Natapos ang sport fest ng hindi ko nakikita si Dale, hindi rin ako nanuod ng kahit na anong laro. Kahit masama ang pakiramdam ko dahil sa brasong namamaga parin hanggang ngayon. Pero pumasok parin ako kasi nag babakasakali akong makita sya. Pero wala akong balita about sa kanya, dinig kong nanalo ang school namin sa cheerleading ganun din sa basketball kung saan kabilang si dale, nanalo rin sa iba pang mga laro pero wala akong paki alam. Gusto kung makita si dale ngayon, nag lakad ako papunta kung saan ang tambayan ko, pero nalaglag ang balikat ko ng walang dale na nakaupo doon. Ininda ko ang hapdi sa kanang braso ko, isang linggo na ito pero hindi parin magaling.
Naupo ako sa damuhan, nag hintay pa ako ng ilang minuto pero wlang dale na dumating, nakakalungkot? Baliw na ako, baliw na talaga ako, alam kung napaka imposibleng mag ka gusto sya sa akin pero, pinopush ko pa rin yong sarili ko sa kanya. Ano ka ba Syne, hindi lang sya ang lalaki sa mundo. Hindi nga lang sya ang lalaki sa mundo pero bakit sya ang hinahanap ng puso ko? Tanga nga siguro ang tao pag dating sa pag ibig,. Pag ibig? Gusto mo lang sya Syne, gusto mo lang sya.
Pag matapos ng klase agad kung niligpit ang gamit kung nakakalat sa desk ko. Sa pag mamadali ko nalag lag ko yong ballpen ko gumulong kung saan. Maya ko nalang hanapin pag matapos kung iligpit ang mga gamit ko. Ng maiayos ko na ang mga gamit ko, hinanap ko na ang ballpen kung nawawala.
"Andito ka lang pala" sabi ko ng makita ko ang ballpen. I look at my watch!! Huwaaaaat? 6:35pm na? Ang tagal ko na pala dito. Mabilis kung hinablot ang bag ko at bumababa na ng hagdan, when I saw a person nakatayp sya kung saan ako dadaan. Ang puso ko ang bilis na naman ng tibok. Si dale? Sya lang naman ang taong nakakapag patibok ng ganito sa puso ko eh,
"Dale?" tawag ko ng makalapit ako sa kanya, lumingon sya sa akin ng may nalungkot na mga mata.
"Syne"
What the!! Ang puso ko ang lakas ng tibok , first time nyang tawagin ako sa pangalan ko. Nakatitig lang ako sa kanya, ganun din sya sa akin, mga ilang sandali lang sabay kaming napaiwas ng tingin.
"Ano ang ginagawa mo dito?" basag ko sa katahimikan
"Gusto ko lang isauli ito" abot nya sa akin ng isang panyo, ito yong panyo na pinahiram ko sa kanya ah..
"Salamat"
"Uuwi kana?" tanung nya.
"Ah, oo sana"
"sabay na tayo" sabi nya sabay hila sa kamay ko, ang puso ko lalong lumalakas ang tibok, kinikilig ako. Nakalimutan ko na ata kung paano huminga. Nakatingin lang ako sa kamay naming mag kahawak. Binitiwan nya lang ang kamay ko ng marating namin ang waiting shed.
"May problema ba?" tanung ko malungkot kasi talaga sya, hindi ba sya masayang kasama ako? Napasimangot ako ng maiisip ko iyon.
"Wala" tipid nyang sagot. Hindi na rin ako nagtanung pa.
Mayamaya lang nag paalam na ako sa kanya, paakyat na ako ng bus ng bigla nya akong hilahin at hinalikan sa nuo, nabigla ako sa ginawa nya at the same time kinilig na rin. Pero nabigla ako sa sinabi nya.
"NA MISS KITA"
Hindi ako nakasagot, tumango lang ako at kumaway. Ang puso ko ang lakas ng tibok.
Napangiti ako habang nag lalakad ako sa hallway, hindi nga ako nakatulog sa ginawa ni Dale eh, pwede bang kunin nalang ako ng mga alien para matapos na ang kabaliwan kung ito. hayy!! Namiss nya daw ako? Ibig ba sabihin nun gusto nya na rin ako?
Buong araw kung hindi nakita si dale, wala din sya sa tambayan, at ngayon uwian na, wala kaming masyadong ginawa today kaya mapapaaga ang uwi ko, 4:09 palang ng hapon. Dumaan muna ako sa locker ko, ng may narinig akong dalwang babaeng nag uusap. Hindi ako tsimosa sadyang malakas lang mga boses nila.
"May bago daw na nililigawan si dale"
Bigla akong naging interesado sa pag uusap ng dalawa ng marinig ang pangalan ni dale, ganun talaga siguro pag gusto mo ang isang tao, nagiging interesado ka kahit sa maliit na bagay tungkol sa kanya.
"Ah, oo yong taga East U?"
" Oo, lagi ko silang nakikita sa mall every week end simula nung Sport fest natin., ang sweet nga nilang dalawa eh"
Bigla kung naisara ng malakas ang pintuan locker ko, dahilan para mapatingin silang dalawa sa akin, pero agad ding bumalik sa usapan nila. Nakakainis bakit ba kasi ako nag seselos? Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang Dale Parker.
"Ano ka ba girl, don't you remember, dale is a playboy, kaya ano pa ang aasahan mo?."
"Kung sabagay, kaya nga maraming umiiyak sa pag aasume nila kay dale eh, namimis understood nila yong ginagawa ni dale, Tara gumagabi na pala"
Naiwan akong nakatulalang mag isa sa locker ko, isang malakas na sampal sa akin ang huling sinabi nung babae, na Mimi's understood ko nga lang ba lahat ng ginawa ni dale? Nag assume ako, binigyan ko lahat ng ibang meaning ang lahat, Oo nga pala Dale is nice to everyone. Kasabay ng pag kirot ng injury ko sa braso ang pag kirot ng dibdib ko, humihina na naman ang tibok ng puso ko, siguro nga nag assume lang ako.. Pero gusto ko pa rin sya, kahit ano siguro ang gagawin gusto ko pa rin sya, gusto pa nga ba? O mahal ko na? Hindi, gusto ko lang sya. Tama gusto ko lang sya, Hindi ko sya mahal, Hindi nga ba? Aisah!! Ang gulo ng utak ko.
Hindi ako makatulog, iniisip ko parin iyong nangyare kanina, paano nga ba pigilan tong nararamdaman ko? Ano ba ang dapat gawin? Nakakainis!!