SPECIAL CHAPTER

11.5K 236 10
                                    

One month later, naidaos ang simpleng church wedding sa basilica ng Punta Fe. Siyempre Best Man at Maid of Honor ang pasaway na magkapatid na Maniego. Si Lola Xandra naman ay hindi na mawala ang ngiti sa labi buhat nang malaman magkaka-apo na ito sa tuhod. Nagpaayos na nga ang matanda ng nursery room sa mansion kahit nasa tatlong buwan pa lamang ang pinagbubuntis ni Anya.

"Napakagandang bata naman 'ire." Maluha-luhang lumapit si Mamu Linday sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang repleksyon ni Anya. "Kung narito lamang ang iyong mga magulang siguradong hindi sila magkumahog sa pag-aasikaso sa kasal ng kanilang unica hija. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina, Anya."

"Mamu, ikaw talaga... Kakaayos lang ng make-up ko sisirain mo na naman," pinigilan ni Anya suminghot. Namamasa na naman kasi ang mata niya pagkaalala sa mga magulang. She knew today was supposed to be her happiest day pero hindi niya maiwasan malungkot dahil hindi na masasaksihan ng magulang ang pakikipag-isang dibdib sa lalaking pinakamamahal. Alam niyang kung nabubuhay pa ang mga ito, hindi mahihirapan si Klio kunin ang approval nila dahil basta sa ikaliligaya niya ay walang tutol ang kanyang magulang. Besides, ngayon lang niya napagtanto na marahil noon pa man nilalayon na ng amang magkakilala sila ni Klio.

"Tiyak kung nasaan man sila ngayon masaya na silang makitang maligaya ka kapiling ang taong mahal mo, anak."

"I know. Nakakapanghinayang lang na wala sila dito, mamu. Pero gayunpaman I'm happy dahil matutupad na rin ang matagal nilang pangarap sa akin and that is to never walk this earth alone. Dahil ngayon may makakatuwang na ako habang buhay may bonus pa munting anghel sa aking sinapupunan."

She smile widely nang maalala si Klio--her soom to be husband. Lalo siyang nakumbinse mabuti ang lalaking mapapangasawa ng dalhin siya nito sa puntod ng kanyang mga magulang ilang araw na ang nakakaraam. Noon una ang buong akala niya ay dadalaw lamang sila sa puntod ng mama nito ngunit laking gulat niya ng dalhin din siya sa kanyang magulang.

"Ehem, good morning po mayor and tita,"Cute na napangiwi si Klio sabay kamot sa noo. Gawaan nito iyon kapag nalilito o hindi alam ang sasabihin. Napangiti lang si Anya. Di niya akalain na matataranta ito as if kaharap talaga ang kanyang magulang. "Seven years ago, nang unang beses ko pong makita ang inyong dalaga. And I should say, Anya already got my attention but since she was very young back then, I tried so hard to hide what I'm feeling for her. Naalala ko pa, mayor ng sabihin mo ipapakilala mo ako sa'yong unica hija that was the night of her debut but it never happened because of the circumstances that time. Ang sabi niyo pa, Anya and I should meet each other ng mahawa naman ng sense of responsibility at hindi puro gimik lang."

Nanlaki ang mata ni Anya sabay hampas ng mahina sa braso ng katipan. "Heh!"

"It's true, mymy. Kahit itanong mo pa kay mayor." bulalas nitong tumatawa. Bumaling muli ito sa puntod at nagseryoso. "Five years later, we fell passionately and madly in love with each other. I am hoping na hindi man natupad ang plano ninyong pagkikita namin noon, matuwa parin kayo sa outcome ng nangyari. Mayor Bien, Tita... I am in love with your daughter so much. Nandito po kami hindi lang para ipagsigawan mahal namin ang isa't-isa kundi ipaalam ko rin sa inyo that I am asking your permission to give Anya's hand in marriage."

"K-Klio..."

Shocks. Kailan ba mawawalan ng pasabog ang lalaking ito. Klio held her hand and squeeze it. Teary eyed na pinakatitigan lamang niya ang guwapong nobyo na buong sinserong pinapahayag ang pag ibig sa harap ng kanyang magulang.

Maniego Series: When Love And Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon