Nakakainis, sobrang nakakainis, diba nga dapat masaya ako, pero bakit umiiyak ako ngayon?
Si dale na naman ang dahilan kung bakit umiiyak ako ngayon, pagkatapos kasi ng usapan namin kahapon, sinabi nyang tulungan ko silang mag kabati ni rain.
Nag away sila, dahil akala ni rain si dale ang nag papunta sa amin don,nung kunain kami sa resto kung saan din sila kuamain nung nakaraan, ano bang problema ni rain Kay kyle. Masakit yon sa akin na sa akin pa hihingi ng pabor sa dale para mag kabati sila ni rain
Ang sakit ang sakit sakit sa dibdib, tapos sinabi nya pang iwasan ko muna sya, tang*na nya, sya nga itong kusang lumalapit sa akin.
Paano? Paano ko ba sisimulan ang araw na ito, eh halos nga hindi na namin masyadong nakakasama si rain dahil lagi naman silang mag kasama.
"Ayiesa!!?"
Tawag ko nung makita ko sya sa library, lunch break namin at vacant na din sa susunod na subject kaya hinanap ko si ayiesa. Ngumiti sya sa akin ng makita ako, may panunukso sa mga mata nya.
"Oh?"
Sabi nya ng makalapit ako sa kanya, at naupo na rin sa bakanting upuan sa harapan nya."Kailangan kitang makausap"
"Himala ata, dati naman hindi mo ko pinapansin, nalaman mo lang na kilala ko si dale lumalapit kana sa akin"
"Ayiesa naman seryoso to!, pwede ba wag mo akong asarin Kay dale, hindi ko sya gusto"
"Bakit may sinabi ba akong gusto mo si dale? Napag hahalataan ka tuloy"
Tumawa sya, nakakainis naman, hindi talaga makausap ng matino to..
"Ayiesa naman eh, "
"OK, ano ba yon?"
"Its about kyle and rain"
Biglang umiba ang timpla ng mukha nya..
"Ano naman ang tungkol doon?"
"May nakaraan ba si kyle at rain?"
Di sya nakasagot agad, huminga muna sya ng malalim bago, sya tumango..
" Actually, mag best friend kaming tatlo, Nina rain at Bella, nakilala ko si dale at dair sa isang Di malamang pagkakataon, galing ako mercury drug, malakas kasi ang ulan non, wala akong dalang payong, so dahil gabi na, sinubukan kung sumuong sa napakalakas na ulan naospital kasi si Bella nuon, dahil na dengue sya, so,ako yong nautusan na bumili ng gamot nya, pero nung nag umpisa na akong maglakad at nababasa na rin ng ulan biglang may humintong sasakyan sa gilid ko"
"Sino yon? Si kyle o si dale?"
"Wag ka nga munang sumabat,"
"Sorry na"
"So, yon may sasakyan ngang huminto, bumukas ang bintana at nakita ko si dale doon sa driver seat, kasama si kyle, since kilala ko naman si dale dahil kapitbahay ko sya at bagong lipat lang sila, yon pinasakay nya ako, aarte pa ba ako? E kailangan na ni Bella ang gamot nya. Nag pahatid ako sa hospital hinatid nya naman ako, nag pakilala sya sa akin so, aarte pa ba ulit ako syempre sinabi ko na din yong pangalan ko, pero hindi ko na pinansin si kyle hanggang sya na mismo ang nag offer sa akin na nag pakilala, so yon, doon na rin nag umpisa yong pagiging mag kaibigan namin."
"Ni minsan ba nag ka gusto ka rin sa dalawa?"
"Actually si dale ang naging crush ko noon, syempre, mabait sya sa akin, napag kamalan pa nga kaming mag couple noon eh"
"Pero bakit, hindi naging kayo?"
"Aba! Syempre gusto sya ni Bella kaya hindi ko na tinuloy yong panliligaw ko Kay dale"
"Eh paano nag nakilala si dale at bella"
"Fast forward tayo, Nung gumaling na si Bella sa sakit nya, pinakilala ko sa kanya si dale,palagi ko kasing naikwento sa kanya nuon na may kaibigan akong nasubrahan sa bait at gandang lalaki nung may sakit pa sya, kaya dahil doon unti unti syang gumagaling,, kaya ayon interesado sya, lagi syang pumunta sa bahay para makita si dale"
"Ang saklap naman ng lovelife mo Ayiesa!"
"Gusto mo wag ko ng ituloy?"
"Sige, mananahimik na ako ituloy mo lang"
"So, yon, doon na pumasok si kyle at rain sa kwento, sige uuwi na ako tapos na"
"Ayiesa?!!"
"OK, itutuloy ko na,"
Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko, ikiniwento ni Ayiesa sa akin ang tungkol kina rain at kyle kaya naman pala , ayaw ni rain makita si kyle na kasama ako, dahil ex nya kyle.?
Nag nakilala si rain at kyle ng minsang dumalaw sa bahay nina ayiesa si bella kasama si rain, at nag yaya si bella na pumunta sa bahay nina dale , saktong pag dating nina ayiesa sa bahay nina dale e nandoon rin si kyle, na love at firstsight si rain kay kyle ganun din si kyle kay rain.. Doon nag Simula at ang masaklap nga lang may gusto din pala si dale Kay rain kaya Di nag work yong relationship nila ni Bella.
Pero si dale, gusto nya talaga si rain, ang sakit sa dibdib, ako? Ano ako para sa kanya? Kaibigan lang talaga? Ang saklap naman ng buhay pag ibig ko.
Pianalis ko ang mga luhang lumalandas sa pisnge ko ng biglang nag vibrate ang phone ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, si dale nag text.
Text conversation.......
"Kumusta ka na? Salamat nga pala bati na kami ni rain" -dale
Nag taka ako sa text nya.. Hindi ko naman nakausap si rain ah, ni hindi ko nga na e text yon.
"H-huh?" I replied
"Masaya ako" -dale
Masaya sya kasi mag kabati na sila ni rain? Eh ako? Heto malungkot nag luluksa ang puso, ang sarap lang umamin na gusto ko sya.. Nakakainis bakit Di ko magawa.
"Buti naman, congrats sa inyo "
"Masaya ako kasi nag rereply ka sa mga text ko" -dale
"H-huh?"
"Miss na kita"
Boom!! Shit!! Ang puso ko, bumilis na naman ang tibok, paano ba kumalma? Lahat ng sakit, lahat ng lungkot nawala dahil sa isang salita lang, gusto Kong mag reply na miss ko na din sya, pero lahat ng saya na naramdaman ko ay biglang naglaho na parang bula, ng mabasa ko ang isang text nya.
"Miss ko na ang kaibigan ko, miss na miss na talaga kita syne."
Kaibigan? Aray! Naman dale, pinaasa mo na naman ako, kaibigan lang ba talaga ako para sayo? Wala na bang hihigit pa don??..
Gusto kung sampalin ang sarili ko, syne Di kana na sanay, tama na pwede ba? Tama na ang sakit, tama na ang iyak, move on na, pwede ba?
Gusto sya ni Ayiesa, Gusto mo sya, pero Kay rain parin ang bagsak nya, oh see, kahit anong gawin mo Kay rain parin sya babalik..
Lalo akong naiyak dahil sa mga naiisip ko, kailangan na bang bumitaw?
Kaya ko nga bang bumitaw?
Isa lang naman ang solusyon eh, ang iwasan sya.....