Missing.
Klio couldn't help but sighed.
Mula sa rearview mirror malaya niyang napagmamasdan ang blangkong mukha ni Anya na tahimik na nakadungaw sa bintana.
Something's off about her. He wanted to know what's going on in her head. Laman pa rin kaya ng isip nito ang nangyari kanina?
But she said she was fine. Posible kayang nagsinungaling ito?
Kumunot ang kanyang noo. Just when he thought he could easily read her biglang magiging distant muli si Anya, proving him that it was really hard to understand women.
Well, nagtaka pa siya? Sa kaisa-isang kapatid lamang sumasakit na ang ulo niya.
"Teka, ano pala ginagawa mo sa resort Kuya Klio? T-i-next lang kita kung nasaan kami pagkatapos bigla kang sumulpot?"tanong ni Kendra, nakapuwesto ito sa passenger seat ni walang kaalam-alam sa nangyari sa kaibigan.
"Tumawag si Lola Xandra, she said she's visiting later. That's why huwag ka nang magreklamo kung naputol man ang paglalakwatsa ninyo, mas mahalagang makauwi ka ng maaga kung ayaw mong sermunan ni lola. "
Suminghap si Kendra may kasamang hampas pa sa dashboard. Kahit kailan OA talaga ang kapatid niyang ito.
"Really?! Damn, bakit hindi mo agad sinabi? Did you tell her I went out? Pinapapunta nga pala niya ako sa mansion kanina pero nagdahilan ako may sakit. Lagot ako kay Lola kapag nalaman niyang nagsinungaling ako!"
He smirked. "Hindi ko na kasalanan magalit man siya sa'yo. You practically lied to her, Kendra. Nagpapasama sa'yo si lola, pagkatapos binirahan mo ng alis? Anong klaseng apo ka? To think paborito ka pa naman niya."
Kendra nibbled on her lower lip. Halatang napag-isip-isip nitong mali ang ginawa. "I just wanted to have some fun, okay? Kung sumama ako kay lola, baka imbes mag-enjoy ma-stress ako lalo. Alam mo naman kung paano siya ka-control freak and perfectionist."
"Hindi ka pa rin dapat nagsinungaling."
"Oo na! So...ano? Binuko mo ako? Sinumbong mo ako kay lola 'no? How dare you, kuya?"
Pinukol niya ng matalim na tingin ang kapatid. "Not yet. But I might as well do so kung hindi ka pa tatahimik diyan. Shut up, nakukulili na ang tenga ko sa'yo."
Parang bata naman nag-behave ito. Tss! Women! Speaking of women, muli niyang palihim na sinulyapan si Anya. Huling-huli niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito. She looks so detached and aloof, mahihiyang lumapit maski hangin dito.
"Baka matunaw, kuya. Kausapin mo na kaya?"
He just hissed and pretend nothing happened. Tangina. Nahalata siya! Matinik din itong si Kendra minsan.
"Okay ka lang, beshy?"Mayamaya tanong ni Kendra.
"H-Ha?"
Inulit ni Kendra ang tanong. Dumungaw pa sa backseat."May isang tao kasing mukhang kanina pa concern sayo."
"Ha?"
"Siyempre ako! Sino pa ba? Duh!"
"Ah, yeah. I'm okay.Medyo napagod lang..." Ngumiti ng tipid si Anya at nagbaling ng tingin sa labas.
"Nakakapagod nga. Di rin biro ang pag-hike natin kanina 'no? You know what? Ang gandang idea ng VBEPR, kumpletos rekados para sa adventure lover at sa mahilig mag-relax. Sayang lang hindi natin nalibot ang lugar."
"Next time, babalik ulit tayo."
"Vista Buena used to be owned by your family right? Sayang, beshy. Ikaw sana ang tagapagmahala roon kung hindi lang bruhilda ang tiyahin mo. Seriously, mas may karapatan ka sa resort."
BINABASA MO ANG
Maniego Series: When Love And Hate Collide
ChickLit(COMPLETED) Klio hated Anya from the very start but when pure hatred turn into an unadulterated lust, will he be able to fight it or allowed himself to succumbed to his desire? Book One of Maniego Series. (May contains mature content) ***credits to...