Chapter 19

12.9K 325 6
                                    

Last Dance.


"Do you think Kendra is doing fine?" Hindi mapigilan mag-alala ni Anya sa kaibigan lalo't dalawang linggo nang lumipas mula ng magbakasyon ito sa Hacienda Maniego.

"It seems so. Wala pa naman balita si Lola Xandra na nagliyab ang isa sa mga kamalig ng hacienda o may mga nakawalang baka o kabayo under Kendra's care."Halata ang pagpipigil nitong tumawa.

Sinibat niya ito ng masamang tingin. "Ang sama mo sa kapatid mo."

"What? I am just telling the truth. We all know my sister. She's not up for farm works. Ang arte no'n. Si lola lang ang mapilit na turuan si bunsong pamahalaan ang hacienda dahil alam niyang sa family business palang puno na kami ni Kenito."

"Still, we should give her some credit. First time yatang nakatagal si beshy sa bukid samantalang ayaw na ayaw no'n ang maarawan."

"Right. I should check on our inventory. For sure pinakyaw niya ang sangkatutak na sunscreen sa WSM bago siya umalis."Pumalatak ito ngunit may pigil na ngiti sa labi.

Bagamat wala yatang balak aminin, ramdam niyang proud ito sa kapatid. Kakaiba lang talaga ang way nito ng pagpapakita ng affection sa tao.

Just like what he did on her birthday. Never in her wildest imagination na pag-aaksayahan siya ng panahon i-surpresa ng binata. She really thought na matatapos sa cake ang lahat ngunit paglabas ng silid ay bumulaga sa kanya ang candle lit dinner na ito ang naghanda.

Gumamit yata ito ng superpowers para maisagawa lahat sa loob lang ng isang oras. It was just a simple dinner, with take out foods and red wine but she truly appreciate the effort. The best part was the gift, sinayawan siya ng lalaki na parang macho dancer. Sa sobrang aliw niya, muntik na naman siyang bumigay kung hindi lang sila nakapagpigil. Pero dahil masakit pa ang buong katawan niya ay nagkasya na lamang itong yakapin siya habang natutulog.

"Speaking of kapatid, hindi ka ba hahanapin ni Kenito?"aniyang abala sa paghihiwa ng rekado. He was planning to cook pochero for her much to her delight. Ang kaso may pagka-OC ang binata. Nadiskubre niyang partikular sa sizes ang binata, he wanted all the chopped ingredients to be in the same sizes which she really find amusing. Parang maaapektuhan niyon ang lasa ng lulutuin kung hindi pantay ang hiwa, nakadepende naman sa pagtimpla kung sasarap ang luto.

"It's fine. Sanay naman siyang naglalagi ako sa WSM, baka nga sa talyer rin 'yun natutulog." Saglit siyang sinulyapan ni Klio na busy sa pagpapakulo ng karne. How he manage to look good wearing her Spongebob apron, is way beyond her understanding. He looks ridiculously hot standing in front of the stove. There's something really sexy about a man who can cook.

"WSM. Ginagawa mo pang dahilan ang business mo dito ka naman naglalagi."ingos niya.

Halos sa kanya ito umuuwi, nagugulat nalang siya pagkagaling sa trabaho ay may bitbit itong balutan ng damit at nagbabalak "maki-overnight". Ang nakakaloka hindi naman niya magawang tanggihan ang lalaki dahil sa totoo lang sabik din siyang makasama ito.

"Come on, parang hindi ko naman alam enjoy na enjoy ka sa presensiya ko. Maybe would you like me to remind you how you want it hard, rough and fast?"Klio naughtily winked at her. Namumula naman ang mukhang napaiwas siya ng tingin.

"Bastos!"

Humalakhak lang ito. "How are you doing there? Matatapos ka na?"

"Saglit lang. Kanina pa sana ako tapos kung hindi lang maarte ang isa riyan."

"Let me see,"Tumayo si Klio sa likuran niya, ipinatong ang baba sa kanyang balikat, hindi pa nakuntento ipinulupot pa ang mga braso sa beywang ng dalaga. He was literally all over her. Seriously, this man is so clingy.

Maniego Series: When Love And Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon