Heartbeats 16

58 76 49
                                    

Simula nung usapan namin hindi na ako umimik, hinatid ako ni dale sa bahay.

"Salamat sa pag hatid" sabi ko baba na sana ako pero hinawakan nya ang kamay ko na nakapav patigil sa akin.

"I'm sorry syne sa nagawa ko kanina, at kalimutan mo na rin yong sinabi ko" sabi nya napatango nalang ako.

Wala na bang ikakasaya ang buhay ko? ganto nalang ba palagi? Gusto ko naman maging masaya please lang.

"Syne ayos ka lang?kaninang umaga ka pa walang kibo" Tanung sa akin ni ayiesa nag la lunch kami ngayon sa canteen.

"Ok lang ako ayie, don't worry" napatigil ako sa pag subo ng makita ko si kyle at dale na papunta dito sa pwesto namin. Kahit kakasimula ko palang kumain ay tila na walan na ako ng gana, kaya tumayo na ako nag taka naman si ayiesa.

"Aalis kana  e halos di mo nga nagalaw ang pag kain mo eh"

"Nawalan ako ng gana" sabi ko

"Ano ba kasi ang nangyari? Bakit iniiwasan mo si dale?"

"Hindi ko sya iniiwasan" umiling iling si ayiesa sa sinabi ko

"Sa akin ka pa ba mag sisinungaling?" Hinawakan nya ang kamay ko at sapilitan nya akong ini upo.

Wala akong nagawa kaya naupo nalanga ko, naramdaman kung may umupo sa tabi ko kaya nilingon ko sya, isang ngiti ang bumungad sa akin galing kay kyle kaya napangiti rin ako.

"Kyle ikaw na mag order ng kakainin natin" napatingin ako kay dale ng mag salita ito, pero nagulat ako ng sa akin ito nakatingin, kaya napaiwas ako ng tingin, ibinaling ko nalang sa pag kain anh aking atensyon.

Tahimik lang kaming kumakain walang nag salita kahit si ayiessa ay tahimik din ano kayang nangyari sa babaeng ito? Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako  pero nagulat ako ng nag salita si dale.

"Mag usap tayo" mag sasalita na sana ako ng bigla nya akong hilahin kaya wala na akong magawa, dinala nya ako sa may field kung saan ako madalas na tumatambay.

"Anong kailangan mo?" malamig na sabi ko.

"Are you really avoiding me syne?" malungkot nyang sabi

Please don't be like that dale. marupok ako

"Hindi naman yata tama na lagi tayong mag kasama habang may girlfriend ka, dale ayoko ng maulit yong nangyari sa party ni kyle, kita mo naman diba? Inaway ako ni rain ng dahil sayo" napatingin sya sa akin

"Really syne? sa tingin mo ba ako yong dahilan?"

"E sino pa ba?"

"I broke up with her" napalingon ako sa kanya ng may gulat na mga mata, kaya pala hindi nya kasama si rain ngayon.

"Bakit?" tanung ko

"She's not inlove with me"

"What? Pero bakit naging kayo? Bakit pinapalayo ako ni rain sayo?"

"She's using me, para pag selosin si kyle"

"What? So it means, si kyle ang gusto nya? Bakit ka pumayag?"

"Because i like her" natahimik ako sa sinabi nya, shit ang sakit gusto ko umiyak, pinigilan ko ang sarili ko na wag umiyak sa harap nya kahit gustong gusto na kumawala ng luha sa mga mata ko.

"I see" yon nalang na sabi ko.

"I like her beacuse  she remind me of my ex, my childhood sweet heart and my first love" pinilit kung tumingin sa mga mata nya, ang lungkot ng mga yon. Pinilit kung wag mag tanung pero di ko napigilan.

"Asan na yong ex mo?" tanung ko, sige syne saktan mo pa ang sarili mo.

"She's married now" napabuntunghininga sya ng sabihin iyon,

"Sorry" sabi ko nalang

"Gusto mo ba malaman ang kwento? Naalala mo ba yong una nating pag kikita sa waiting sched? Sya iyong babaeng nakita mong bumababa sa sasakyan ko, at nung nakita mo akong nakaupo sa may hagdan, nung tinanung mo kong umiiyak ba ako noon at sinabi ko sayong napuwing ako? I lied hindi talaga ako napuwing nun, iyon yong time na nakipag break sya sa akin at nalaman kung ikakasal na sya" tumawa si dale kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin lang din sya sa akin.

Ang lungkot pala ng pinag dadaanan nya, mas mas masakit pa pala  yong pinag daanan nya keysa sa akin, huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya.

"Sorry" sabi ko

"Bakit ka nag so sorry?"

"Kasi di ko alam kung paano kita i ko comfort ngayon" napaiwas ako ng tingin

"Hindi mo na kailangang gawin yon, masaya na ako kapag nasa tabi kita" di ko pinansin ang sinabi nya. "Pero salamat" dagdag nya pa

"Para saan?" Sabi ko

"For making me feel better when you are around, nakayanan ko yon lahat dahil sayo, nung mga panahon na down na down ako lagi kang sumusulpot para pagaanin ang loob ko para ka ngang kabuti eh" napangiti naman ako, ang sarap pala sa pakiramdam na may nakaka appreaciate sa mga ginagawa mo.

"Paano yan nakipag break ka kay rain e di broken ka naman nyan" natawa ako sa sinabi ko

"Hindi naandyan ka kasi" sinamaan ko sya ng tingin.

"Wag mo nga akong ginaganyan dale, di na ako natutuwa"  natawa naman sya sa sinabi ko.

"Bakit? E diba gusto mo ko?" Pang aasar nya.

"Oo dati yon pero di na ngayon, dyan ka na nga may klase pa ako" tatayo na sana ako pero napaupo ako ulit dahil hinila nya ako paupo.

"Totoo di mo na ako gusto? Ang bilis mo naman maka move on" kunwari na sabi nya.

"Talaga!! May klase pa ako"

"Wag na muna tayo pumasok, dito na muna tayo" sabi nya kaya di na ako nag pumilit, ito na rin siguro iyong last na pag kikita namin,

Sus syne ilang beses mo ng sinabi yan.

"So ano ng gagawin natin dito? Mag titigan nalang ba tayo?" sabi ko ng makita sya na titig na titig sa akin napaiwas naman sya ng tingin.

Psh! Don't be like that dale parker umaasa ako.

"Kung iyan ang gusto mo why not?" sabi nya kaya kinurot ko sya, pero di ko inaasahan ang ginawa nya, kiniliti nya ako kaya napahiga ako sa damuhan.

"Hoy! Mr. Parker tama na haha" pero di parin sya na tigil kaya nahila ko iyong kamay nya at napadagan sya sa akin, shit!! Nag kiss kami? Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin lang din sya sa akin, ramdam ko ang lambot ng labi nya sa labi ko, shit anong gagawin ko? naramdaman kung gumalaw ang labi nya, shit hinahalikan nya ako at nakapikit na sya ngayon nararamdaman ko na parang kakaiba na iyong halik nya kaya naitulak ko sya.

"Sorry" yon lang ang sabi nya

Agad akong tumayo at tumakbo paalis, shit what is this feeling, ayaw ko na eh takbo lang ako ng takbo habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata ko.

I hate myself even more.

_kellymaego_

Yieh, next is epilogue na haha makakatapos na rin ako sa wakas..

Salamat sa supporta nyo mga jellys, keep supporting my stories, thank you

Stay safe and godbless.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon