Chapter 11

12.9K 309 7
                                    

Sunset.

"Where are we going?This is kidnapping!"

Inis na inis si Anya. Saan siya dadalhin ng magaling na lalaking ito?  Walang babala siyang sinampa nito sa likod at sinalpak sa passenger seat. Bago pa siya nakahuma sa kabiglaan napaharurot na nito ang pick-up.

"Klio, ano ba!"

"Will you please shut up?"

"Hindi mo ba ako ibababa?!" Exasperated nang sigaw niya.

"Kung hindi ka tatahimik diyan, I might as well throw you off the cliff." Walang kakurap-kurap nitong sabi. Nasa highway na kasi sila sa mataas na bahagi ng Punta Fe.

"Ah ganon? Eh di sige, gawin mo! Mas mabuti pa ngang tumalon ako sa bangin kesa makasama ang isang Jackass na gaya mo."

Pinaharurot lang nito ang pick-up bilang tugon. Medyo nakaramdam naman siya ng takot, it was getting darker at nasa ilang na lugar sila. Kanina pa niya napansin malayo na sila sa kabihasnan. Tiwala naman siyang walang masamang gagawin ang binata sa kanya. Siguro na-provoke lang talaga ng husto kanina. Pero ano naman pakialam nito kung lumabas siya kasama si Kenito? Magkaibigan sila at wala siyang masamang nakikita roon. Ito nga ay tambay pa sa bahay niya.

"Here we are."

Klio stop the car in the middle of a hill. Takang napabaling siya rito.

"What are we doing here?"

He smiled at her mysteriously. "You'll see."

He smiled and her heart skipped a beat. Damn, hindi niya akalaing mami-miss ang ngiti nito.

Sumunod siya kay Klio sa likuran ng pick-up. She was excited and curious at the same time namimisteryosohan siya sa inaakto nito. Nang tanggalin nito ang back cover ay napasinghap siya sa nakita. Sa sahig ay may nakalatag na dark blue blanket, may picnic basket na punong-puno ng pagkain, throw pillows and emergency light. There was nothing romantic or sweet about it but her heart won't stop from beating fast. Ilang sandali siyang hindi nakahuma.

"A-Ano ito?"

"What? Akala ko ba matalino ka? Bakit ito lang hindi mo pa mahulaan?"

"Klio Andrus Maniego. Hindi ako nakikipagbiruan. What is the meaning of this?"

Bumuntong hininga si Klio sabay sandal sa gilid ng pick-up.

"Ano na?"

"Hang out with me for tonight."

"H-Hang out?" Iyon lang? Bakit masakit yata sa pandinig niya? Iyon lang? Iyon lang talaga?

"Yes.  O, why do you look like that? Are you disappointed?"

Itinikom ni Anya ang nakaawang bibig. Manghuhula ba ito? O ganoon siya kahalata? Sheet! Pinagkakanulo yata siya ng sarili niya.

"Ako? Disappointed? Of course not. Ikaw ha? Gagawa ka ng issue, fake news pa."Humalakhak siya ng malakas. Pilit pinagtatakpan ang tunay na nararamdaman. Kakain muna siya ng tae bago aamin dito.

Klio suddenly leaned downward to meet her gaze. His eyes never leaving her face. "What if, this was really a dinner date?Will you give me the honor to be your date tonight, Anya?"

__

"Masarap?"

"Yeah."Walang ganang kumagat siya sa clubhouse sandwhich na ito ang may gawa. In fairness, masarap iyon.

"Ang sungit mo ngayon."

Inirapan lang niya ito. Medyo umisod siya palayo. Nakaupo sila sa likuran ng pick-up habang pinapanood ang paglubog ng araw.  Bukod sa sandwhich may take-out Chowking din, isang litro ng malamig na softdrinks at kahon ng sikat na buko pie.

Maniego Series: When Love And Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon