Heartbeats 4

79 82 9
                                    

Andito ako ngayon malapit sa field kung saan ako parating tumatambay. Umiiyak ako, oo umiiyak ako ngayon, dahil hanggang ngayon namamaga parin ang braso ko at ngayon narin ang sportfest namin at hindi ako kasali.. Iyak lang ako ng iyak, hindi ako nanunuod ng kahit na anong laro. At isa pang iniiyakan ko ngayon, si dale oo si dale, pag katapos ng gabing umiyak sya sa akin, nakita kung may kahalikan syang babae kanina sa locker, taga ibang school ata yon eh, isa ding cheerleader sa pag kakaalam ko taga East University yon base kasi sa suot na cheerleading uniform nito. Pero bakit ba ako umiiyak? Oo bakit nga ba ako umiiyak? Wala naman akong karapatan diba?, pero nasasaktan ako eh, bakit nga ba ako nasasaktan? Kasi nga gusto ko sya. Nakayuko lang ako dito ng may maramdaman akong naupo sa tabi ko, ang puso ko tumitibok na naman. Alam ko na kung sino ito, ang taong nandito.

"Ba't ka nandito?" hindi ako kumibo hinayaan ko syang mag salita. Ilang minuto siguro ang nakalipas bago ako nag salita.

"Bakit ka nandito?" napakamot sya sa ulo nya.

"Gusto ko lang sanang tanungin ang pangalan mo" sabi nya sabay ngiti hindi ko alam ang irereact ko, should I tell him? Pero mag kaibigan naman na kami diba?..mag kaibigan nga ba? O ako lang itong nag aasume? I took a deep sigh, then smile.

"Syne Ñie Santos" inilihad ko ang kamay ko sa kanya. Iniabot nya rin ito.

"Arch Dale Parker" sabi nya nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko habang sinasabi ang pangalan nya, napabitaw ako sa kamay naming mag kahawak ng may maramdaman akong kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko napaiwas din ako ng tingin. Pero napadako ang tingin ko sa babaeng kumakaway sa amin, ay hindi! sa lalaking katabi ko pala.. Napatayo si Dale sa kinauupuan nya kumaway din sa babaeng papalapit na sa kinaroroonan namin. Napatingin sa akin yong babae.. Tumayo din ako at ngumiti sa kanya. Tumingin ako Kay dale kakaiba yong tingin nya sa babaeng ito, pero teka? Hindi ito ang babaeng kahalikan nya kanina, mas maganda ito, flawless skin, at naka suot din sya ng cheerleading uniform.

"Hi" bati sa akin ng babae

"Hello nice to meet you"

"Same here" sabi nya tumingin sya Kay dale, at nagulat ako ng inangkla nya ang mga kamay sa braso ni dale. Napangiti si dale sa ginawa ng babae. May kumirot sa bandang dibdib ko, ang kaninang malakas na tibok ay unti unti ring humihina.

"Ahm mauna na ako" sabi ko sabay tingin Kay dale pero ni hindi manlang nya ako tinignan, nakatingin lang sya sa babaeng nakahawak sa braso nya ngayon.

Nanghihina ako habang nag lalakad, bakit ba ako nasasaktan?

"Hey syne hindi ka ba manunuod? Laban na ng school natin at East University sa cheerleading" sigaw ng isa kung ka school mate. Umiiling lang ako, hindi naman na sya nag salita.

Nandito ako sa library dito ako, pumunta pag matapos nung incidente kanina. Naiiyak ako sa tuwing naiisip kung di ako kasali sa cheerleading, Bago kasi mag Simula ang laro, sa unang araw ng sport fest. Puro cheerleading lang nag lalaban laban. Iba't ibang school iba't ibang studyante, pagalingan, payabangan. Napayuko ako habang humihikbi, wala namang tao dito sa library halos lahat kasi ng studyante nasa stadium.

"Syne,?" Tawag ng isang pamilyar na boses. Napaangat ako ng tingin,napalaki ang mata ko ng makita sya. Its been a month when we last meet.

"Kua Van" napasimangot sya ng marinig ang tinawag ko sa kanya.

"I said don't call me kuya, were at the same age, " humila sya ng upuan at naupo sa tabi ko

"Pero mas matanda ka parin sa akin"

"Isang buwan lang naman ang pagitan natin ah" ginulo nya ang buhok ko.

"Kahit na," napatingin sya sa akin

" teka? Umiyak ka ba? bakit ka nandito? Nag sisimula na ang laban ng cheerleading" Hindi ako umimik, alam kung pumunta si Van para sa akin, para mapanuod ang laban ko. Pero pano nya pa ako mapapanuod? Hindi na ako makakasayaw. Nakakainis. I look at him, itinaas ko ang kamay kung may benda.

Nanlaki ang mga mata nya, napatayo pa nga sya eh, OA talaga nito..

"Napaano yan?" nakakunot nyang tanung

"Wala wag ka ngang OA KUYA" inimphasize ko talaga ang word na kuya.

"Hindi talaga ako mananalo sayo" sabi nya, tumayo ako at hinila sya palabas ng library.

"Oii saan mo ako dadalhin"

"Sa canteen Kuya, libre mo, kasi nagugutom na ako"

Umiiling nalang si van habang nakasunod sa akin, namimis ko talagang asarin ang isang to. Minsan lang kaming mag kita kaya lubus lubusin ko ng asarin sya, taga East University kasi sya.

"Van bakit hindi ka nalang lumipat dito sa Western University" tanung ko sa kanya sabay subo ng burger steak ko.

"Gusto ko man pero, hindi na pwede e"

"Bakit?"

"Isang taon nalang gagraduate na tayo syne, remember"

"Pero ,Hindi ba talaga pwede?" Umiling sya.

"Hindi"

"Kainis ka naman eh"

"Pwede makiupo" naibuga ko ang juice na iinumin ko sana, ang puso ko bumilis ang tibok di ko na kailangang lingunin ang taong nag salita, dahil kilala ko na agad ang boses nya.

"Sure" si van ang sumagot.

"Van? Your here? Napatingin ako sa babaeng nag salita, sya iyong babaeng istorbo sa amin ni dale kanina, Hindi na ako mag tataka kung bakit kilala si van ng babaeng ito taga east university din kasi ito.

" Yes" sagot lang ni van lumipat sa akin ang tingin ng babae. Nagulat pa sya ng makita ako.

"Oh!! Your here too? Diba isa kang cheering squad?" tumango lang ako.

"Hindi sya makapag sayaw dahil may injury sya" si van ang sumagot para sa akin.

"Oh!? Sorry"

"OK lang" sabi ko napadako ang tingin ko kay dale pero nakatingin lang sya sa babaeng katabi nya, mag jowa ba sila?

" Oii syne kanina ka pa nakasimangot dyan?" Napatingin ako kay van.

" ha? Hindi ah, van, may pupuntahan tayo dali" sabay tayo at hinila si van na kumakain pa ng burger.

"Oy!! Sandali lang naman syne"

"Bilis nga kasi"

Napayakap ako kay van ng makarating kami sa filed. Hindi ko na mapigilan ang umiyak, bat ba kasi ako nasasaktan? Nakakainis. Ang OA ko naman.

"Syne are you ok" he hug me back lalo akong naiiyak

"Don't talk just let me crying" sabi ko hindi na rin sya nag salita, hanggang sa hinatid nya na ako pauwi.

"Salamat sa paghatid kuya van" binatukan nya ako. Natawa nalang ako.

"Sige alis na ako syne"

"Hindi ka ba papasok sa bahay? Siguradong matutuwa si mama pag nakita ka nya."

"Hindi na syne, siguro sa bakasyon dyan ako tatambay sa inyo hanggang sa matapos ang bakasyon" natawa naman ako si van anak sya ng kaibigan ni mama childhood friend ko din sya.

"Ingat" sabi ko

"Salamat, bye"

Kumaway ako sa kanya ganun din sya sa akin.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon