After ng class dumiritso na ako sa covered court para mag practice, gusto ko ng umiyak dahil kumikirot iyong braso ko, hindi ko sya nagagalaw ng maayos, pagdating ko sa court wala pa ang mga kasamahan ko kaya na upo muna ako. Nilibot ko ang paligid nag babakasakaling makita ko si dale na mapadaan man lang pero ni kahit anino nya di ko nakita. Napaayos ako ng upo ng makita kung may pumasok na mga basketball player at nakita kung ka team iyon ni Dale agad syang hinanap ng mga mata ko pero hindi ko sya makita. Nalungkot ako at napa buga ng hangin sa kawalan. Inunat ko ang braso ko ng kumirot iyon kaya napadaing ako.
Mag ilang minuto na rin ang lumipas at kompleto na kami, lumapit sa akin si ola at sinipat ang kanang braso ko.
"Syne, namamaga yong braso mo,kaya mo bang mag practice ngayon?" Nag aalala nyang tanung.
"Ah, oo wag kang mag alala, kaya ko"
"Oo nga syne baka lalong mamaga yan pag sumali ka pa, ipahinga mo muna yan" si krissa isa sa mga kasamahan ko din
" yeah syne, you better not to practice today, ipahinga mo muna yan baka kapag pinwersa mo yan lalong lumala" -mia
Tumango silang lahat kaya, hindi na ako nag pumilit baka nga mas lalong lumala pag pinilit ko. Habang nag papractice sila nakaupo lang ako sa gilid habang pinapanuod sila, hanggang sa matapos. Nag paalam na sila ganun din ako sa kanila.
Kinabukasan nakita ko si dale, kasama ang buong basketball team, nginitian ko sya pero, para lang akong hangin na dinaanan nya.. Kung sabagay sino ba naman ako para mapansin nya. Sa dami pa naman ng babaeng nag kakagusto sa kanya.
Pag katapos ng klase dumaan muna ako sa library ng maisauli itong librong hiniram ko bago ako umuwi, kaunti nalang ang mga studyanting nandito mag gagabi na rin kasi.. Papalabas na ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mag isang oras na pero hindi parin tumitila ang ulan. Sarado na rin ang library, nag siuwian na rin ang mga studyante., ano ako nalang ang matitira dito? Bakit kasi hindi ako nag dala ng payong.. Nag abang lang ako na tumila ang ulan, tinignan ko ang braso ko at namamaga parin yon, dalawang araw na akong di nakapag practice nangangaba ako kasi next week na yong laban namin baka di kami manalo.
"Pauwi kana?"
Nabigla ako ng may mag salita sa likuran ko, ito na naman ang puso ko ang bilis tibok, hindi ko na kailangang hulaan ang kung sino, kilala ko na ang boses nya sino ba naman ang di makikilala. Lumingon ako sa kanya, nakita ko syang nakasandal sa pintuan ng library, ang gwapo pala talaga nya, lalalo na pag sa malapitan.
"Ah, Oo"
"Wala kang payong?"
"Wala e"
"Sabay na tayo"
"H-huh?"
"sabi ko sabay na tayo papuntang sakayan"
Napakamot ako sa ulo, ko kinakausap na naman nya ako? Sana ganito nalang palagi no? Ahihihhi
"Ahmm, bakit ka nandito ka pa? kanina pa nag siuwian yong mga ka school mate natin ah?" Para mawala yong ackwardness.
"Ako yong nag sara ng library may tinapos lang" sabi nya
"Ah ganun ba?"
hindi na sya nag salita,di ako makapaniwala kinakausap na naman nya ako. Kinuha ko mula sa bag ang polo nya. Iniabot ko iyon sa kanya.
"Ano yan?"
"Polo mo"
"Polo ko?"
Nalungkot ako, hindi nya na tandaan?
"Pinahiram mo ito sa akin, nung isang gabi"
"Ah, ganun ba? tapon mo nalang"
"ha?"
"sabi ko tapon mo nalang"
"Pero-"
"Kung gusto mo sayo nalang," tapos hinila nya yong kamay ko, shit!! Pwede bang ihinto nalang ang oras ,yong ganto nalang palagi,.. Yong puso ko ang lakas ng tibok. Sana huminto nalang ang oras please please.
Pero nalungkot ako ng nakarating na kami ng waiting shed. Huminto na rin ang ulan.
Hinintay nya muna akong makasakay, bago sya naman. Sana maulit pa,,..
Nakangiti lang ako habang nakahiga sa malambot kung kama, ang swerte ko. Noon masaya lang akong makikita sya pero ngayon nakakasama ko na nakakausap ko pa.
Hay! Ganito nga siguro ang buhay pag ibig nakakabaliw, nakakalula, iwan, ngayon ko lang kasi ito naramdaman, yong parang ayaw muna matapos ang oras kapag kasama mo sya, tapos hay iwan di ko ma explain ng tama..
Niyakap ko ang unan ko bago ipinikit ang mga mata ko, ganito lang ako palagi sa tuwing matutulog ako, si dale ang huling taong nasaisip ko, minsan nga napapasama sya sa panaginip ko.
Ganun talaga siguro kahit hindi mo alam na mag kakagusto sya sayo, andyan ka parin nag papakatanga, para mapansin nya.
Baliw ang pag ibig..
Siguro hindi ko nga hindi ko na sya gusto.
Mahal ko na sya.......
![](https://img.wattpad.com/cover/151677724-288-k447851.jpg)