Safe with me.
Once a week naging routine na ni Anya ang mamasyal sa Vista Buena Ecopark and Resort. Kung hindi magja-jogging, she will take time to just wander around and enjoy the view. She loves being sorrounded by nature, mostly she loves being here it brought a lot of good childhood memories.
"Come on, beshy! The view is superb out here."Kaway ni Kendra na nakatayo sa tuktok ng hagdan-bato.
"Coming!"
Tinunton niya ang halos may isandaang baitang upang makarating sa birds eye view ng resort.
It was an amazing feeling being up here and witnessing the wonderful view of the place she once considered a home for her and her family.
Namasyal sila ni Kendra. Nilibot ang may kalakihang ecopark.
"Wow. This place is really a paradise!"
And this is what my father envisioned it to be...
Nang magpasya silang magkaibigan magtungo sa parteng-resort, marami nang tao ang naliligo sa tatlong may naglalakihan swimming pool na iba-ibang hugis. Nakakatuwang makita na kumpleto sa amenities ang lugar. Buhay na buhay ang resort kapag ganitong panahon. Malayong-malayo sa pribadong estado noon kung saan mga miyembro ng pamilya Buena lamang ang may access.
Ma and Pa, I hope you're here to witnessed this. Natupad na ang pangarap ninyong makilala ang Vista Buena hindi lang ng mga taga-Punta Fe kundi ng mga turista sa ibang lugar.
Naglulunoy sila sa pool at nagkukuwentuhan nang makaramdam si Anya ng panunubig. Iniwan niya muna ang kaibigan sa pool upang dumiretso sa pinakamalapit na restroom.
"Anya.What are you doing here?"
Nanigas sa kinatatayuan si Anya pagkarinig sa pamilyar na boses ng tiyahin pagkalabas ng banyo. Hindi pa man siya humaharap ay parang nararamdaman na niya ang matalim na tingin nitong humahagod sa kabuuan niya.
"T-Tita Belinda."
Lumapit siya sa tiyahin upang magmano ngunit iniiwas ng babae ang kamay. Sa halip humalukipkip ito habang walang pakundangan pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Belinda Buena Montecillo is the only sibling of her late father. Mas bata ito ng walong taon sa kanyang ama at ang tanging humahawak sa pamamahala ng Vista Buena Resort. Ito ang sumalo sa pamamahala ng resort matapos sumakabilang buhay ang kanyang ama apat na taon na ang nakakaraan.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?"
Ilang beses napalunok si Anya. Ito na nga ba ang sinasabi niya, sooner or later magkakaharap sila ng tiyahin sa pagpunta-punta niya roon. But nothing could prepare her for the worst, it's been four years yet ganoon pa rin ang galit nito. In fact, lalo yatang lumala ang sama ng loob ng tiyahin.
"Namamasyal lang po, Tita. It's been a long time. K-Kumusta na po kayo? Si Andrey, balita ko college na..." Kimi siyang ngumiti.
"Sino ang nagbigay sayo ng permisong magpagala-gala rito? Hindi mo ba alam na matagal ka ng bawal tumuntong sa lugar na ito?"
She looked down."N-Na-miss ko si Papa at Mama. B-Binabalik-balikan ko lang ho ang resort na madalas namin puntahan noon--"
Lalong naningkit ang mata nito. "Ah, so nami-miss mo pala si Kuya Bien? Anong karapatan mo sabihin iyan gayong ikaw ang dahilan sa lahat ng kamalasan nangyari sa pamilyang ito? Kung hindi dahil sayo eh di sana, nasa kapangyarihan pa ang pamilya natin. Ang pamilya Buena ang tinitingala noon sa buong Punta Fe, hawak natin ang buong bayan ngunit dahil sa katangahan at kagagahan mo, nawalang parang bula ang lahat. Pagkatapos magtutungo ka rito para sabihin nami-miss mo si Kuya Bien? Wala kang karapatan!"
BINABASA MO ANG
Maniego Series: When Love And Hate Collide
Literatura Kobieca(COMPLETED) Klio hated Anya from the very start but when pure hatred turn into an unadulterated lust, will he be able to fight it or allowed himself to succumbed to his desire? Book One of Maniego Series. (May contains mature content) ***credits to...