hila parin ni ayie, ano ba problema ng babaeng to? Bumili sya ng dalawang coke in can at dalawang cheese burger hindi nya parin ako binibitawan. Hanggang sa naupo kami. Tumingin sya sa akin.
"Tell me" sabi nya kaya nag taka naman ako
"Ha?"
"Ha-hakdog ka syne" pang aasar nya
"Ano ba kasi?"
"Mag kwento ka" sabay kagat sa burger nya.
"Ano naman e ku kwento ko?"
"Alam kung may problema ka kaya ka ganyan mag kwento ka na dali, habang di pa ako naiinis." Napaiwas ako ng tingin,
"Wala naman akon-"
Di ko natuloy ang sasabihin ko ng mahagip ng paningin ko si dale na kasama si rain papasok sila dito sa canteen, napaiwas ako ng nakita kung tumingin si dale sa akin. Nagulat ako ng tumawa si ayie kaya napatingin ako sa kanya.
"Alam ko na kung bakit ka ganyan" sabi nya habang na tatawa parin
"Pinag sasabi mo dyan" umiwas ako ng tingin
"Si dale ba?"
"Ha?"
"Hakdog ka syne, halatang halata kana e, ok lang yan"
Napahikbi ako ng sinabi iyon ni ayie, paano ako magiging ok kung lagi ko silang nakikita ni rain na mag kasama? Alam kung wala dapat akong ikaselos eh, pero anong magagawa ko? Tao lang akong nasasaktan.
"Gusto mo ba si dale?" Tanung ni ayie, aamin ba ako sa kanya? Di naman nya siguro ako isusumbong kay dale diba? Tumingin ako sa kanya at tumango, umirit sya at kinurot sa pisngi sabay punas ng luha ko.
"Di mo naman ako isusumbong diba? sabi ko sakanya.
"Obcourse naman nho, yoko naman makialam,"
"Salamat"
"Pero syne, para gumaan yang pakiramdam mo, umamin ka sa kanya?"
"Ha? Ayoko nakakahiya"
"Ok ng umamin ka keysa itago mo yang nararamdaman mo, malay mo may pag asa"
"Sinong aamin?" Sabay kaming napatingin sa nag salita,kinabahan ako ng makita ko sina dale at rain na nakatayo sa gilid namin.
"Kanina pa ba kayo dyan?" kinakabahn kung tanung habang si ayie e patawa tawa lang.
"Hindi kakarating lang namin" sagot naman ni dale. Naupo sila sa bakanting upuan dito sa table namin.
"So ano yong pinag uusapan nyo?" tanung naman ni rain
" Yong crush ni syne" sabat ni ayie, kinabahan ako, ano ba sinabi ko ng secret lang eh. Tumingin ako kila rain at dale naka ngiti lang si rain pero si dale nakatitig lang sya sa akin walang emosyon. Napaiwas ako ng tingin ano bang mga tinginan yan.
"Sino ba yong crush mo syne?" Excited na tanung ni rain, sasabihin ko sanang joke lang yon pero naunahan ako ni ayiessa.
"Si kyle" biglang umiba ang timpla ng mukha ni rain.