7 months later...
I'm a type of woman who knows what I want and how to get it... But there are times when I should know when to stop.
Unless...
__
"Good morning, Madam!"
"Good morning po! 'Ayan na naman tayo sa madam. Anya nalang itawag ninyo sa akin, Mang Edward."
"Eh, Madam Anya halos mag-anim na buwan na namin kayong amo sa Vista hindi pa rin kayo sanay na tawagin madam?"Kakamot-kamot sa ulong wika ni Mang Edward.
"Naku, hindi naman ho ako si Tita Belinda na wagas kung magpatawag ng madam. Huwag ninyo nang uulitin 'yan, Mang Edward kinikilabutan talaga ako. Anya or Miss Anya nalang kung talagang ayaw ninyo papigil basta wag madam."
Tumawa ang matandang sekyu sabay saludo."Yes, Miss Anya! Kayo ho ang masusunod. Have a nice day!"
Nginitian at sinaluduhan niya ito bago nagdire-diretso ang kotse sa loob ng Vista Buena.
Seven months ago she wouldn't expect to enter Vista Buena Ecopark and Resort again much more to found herself managing the entire facility! Grabe sinong mag aakalang muling mapapasakanya ito when all she ever wanted before was to just visit and redeemed the memories of her parents in here?
But fate has really another plan.
Kaya naman sinusubukan niyang suklian ng ibayong sipag at dedikasyon ang tiwalang binigay ng mga tauhan. Ginugugol niya lagi ang maghapon sa trabaho. Literal na ihi lang ang kanyang pahinga, even her lunch was spent inside the office while reading or signing documents. Nakakalabas lamang siya kung makikipag-meet sa investors o may VIP clients na nagangailangan ng special treatments. She wanted to be hands on when it comes to handling the resort. 'Ke maliit o malaking complain, problema, hidwaan sa mga tauhan o anupaman nais niyang makarating sa admin.
Nagsisimula na kasing makilala ang Vista Buena hindi lang sa buong probinsya kundi sa buong Pilipinas and tourists were flocking them, mas triple pa yata sa bilang noong panahon pinamamalakad ito ng tiyahin.
Pero never siyang nagreklamo. Salamat din sa matiyagang pag-te-train sa kanya ng itinalagang OIC matapos magbitiw sa puwesto ni Tita Belinda. Wala naman naging problema sa shareholders ng kumpanya dahil majority ng stocks ay hawak pa rin niya. They welcomed her with open arms bagamat alam niyang may ibang tutol sa kanyang pag upo. Speaking of tiyahin, wala na siyang balita matapos mangibang-bansa ng pamilya nito. Her uncle was even apologetic before leaving, mukhang mas ito pa ang nahihiya sa pinaggagawa ng asawa. Kung nalaman man nito ang pangangaliwa ni Tita Belinda ay ito lang ang nakakaalam, dalangin niya sana paghilumin ng panahon ang matinding galit sa puso ng matanda at matuto itong magpatawad. She's still her family after all. Habang si Atty. Lopez naman ay tuluyan nang binawian ng lisensya. Ang huling balita'y nagtungo ng Cebu ang buong pamilya nito upang makapagsimula ng bago.
Kung siya ang tatanungin matagal na niyang napatawad ang tiyahin maging ang kalaguyo nito. Kasabay ng paghahanap sa kanyang pagkatao natutunan niyang tanggapin ang pagkakamali at patawarin ang sarili. It was all a matter of acceptance and forgiveness shall follow, 'ika nga.
It was a hard process,halos isang buwan siyang nawala sa kabihasnan. She decided to live in an island and immersed with the locals for almost a month. Pagkatapos bumisita siya kay Mamu Linday, she spent her remaining vacation there and poured her heart out to her. Nagkaiyakan pa sila ng matanda.
BINABASA MO ANG
Maniego Series: When Love And Hate Collide
Chick-Lit(COMPLETED) Klio hated Anya from the very start but when pure hatred turn into an unadulterated lust, will he be able to fight it or allowed himself to succumbed to his desire? Book One of Maniego Series. (May contains mature content) ***credits to...