Sa mga sumunod na araw palagi ng nakabuntot sa akin si kyle,, Umiiwas na rin si Dale ,iwan ko hindi ko alam kung bakit nya ako iniwasan, medyo ok na rin ang braso ko pero, may benda parin. Ito kami ni kyle sa canteen, hindi ko alam kung bakit, buntot ng buntot to sa akin, pero hinayaan ko nalang, simula kasi nung hiningi nya ang number ko palagi na syang nag tetext, kapag hindi ako nag reply alam nyang wala akong load, tapos magugulat nalang ako niloadan nya pala ako. Nakatingin lang ako kay kylehabang inilalagay nya ang mga inorder nya sa mesa namin. Gusto ko syang tanungin kung nag kita ba sila ni dale pero, wag nalang baka isipin nyang gusto ko si Dale na totoo naman.
Pag katapos naming kumain e inihatid nya ako sa room ko, iwan pero may iba akong nararamdaman sa mga ikinikilos nya. Pero di ko nalang binigyan ng pansin. Sinabi nya pa ngang ihahatid nya ako mamayang uwian pero tumanggi ako, sabi ko may gagawin pa ako kahit wala naman.
Pagkatapos ng klase dumaan muna ako sa tambayan, pero bakit habang papalapit ako doon. Bumibilis ang tibok ng puso ko,wala naman siguro si dale doon diba?
Pero nagulat ako ng makita ko syang nakaupo sa damuhan nakapulupot ang dalawang kamay sa tuhod nya at nakayuko. Ano? Lalapitan ko ba sya? O aalis? Ano ba dapat ang tama? Aalis nalang kaya ako? Bat ba ako umiiwas? aissh bahala na! natagpuan ko nalang ang sarili kong nag lalakad paalis, pero bago yon narinig ko na syang nag salita.
"Saan ka pupunta?"
Hindi ako makasagot, kakausapin ko ba sya? O hahayaan na lang. Yong puso ko kasi bumilis na naman ang tibok.
"Iniiwasan mo ba ako syne?"
Doon na ako napalingon, nakita ko syang kagagaling lang sa pag iyak, umiiyak na naman sya? Bakit? Hindi ko alam pero natagpuan ko nalang ang sarili kung nag lalakad papunta sa kanya. Umupo ako sa tabi nya, at huminga ng malalim.
"Umiyak ka ba?"
"Galit kasi sya sa akin"
"Ha? Sino?"
"Yong taong matagal ko ng gusto"
Ng mga Sandaling iyon nakayuko ako at napaiwas ng tingin, humihina naman ang heartbeat ko.
"Ah, sino si rain?"
Tumingin ako sa kanya tumango lang sya, ibig sabihin matagal na nyang gusto si rain?
"Ikaw? Nag ka gusto ka na ba or may nagustuhan ka na? tanung nya
" ikaw" pero hindi ko talaga sinabi iyon, baka kapag sinabi ko iiwasan na nya ako ng tuluyan.
"Ahm Oo pero may iba syang gusto eh"
Napatingin sya sa akin at napangiti, nalungkot ako, ibig sabihin OK lang sa kanya na mag ka gusto ako sa iba? Tanga ka ba syne, malamang wala syang gusto sayo.
"Wag kang mag alala sigurado akong wala syang ibang gusto"
Hindi na ako umimik, hindi na rin sya umimik,. Nasasaktan na ako, e ikaw yong gusto ko eh, gusto ka ni rain at gusto mo rin sya. Sila na nga kaya.? Dahil sa gusto kung malaman ang katotohanan. Tiananung ko sya na dapat hindi ko nalang ginawa.
"Dale kayo na ba ni rain"
Napangiti sya ng marinig nya ang pangalan ni rain, nasasaktan ako.
"Hindi pa, nililigawan ko palang sya"
Boom!! Parang isang bomba iyon sa pandinig ko, pero bakit masakit? Nililigawan pa nga lang yan e, what more pag naging sila na? matutuluyan na sigurong hindi titibok ang puso ko, ngumiti ako ng peke, at tinap sya sa balikat.
"Mabait si rain, bagay kayo"
Pero labag sa kalooban ko ng sinabi ko iyon, masakit naiiyak na ako pero pinigilan ko.