Chapter 24

9.9K 338 10
                                    

Suko na ba?

Maaga siyang nagising. Actually hindi naman talaga siya nakatulog, laman ng isip niya ang lalaking nasa katabing-silid. After their fight last night, napansin niyang umiiwas ito. Maging nang magtambay silang magkaibigan sa veranda na later on ay dinaluhan ni Kenito, ni hindi nagpakita ang anino ni Klio. Maging si Kendra ay nagtataka, tinanong nito kung may LQ sila ngunit kibit-balikat lang ang sagot niya. Hindi niya kasi matukoy kung LQ talaga ang nangyari dahil wala naman talaga silang relasyon...

Magkaano ano ba sila?

She grimaced. Fuck buddies. Hindi ba't iyon naman talaga sila?

But he wants a relationship with you!

Kahapon... Pero ngayon? After what she said to him? Good luck na lang!

You know if he really wants you, he'll do everything to get you. Just wait and see, baka kailangan lang talagang iumpog sa pader ang ulo ng lalaking iyan para matauhan.

Will he really do it for me? Will he really do everything to get me?

"Ihahatid na kita."

"Ay palakang sakang!"Tutop ang dibdib na napatalon pa si Anya nang biglang sumulpot si Klio sa paanan ng hagdanan. Bagong ligo na ito and he's already wearing his office attire. Nang mag angat siya ng tingin sa mukha nito ay kapansin-pansin ang nanlalalim na mata maging ang tumutubong stubbles sa pisngi. Gayunpaman napakaguwapo pa rin nito sa kanyang paningin.

"A-Ang aga mo?"

"Ihahatid na kita."

Nainis siya sa kapormalan nito. Hindi ba dapat siya ang galit? Bakit parang ito pa ang masama loob? Ahh! Binabawi na niyang naguguwapuhan siya rito. Mukha itong kuwago!

"No, thanks. I can manage."binalak niyang lampasan ito ngunit hinagip nito ang kanyang braso at inagaw ang hawak niyang lap top bag sa ka naglakad palabas. "Hey! Ibalik mo ang gamit ko!"

Ano pa nga bang magagawa niya kundi sundan ito?

Buong biyahe silang walang imikan. Ang totoo aminin man o hindi, naghihintay siya sa sasabihin nito. She knows him well enough para hindi mabasa may pakay ito sa kanya.

"May sasabihin ka?"aniya nang makarating sila sa tapat ng kanyang bahay. She was getting impatient. Magtititigan na lang ba sila maghapon?

Bigla namiss niya ang kakulitan nito, ang madalas na pang-aasar hanggang mapikon siya na magreresulta sa maliit nilang tampuhan kung saan ito rin ang susuko at susuyo sa huli. Hindi naman palaging ito ang sumusuyo, marunong din siyang umamin ng kasalanan at kapag alam niyang siya ang mali ay ginagawa niya lahat upang makabawi rito.

"I'm sorry."

Hindi siya sumagot. Here it goes... Lihim siyang napangisi. See? Dahil ito ang nagkamali, he was the first one to bend and he really looks remorseful. Mukhang napag-isip-isip nito ang maaaring implikasyon ng ginawa.

"Tama ka naman. Hindi ko na inisip ang kapakanan mo or kung anong mararamdaman mo. I was too blinded by my strong feelings to be with you, na-overcome niyon ang logical reasoning ko. I shouldn't act like an animal in heat especially in front of other people, much worse sa harap mismo ng kapatid ko. Just what I told you last night, wala akong rason maibibigay kundi ikaw... You made me want to be with you so bad at alam kong napakababaw na dahilan para tanggapin mo pero iyon ang totoo."

Is it weird to admit she was flattered? It just goes to show how much he wanted her. Oh sige, konting pangungumbinsi pa baka bumigay na siya.

"Mabuti naman napag-isipan mo mabuti ang lahat. We're not like those ordinary couple who got together because we're in love, Klio. Kahit sa mata ng iba, magkasintahan tayo we should set boundaries towards each other. Hindi lahat ng oras papairalin dapat ang kalibogan, okay?"Umayos siya ng sandal sa upuan. Salamat naman, natatauhan ito.

Maniego Series: When Love And Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon