After ng class ay umuwi muna ako sa bahay para mag bihis ng damit bago pumunta sa party ni kyle, nag hanap ako ng masusuot, nakita ko iyong white dress na regalo ni mama nung birthday ko, hindi ko pa na susuot to kaya ito nalang gagamitin ko. After ko mag ayos ay nag paalam na rin ako kay mama, binola nya pa nga ako na ang ganda ko raw, napangiti nalang ako obcourse she's my mom.
Sakto rin pag labas ko ng bahay ay kadarating lang din ni ayiessa. Bumaba sya sa sasakyan at nagulat ng makita ako, ang OA naman ng babaeng ito. Naka suot sya ng blue dress na above na knee, napangiti ako bagay na bagay sa kanya ang mag suot ng mga ganyan."Wooh! Syne ikaw ba talaga yan?"
"Hindi, kambal ko" napa rolled eyes ako.
"Ang ganda mo" sabi pa nya
"Ako nga dapat ang mag sabi sayo nyan eh, himala naka dress ka ngayon" pang aasar ko pa "pero you look beautiful" dagdag ko pa.
"Matagal ko ng alam yan" sabi nya natawa nalang ako, pumasok na rin kami sa loob ng sa sakyan. Pero habang nasa byahe kami panay ang tingin sa akin ni ayiessa alam ko na agad ang tinginan na iyan, pero sa halip na tanungin ako ay napailing nalang sya.
Nakarating kami sa bahay nila kyle, ang dami ng tao halos ka schoolmate lang naman namin ang nandito pero isang tao lang ang hinahanap ko, nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko sya makita, hindi ata talaga sya pupunta, nalungkot ako.
"Hey, salamat at pumunta kayo" masayang bati ni kyle.
"Kyle, Syne iwan ko muna kayo" paalam ni ayiessa tumango lang kami. Iniabot ko kay kyle ang regalo ko.
"Happy Birthday" bati ko at niyakap ko sya, bibitaw na sana ako sa pag kakayakap pero hinigpitan nya iyon.
"Ang ganda mo" sabi nya namula ata ang pisnge ko dahil sa sinabi nya
"Kyle di ako makahinga" binitawan nya naman ako at ngumiti sa akin, inihatid nya ako sa table namin. Nakita kung nakaupo si rain doon pero wala si kyle, umupo ako sa tabi ni rain.
"Girls maiwan ko muna kayo" paalam ni kyle tumango lang kami ni rain. Gusto ko syang tanungin kung andito ba si dale pero nahihiya ako kaya nanahimik nalang ako. Maraming napapatingin sa table namin, hindi ko alam kung sino sa amin ni rain ang nakakakuha ng attention pero alam kung si rain iyon.
"Ang ganda mo" nagulat ako sa tinuran ni rain, napayuko ako, nakakahiya.
"Salamat, pero mas maganda ka" sabi ko, napatawa naman sya.
"You gained so much attention ah" bigla akong nainis sa sinabi nya para kasing iba yong tono ng pananalita nya.
"Hindi naman ako yon" mahinahon parin na sabi ko, bakit feeling ko naiinis sya sa akin ano bang nagawa ko?
"Di mo ba alam na kanina ka pa nila tinitignan?"
"Sino?" taka kung tanung
"Wag pa inosente ah" doon na ako nainis