This Chapter is didicated toAliceaInShort
"Girlalu"
Tapik sa akin ni Hans, hindi namin kasama si Rain, mag kasama sila ni dale ngayon. Ayan na naman ang puso ko humihina na naman ang pagtibok.
"Oh?"
Ang tanging sagot ko lang sa kanya
"Kanina pa kita hinahanap pero hindi mo ko pinapansin"
"H-huh?"
"Ayan na naman nawawala ka na naman sa sarili mo"
Sabi nya habang natatawa, kung hindi ko lang talaga alam na bakla ang isang ito, nag ka crush na siguro ako sa kanya. Sa totoo lang kilos lalaki naman si hans , gwapo yong itsura nya katulad sa isang anime character.
"Oii gurl di ko kery Yang mga tinginan na iyan, di tayo talo "
"Kapal mo"
"Oy! Syne nandito ka lang pala"
Bati ni kyle habang nakangiting kumakaway palapit sa kinaroroonan namin ni Hans.
"Ang haba ng hair mo girl"
Tukso ni Hans siniko ko nga sya, nginitian ko lang si kyle, siguro kung mas nauna kung nakilala si kyle sa kanya ako nag ka gusto.
"Kumusta ka na?"
"OK naman"
"Ang tamlay mo ata ngayon?"
"Ha? Hindi naman"
"Kumusta na pala ang braso mo? Ok na ba"?
" ito medyo maayos na sya."
"Op ako, o sige makaalis na nga, dumating lang si kyle nawala na ako sa usapan, ingatan mo yang si syne ah"
Paalam ni Hans natawa nalang kami ni kyle habang kumakaway sa kanya.
"Kumain kana?"
"Hindi pa"
Nabigla ako ng hinawakan nya ang kamay ko..tiningnan ko sya pero nginitian nya lang ako.. Hindi na rin ako kumibo, hila hila nya lang ang mga kamay ko, nagulat ako ng sa parking lot ang punta namin,..
"Sakay"
"Saan tayo pupunta?"
"Hindi ka pa kumakain diba? So, di pa rin naman ako nakakain sabay na tayo"
"Pero bakit-"
"Ops! My treat don't you worry"
Hindi na ako nakaimik, sumakay nalang ako sa kotse nya. Nagulat ako ng pumara kami sa isang mamahaling restaurant, nilingon ko si kyle pero busy sya sa pag papark ng kotse nya.
"Bakit dito?"
Tanung ko ng makababa kami ng sasakyan nya at papasok na kami sa loob nitong restaurant. Nginitian nya lang ako, ang cute talaga ng lalaking ito. Napangiti narin ako pero, ang ngiting iyon ay napawi ng makita ko sila.
Si Dale at Rain? masaya silang kumakain kaya pala hindi ko nakita si dale at rain sa school sumakit ang dibdib ko.
"Hey!"
"Ha?"
"Sabi ko tara na"
Sumunod lang ako Kay dair at kung minamalas ka nga naman oh, bakit ba dito pa napili ni kyle maupo sa malapit pa nina dale.? Halos isang lamesa lang ang pagitan namin at isang lingon lang nila dale makikita na kami, sasabihin ko pa sana na lumipat nalang kami ng upuan ng makita ko si kyle na lumalakad na papunta sa counter para bumili ng pagkain namin.