Heartbeats 3

87 83 11
                                    

"123 go" sigaw ng mga ka teammates ko ng makapasok ako ng covered court. Pumunta ako dito pag katapos ng class ko, since hindi  naman ako makapag practice dahil sa braso ko pumasok nalang  ako kaysa  mag mukmuk sa bahay, sayang  ang binabayad kung tuition fee.

"Oh syne kumusta ang braso mo ?" tanung ni  ola.

"Ito medyo  masakit parin" sabi ko

"Patingin nga, naku!, namamaga na pala yan, pina  check up mo  na bayan? umiiling ako

" hindi  pa pero ok  lang naman ako, mag pa practice na ako bukas"

"No!, you need to go to the clinic, wag ka munang mag practice baka mamaga yan lalo"

"But -"

"No buts syne, ok , sundin mo ko" napatango nalang  ako.

*******

"Hindi ka muna pwedeng sumali sa cheer leading Ms. Santos," yan agad ang sinabi ng nurse ng makita ang braso kung namamaga.

"Pero nurse kailangan ako doon" reklamo ko ito  na nga  ang sinasabi ko eh, kaya ayokong mag patingin na kahit na sinong nurse or doktor dyan  dahil alam  kung ito  ang sasabihin nila. Kailangan kung sumali sa cheerleading.

"Kung mag pupumilit kang  sasali, wala na akong magagawa Doon ms. Santos ikaw naman ang mag sa suffer hindi  ako. Ito  ang mga gamot na kailangan mong inumin"

"Salamat po"

Naglalakad lang ako ng lutang sa hallway ng school ng may nakabangga ako.

" hey"

"Sorry" yon  lang ang nasabi  ko without looking that person.

After ng 1st subject ko, dumaan muna ako sa canteen at bumili ng ice cream pampagaan ng loob, iniisip ko palang na di ako makakasali sa team, sumasakit na ang dibdib ko. Tahimik lang akong kumakain ng ice cream nakaupo ako sa may field ito ang pinaka pa poritong tambayan ng mga studyante dito sa WU. Bigla akong kinabahan ng may taong umupo sa tabi ko, tinignan ko iyon kung sino at nagulat ako, si dale parker? Anong ginagawa nya dito?

Hindi ako kumibo hindi  rin sya kumikibo, hindi  nya ako nililingon hindi  ko rin sya nililingon, pareho lang kaming  nakatingin sa malayo. I was about to speak pero naunahan nya ako.

"Wala kang  practice ngayon?" Ibig ba sabihin nun naalala nya na ako?napangiti ako, sa to too lang nagulat ako sa tanung na iyon, iwan kahit yon  lang yong sinabi pero napangiti ako, sa wakas napansin na rin ako ng taong matagal ko ng gusto. Hindi ako makapaniwalang kinakausap ako ni Dale ngayon ang taong pinag papantasyahan ko noon. Mag isip ka nga  syne remember he is a playboy don't you remember?. Iwinaksi ko ang anumang bumubulong sa bobo kong  utak.

"Wala, bat ka ba nandito"

"Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?"

Natahimik ako sa tanung nya. At the same time napangiti na rin, iba kasi ang pag kaintindi ko sa tanung nya. The way he speak parang  nalungkot sya.

"Hindi naman sa ganun, nagulat lang ako"

Hindi na sya kumibo, hindi  narin  ako kumibo, tanging ingay lang ng mga studyanti ang maririnig sa buong field may naghaharutan, nag tatawanan habang kami ni  dale nag papakiramdaman, iwan ako lang siguro ang nakikiramdam sa aming  dalawa, pero kahit ganito ok  na ako, basta nasa  malapit lang sya. Napangiti ako, sana maulit pa ito,..

Nabasag ang katahimikan sa paligid naming dalawa ng tumunog ang cellphone nya. Kinuha nya iyon sa bulsa ng pantalon nya, napakunot ang nuo nya ng makita ang caller. Agad syang tumayo at nag lakad palayo, nalungkot ako hindi  nya man lang ako tinapunan ng tingin gusto ko pa syang makasama. Pag kaalis ni Dale tumayo na rin ako at dumiritso ng library may activities kasi mamaya sa math subject e.

"Syne hindi  ka ba sasabay sa amin?" tanung ng isa  kung ka group mate may tinapos kasi kaming project at bukas na ang pasahan.

"Dadaan pa ako sa locker ko, may kukinin lang"

"Ah sige  una na kami sayo" sabi nila tumango lang ako.

Mga ilang minuto pa bago ako nakalabas ng room niligpit ko pa kasi ang mga kalat namin.. Napatingin ako sa relo ko 5:08, palang  pero bakit ang dilim na. Uulan pa ata, bakit ba sa tuwing uulan wala akong dalang  payong.

Dumaan muna ako sa locker kinuha ko kasi ang cellphone at nag palit na rin ako ng tsinelas mukhang uulan kasi talaga. Pababa na ako ng hagdan ng may matanaw akong lalaking nakaupo sa ikalawang baitang ng hagdan. Nakatalikod sya sa akin nakapatong ang ulo sa dalawang tuhod at nakayuko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang papalapit ako sa taong iyon. Ng makalapit ako I heard him subbing, teka? Umiiyak ba sya. I top his shoulder, ganun nalang  ang gulat ko ng tumingin sya sa akin, its dyle, he wiped his tears then he look at me and he smile. Nakatingin lang ako sa kanya hindi  ako kumibo, why is he crying?. He was about to speak pero inunahan ko na sya.

"Umiiyak ka ba?" may halong lungkot ang boses  ko ng tinanung ko iyon.

"Hindi, napuwing lang ako" sabi nya I know his lying. Umupo ako sa tabi nya at tumingin sa labas nag sisimula ng bumuhos ang ulan.

"Hindi sa lahat ng pag kakataon, ay ma itatago mo ang problema, mas  mabuti pang iiyak mo para gumaan ang pakiramdam mo, kung gusto mo ng kausap andito lang ako" this time tumingin na ako sa kanya malungkot sya? Pero bakit pakiramdam ko mas  malungkot ako? Nakatingin lang sya sa labas..

"Pwede bang makausap ka kahit sandali?" tumingin sya sa akin, tumango ako sa kanya.

"Sige  lang makikinig ako" sabi ko hindi  maitatago sa mukha nya na maiiyak na sya. Nagbigla ako ng niyakap nya ako, at nag Simula na syang humikbi. Hinagod ko ang likod nya.

"I'm sorry, kung madrama ako ngayon, gusto ko lang ilabas tong nararamdaman ko, alam  kung napakabakla ko dahil umiiyak ako sa harapan ng isang babaeng hindi  ko kilala" napatawa ako sa word nyang napakabakla hinayaan ko lang syang mag salita, masakit man na marinig ko mula sa kanya na hindi nya ako kilala pero masaya ako kahit papaano nakakausap ko sya, kinuha ko ang bag kung may lamang panyo at inabot sa kanya kinuha naman nya iyon, hindi  ako makapaniwala na ang lalaking napakahirap abutin dati  ay nasamalapit ko na ngayon, umiiyak at nakayakap sa akin. Napangiti ako, should I offer him a friendship?

Iyak lang sya ng iyak habang nakayakap parin sa akin,hindi narin sya nag salita pag katapos nung napakabakla nyang word,, hindi ko maitindihan ang puso ko ang lakas ng tibok,...naririnig  kaya nya ang tibok ng puso ko?

Sana hindi  na matapos ang gabing ito..

"Salamat sa pakikinig sa akin" sabi nya nag hiwalay narin  kami ng yakap.

"Wala ka namang ikinuwento bukod don sa napakabakla mong word" natawa sya sa sinabi ko.

"Pero salamat pa din" tumango lang ako tsaka tumayo.

"Tara na" aya ko sa kanya tumayo na rin sya napatingin ako sa relo ko hala!! 8:04 na ang tagal na pala naming nakaupo don..

"Bye" paalam ko ng paakyat na ako ng bus, kumaway lang sya sa akin at ngumiti. Ayaw ko pa sanang iwan sya pero gabi at baka  pagalitan ako ni mama. Naisip ko ang mga nangyari kanina ibang iba si dale nung una ko syang nakilala, nakakatakot syang tignan napaka seryoso pero yong Dale na makita ko kanina nakakaawa, hayy!! Sana maulit pa iyon,. Sana!! Napa aray ako ng kumirot ang braso ko, himala ngayon ko lang ata naramdaman na sumakit ito.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon