Chapter 31

9.6K 270 21
                                    


Pagod.

"Uy, LQ na naman ba?"siko ni Kendra nang mapansin hindi sila nag iimikan ng kapatid. Sinamahan siya nitong bumisita sa bahay ngunit tahimik na dumiretso sa study room ang lalaki. Maging si Kendra na babati sana ay napanganga ng hindi pansinin ni Klio.

"Medyo. Kasalanan ko this time, I am asking for a cool off kasi."Hinalo-halo niya gamit ng straw ang orange juice, nasa verandah sila ng silid ni Kendra habang pinapanood ang sunset.

Ikinuwento niya rito ang engkuwentro sa ex boyfriend maging ang realizations habang nagtatapat siya kay Klio. Wala siyang iniwan detalye, kung may tao man nakakaalam ng kuwento ng buhay niya mula noon that will be Kendra.

"Kilala mo naman si kuya, he's determined. Once may nagustuhan 'yan gawin o kunin isang bagay hindi titigil hangga't hindi nakukuha." Nangalumbaba ito nahulog sa malalim na pag iisip.

"That's the point. Do I look like an object to him? May sariling isip din ako at damdamin, beshy. Kilala mo ako I hate being controlled, I'm free spirit pero sa ginagawa ng kuya mo--"

"Nakakasakal?"She raised one eyebrow.

"True. He can't accept the fact that I need to move forward on my own. Pinipilit niyang magagawa ko naman na magkasama kami... Tsk! Ang kulit! Sobra!"

"Have you tried doing it with him?"

"Do what?"

"Siguro nga tama siya. You need someones help para maka-recover sa nangyari noon and that someone is him. Sino pa ba ang makakatulong sa'yo kundi ang pinakamalapit na tao sa buhay mo, right?"

Ngumiwi siya. "I did. I tried. At first I really thought it was effective, being with Klio was somewhat euphoric. Alam mo 'yung pakiramdam ng napadami ka ng nilaklak pagkatapos in just a blink of an eye biglang makakalimot ka sa problema mo? You will become a totally different person? With him I'm always that woman. But one day I just woke up, wala na ang amats sa katawan at doon ko napagtanto na mali pala ang paraan ginagawa ko upang makatakas dahil hanggang ngayon nakabuntot parin sa akin ang nakaraan."

Marahas siyang napabuntong hininga. Pakiramdam niya napakasama niyang babae sa nangyari. "In a way I am using Klio to forget everything and no matter how much he was willing to help I feel as if I am using him... Which is wrong. Kung aayusin ko ang sarili, I wanna do it on my own 'cause I feel as if I owe it to myself. Pakiramdam ko doon lang ako mabubuo kung mahahanap at mapapatawad ko ang sarili."

"Grabe. You have a point there. Maybe you just need sometime alone.  Cliche as it sounds, baka sarili mo lang talaga ang makakagamot sa sarili mo. Try talking to him again baka sakaling matauhan."

"Ilang beses ko nang ginawa and he's still sticking around."

"I can't blame him. Ayaw lang niya mawala ka sa paningin niya. Normal yun. He loves you! Ngayon ko lang nakitang nagka girlfriend at na in love ng todo si Kuya at wala akong masasabi kundi napaka suwerte mo, beshy."

Kinutusan niya ito sa tuktok. "Kanino ka ba talaga kampi sa akin o sa kuya mo? Balimbing ka ha?"

Humahagikgik na nag peace sign lang ang loka. "Siyempre doon ako sa pareho kayong liligaya. Kaya beshy, ang masasabi ko lang do what makes you happy. Kung tingin mo tama ang gagawin mo why not? Hindi dahil mahal ninyo ang isa't-isa, my brother will have a say in your life na. If you really want to go on your own for now, do it! Kaming bahala kay kuya. We'll make sure na magbebehave siya habang wala ka. Just make sure you'll come back for him huh? Ayokong magkaroon ng kapatid na nabaliw sa pag ibig. Tama ng si Kuya Kent ang baliw sa pamilya."

Hmm... Should she take her advice?

__

"Professor!"Tulak-tulak ni Anya ang cart na naglalaman ng food supplies ng may tumawag sa kanyang pangalan. Laking gulat niya nang mapagtanto kung sino iyon.

Maniego Series: When Love And Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon