Heartbeat 14

41 75 56
                                    

I wan't to punch myself, kailan pa ba ako mag papakatanga sa taong kahit kailan di naman ako gusto? Is this torture to myself? No, You always torturing yourself syne, napangiti ako ng mapait. Tumingin ako kay ayiesa na nakangiti lang sa akin ngayon, nandito kami sa field inaantay si dale, simula ka gabi napag isip isip ko na tama si ayiessa, kung di man mag work ang gagawin ko ngayon ito na ang last atleast sinabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko.

"Kinakabahan ako" sabi ko kay ayiesa na nakaupo lang sa tabi ko.

"Easy ka lang, andyan na sya" kinabahan ako ng todo, tinapik ni ayiesa ang balikat ko at tumayo na sya, nakita ko si dale na papalapit sa kinaroroonan namin.

"Asan ka pupunta? Takang tanung ko kay ayiessa.

"Hello, moment nyo to kaya e exit na ako"

"Ayie-"

"Syne!" Napa tayo ako ng tuwid ng marinig ang boses ni dale sa gilid ko, sinilip ko pa si ayiesa pero di ko na makita, sobrang kinakabahan ako, anong gagawin ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng alanganin.

"Hi" yon lang nasabi ko.

"Ahmmm ano yong sasabihin mo?" Ito na, ito na ano ng sasabihin mo syne. Huminga muna ako ng malalim bago nag salita.

"Gusto kita dale" hindi ako kumurap nakatingin lang ako sa kanya ganun din sya sa akin, di ako makapaniwalang nasabi ko iyon sa kanya ng diretso, tinignan ko ang mukha nya walang emosyon. Ano, wala manlang ba syang sasabihin? Umiwas ako nv tingin at naupo sa damuhan umupo rin sya sa tabi ko.

"Di ako makapaniwala" yon lang ang sabi nya sabay iling, biglang sumakit ang dibdib ko, anytime maluluha na ako.

"Ok lang naman kahit, hindi mo ako gusto" ngumiti ako pinipigilan na maluha sa harap nya.

"I'm sorry syne-"

"Ok lang, atleast nasabi ko sayo" putol ko sa sasabihin nya.

"Kailan pa?"

"Since nung 3rdyear tayo, alam mo simula nung naging kayo ni rain, hindi na kita nakikitang pa iba iba ng babae, mahal mo talaga si rain nho?" kumurap kurap ako dahil maiiyak na talaga ako. Lumingon ako sa kanya, nakatingin lang sya sa mga bituin nakita kung ngumiti sya, ng may biglang tumulong luha sa mata ko agad ko iyong pinunasan.

"Kakaiba si rain sa mga babaeng nakilala ko" nakita ko syang tumingin sa akin pero di ko sya nilingon.

"Kung sabagay, mabait si rain maganda pa" mapait akong napangiti habang sinasabi ko iyon. Napatingin ako sa relo ko 7:45 na pala ng gabi. Gusto ko ng umuwi, kaya tumayo na ako.

"San ka pupunta?" Tanung nya

"Uuwi na, gabi na din kasi eh, ikaw? Di ka pa ba uuwi?" Tumayo na rin sya at nag pagpag ng pantalon, nag lakad na ako paalis ganun din si dale na nasa gilid ko na ngayon, gusto ko ng maiiyak ang sakit sakit ng dibdib ko. Ito na ang huling gabi ng pag iyak ko. Ito na din ang huli na makakausap ko sya.

" Natatakot ako" napalingon ako sa kanya ng sinabi nya iyon.

"Bakit naman?"

"Baka iwasan mo na ako" napangiti sya at napatingin sa akin napaiwas naman ako ng tingin.

"Bakit ko naman gagawin yon?" tanung ko, napatigil sya sa pag lalakad kaya napatigil na rin ako. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papalapit sa kanya, tinitigan nya ako tsaka sya nag salita.

"Bakit mo ako nagustuhan?" Iyon ang tanung na di ko masagot umiling ako.

"Hindi ko alam," totoo naman kasi di ko alam kung bakit ko sya nagustuhan, basta ko nalang naramdaman.  Napabuntunghininga sya. Ilang sigundo kaming nanahimik habang nag lalakad papunta sa sakayan ng bus. Sakto pag dating namin may bus na na paparating, huminga ako ng malalim, ito naman na ang huli humarap ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit at sumakay na ng bus, hindi parin sya nagalaw sa kinatatayuan nya. Pinahid ko ang mga luhang tumulo galing sa mga mata ko .

"Anong nangyare kagabi?" Nakangiting sabi ni ayiesa sa akin hindi ko sya nililingon.

"Wala naman" sagot ko habang inaayos ang gamit ko kanina pa sya nangungulit simula nung pumasok ako kaninang umaga.

"Tell me, tini text kita kagabi pero wala kang reply" nakanguso nyang sabi, naiiyak na naman ako. Hinila ko si ayiesa palabas ng room, pero wrong move makakasalubong namin sina rain at dale kaya napatigil ako sa pag lalakad, dumapo ang tingin ni dale sa akin, napaiwas ako ng tingin. Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil niyakap ko sya kagabi tsaka dapat iniiwasan ko sya ngayon diba?

Hinila ako ni Ayiessa papalapit kina rain, di ako makatingin kay dale.

"Hi guys" bati ni ayiessa ngumiti lang si dale ramdam ko na nakatingin sya sa akin.

"Mag la lunch na din ba kayo?" Tanung ni ayiessa

"Ah oo" si rain ang sumagot.

'Sabay na tayo"

"What?" Inis kung tinignan si ayiessa pero nakangisi lang sya di na ako nakapag react ng hilahin nya ako.

Si Rain at Ayiessa ang nag order ng kakainin namin, kaming dalawa ni dale ang naiwan sa messa namin, hindi ko alam kung ano ang binabalak ni ayiessa at si rain ang inaya nyang bumili ng kakainin namin, tahimik lang kaming nakaupo ni dale, paminsan minsan ay tinitignan ko sya pero nahuhuli ko syang nakatingin sa akin kaya aki na ang umiiwas ng tingin, naalala nya kaya yong pav yakap nya sa akin kagabi? ayaw kung mag salita. Gumalaw sya sa kinauupuan nya at tumayo at pumunta sa kinaroroonan ni rain tinulungan nyang buhatin ang mga inorder nito.

Ang sakit, kahit simpling hi or hello even a small smile wala akong natanggap, iniiwasan nya rin ba ako? Kung sabagay ako naman tong sumira sa pag kakaibigan namin eh.

Inilagay na nila ang mga pag kain sa mesa, napansin ata ni rain na tahimik ako.

"Syne are you ok?" tumingin ako sa kanya at tumango. "Bakit ang tamlay mo?" She added.

"Ok lang ako rain kain na tayo" sabi ko

"Guys ang daya nyo!! Di nyo man lang ako inaya" nilingon ko yong sumigaw si Kyle lumapit sya sa akin at nag hila ng upuan para tumabi sa akin.

"Mag iingay ka na naman dito" inis na sabi ni ayiessa

"Come on ayie, wait lang ah order din ako ng pag kain" sabay tayo at nag lakad para pumila. Napailing nalang ako.

After namin kumain ay tumambay muna  kami sa canteen.

"Guys punta pala kayo sa bahay mamaya" panimula ni kyle

"I'm not sure kung makakapunta ako" sabi ko nalungkot naman ang mukha ni kyle hinila nya ako papalapit sa kanya at pinisil ang mukha ko.

"Pumunta ka, bawal humindi wala rin namang pasok bukas e, its my birthday" nagulat naman ako doon.

"Birthday mo?" taka kung tanung tumango naman si kyle

"Kaya pumunta ka kasi magagalit ako sayo pag di ka pumunta"

"Nang iinvite ka pero si syne lang kinakausap mo, hello nandito kaya kami" parinig naman ni ayiessa

"Sorry then, basta guys punta kayo ah, malulungkot ako pag isa sa inyo ang wala doon"

"Di ako makakapunta" agad na tumayo si dale sa kinauupuan, tumayo din si kyle at nilapitan si dale.

"Come on, bro" tsaka may binulong si kyle kay dale na ikinakuyom ng kamao nito, agad naman syang nginisian ni kyle. Nag sukatan sila ng tingin.

"Guys, easy parang mag sasapakan na kayo ah" awat ni ayiessa.

"Basta punta kayo" at agad naman na umalis si kyle pero bago yon sinulyapan nya muna ng tingin si rain.

Anong nang yayari?


Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon