Chapter 26

11.5K 384 16
                                    


Kubo.

The realization of being in love with Klio Andrus Maniego hasn't sinked in. Hanggang ngayon kasi para siyang naglalakad sa alapaap, tulala at wala sa sarili, even when Lola Xandra insisted that Klio tour her around the hacienda, para siyang dahon na nagpapatangay sa hangin.

Iyon na siguro ang tulong ni lola. Hayaan silang magsolo ng apo nito. Dahil kung iaasa kay Klio ang lahat malamang mamuti na ang buong mata niya kakahintay nganga pa rin siya. The rest mukhang siya na bahala.

Nagmagandang loob din si Kendra pahiramin siya ng komportableng damit at sapatos na babagay pangangabayo. Laking pasasalamat naman niya sa kaibigan dahin hindi niya kailangan pagtiisan ang mataas na takong nito.

"Do you know how to ride a horse?" basag ni Klio sa katahimikan. Naglalakad na sila patungo sa puno ng mangga na pinagtalian ng kabayo nito.

"No. Masyadong overprotective sa akin si papa noon, he didn't even allowed me to learned how to drive a car." Everything she said was half truth and lies.

Marunong siyang sumakay sa kabayo dahil iyon ang madalas na bonding nila ng ama noong hindi pa ito pumapasok sa pulitika. They would go to Tagaytay only to horseback riding. Noong eighteen years old siya ay nasangkot silang magkakaibigan sa minor car accident-- her friend was drunk driving-- kaya ng magpabili siya ng kotse sa ama ay mariin nitong tinutulan.

Pero hindi na nito kailangan malaman iyon. Ang kailangan niyang gawin ay siguraduhin wala itong pagkakataon makaiwas. If she have to corner him, so be it! Tutal suportado siya ni Lola Xandra lalong lumakas ang loob niya.

"You can do it, apo. You have my blessings."

"I see. Is it okay if you ride with me o gusto mong maglakad-lakad na lang tayo?" suhestyon nitong tila desidido talagang tuparin ang pangako na "no touch".

At palampasin ang pagkakataon mapalapit dito? No way!

Kunwari balewalang nagkibit-balikat siya. She wanted to show him how much that it doesn't matter if he'd touch her. "We should go for a horse ride, Lola said maraming lugar dito na mas madaling mapupuntahan kung nakasakay tayo sa kabayo."

"Alright. Let's go." Kung nagulat man sa sinabi hindi nagpahalata si Klio. Pero napansin ni Anya ang pagsasalubong ng kilay mahing ang pagdaan ng pagkalito sa guwapong mukha nito.

Agad humalingling ang puting stallion pagkarating nila sa pinagkakatalian nito. The beast was really excited to see his master. Hindi niya ito masisisi, now that she thinks about it everything about Klio is exciting. He pumped up her blood in all ways that she can imagined.

It's good to see him smile once again and relax himself as he patted the beast head."Hey, hey. Chill. Are you up for another ride?"Sumingasing ang kabayo.Parang gusto niyang mainggit dito ng himas-himasin ito ni Klio.

Pati ba naman kabayo, Anya?

"You're family have a vast land, Klio." Manghang mangha siya sa malawak na lupain ng mga Maniego. Kasalukuyan na silang nakasakay sa kabayong si Conrad habang mabagal na pinapatakbo ni Klio ang kabayo. Narooon sila sa bahagi na plantasyon ng mangga pero kung lilibutin madidiskubreng bukod doon ay may plantasyon pa ng iba't-ibang pananim ang hacienda gaya ng niyog, saging, langka copra at iba pa. Sa dulong bahagi naman matatagpuan ang livestock and poultry farm na sinadyang itayo malayo sa mansion. Sa sobrang laki at lawak kinakailangan ng kabayo at sasakyan upang libutin ang lugar.

Maniego Series: When Love And Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon