Heartbeats 12

45 79 4
                                    

Isang linggo ko na namang hindi nakita si Dale at ganun din si Rain, nabalitaan ko kay hans na umuwi  daw sila dale sa ilocos kung saan nakatira si rain, namatay daw kasi yong lolo ni rain kaya sinamahan sya dale pauwi sa kanila. Nakakalungkot alam mo yon ni hindi man lang nya pinaalam sa akin, bakit syne? Ano ka ba ni dale? Kaibigan ka lang naman diba? Hayss.

"Syne?" Tawag sa akin ni ayie
Nasa canteen kami ngayon kumakain ng lunch kasama si hans.

"Bakit?"

"Saan ka na after ng graduation? Mag wo work ka na ba?" Tanung ni ayie

" Ah siguro hindi muna"

"Iba kasi talaga pag yayamanin" sabat naman ni hans

"Baliw yayamanin ka dyan" sabi ko naman

"Palibhasa kasi pang lalaki lang yang inaatupag mo" pang aasar naman ni ayie

"Hoy ghorl sabihin mo lang kapag crush mo ko ah"

"As if namang papatol ako sayo"

Nag tawanan lang kami, hanggang sa matapos kaming kumain.

"Class dismissed"

Natapos ang klase ngayong araw na wala akong naintindihan, nakakatulala lang ako buong klase, ano na batong nangyayare sa akin.

"Syne" tinapik ako ni ayie sa balikat

"Oh"

"Napapansin ko kanina ka pa tulala, may problema ba?"

"Wala naman" niligpit ko na ang mga gamit ko

" mauna na ako sayo ah" tumango lang ako kay ayie,

Nag palipas muna ako ng isang oras sa room bago ko napag desisyonan na lumabas pero na pasigaw ako ng may biglang nanghila sa kamay ko at niyakap ako. Shit ang puso ko ang lakas na naman ng tibok. Napaiyak ako ng napag tanto ko na si dale ang nakayakap sa akin ngayon, si dale nandito pero anong ginagawa nya dito? Diba nasa ilocos sila? Bumitaw sya sa pag kakayakap sa akin at ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon basta ang alam ko masaya ako ngayon.

"Kumusta ka na? Na miss kita" sabi nya lang, ayan na naman yong pa mis mis nyang word.

"Ok lang naman ako, bakit ka nga pala nandito? E diba nasa ilocos ka?" bahala ng maging marupok basta ang mahalaga napapasaya ako.

"Bumalik na kami ni rain, actually kakarating lang namin" si rain na naman.

"Bakit ka nandito? Dapat nag papahinga ka ngayon"

"Ayaw mo bang nandito ako?"

"Hindi naman sa ganun" sabi ko

Hindi na sya nag salita, hindi na rin nman ako kumibo, tahimik lang kaming nagalalakad papunta sa waiting shed. Sa totoo lang nag tatampo ako sa kanya kahit wala naman dapat ikatampo.

Sasakay na sana akong bus ng may humintong bus sa harapan ko ng bigla nya akong hinila pabalik at nag lakad palayo sa waiting shed.

"Dale teka lang saan mo ko dadalhin"

"May nakalimutan lang akong bilhin, samahan mo ko" sabi lang nya habang hila hila nya ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta?" hindi na sya kumibo pag dating namin sa kanto malapit sa school pumara sya ng dyip. Tahimik lang kami buong byahe di na rin ako nag tanung  pa. Bumama kami sa mall di parin sya umiimik anong gagawin namin dito?

Pumunta kami sa ladies accessories, kaya nag tanung na ako.

"Anong bibilhin mo?" tanung ko napangiti sya at napakamot ng ulo.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon