Chapter 8

13.8K 321 14
                                    

Wild intentions.

Isang sabado nagtungo si Anya sa hardware store dahil kailangan niyang bumili ng ilaw na ipapalit sa napunding flourescent lamp sa salas. Wala siyang dalang payong nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Na-stranded tuloy siya sa waiting shed ng tindahan at halos tatlumpong minuto nang nakatayo roon ng may humintong puting pick-up sa harapan niya.

Tumahip ang dibdib niya.

Bumukas ang pinto sa passenger side at iniluwa si Klio. Nakangiting sinenyasan siyang pumasok at walang nagawa si Anya kundi sumakay kesa tuluyan maulanan sa puwesto.

"Sorry ha? Naabala kita."

"It's nothing. Best friend ka ng kapatid ko, di ko kayang pabayaan ka nalang sa ulanan. Saka baka bubungangaan ako no'n kapag nalaman niyang hindi kita sinabay." Tumawa ito ng malakas.

"Okay ka lang?"

"Medyo nabasa ng ulan, pero buhay pa naman." She jokingly said.

Napansin naman nito nanginginig siya kaya hininaan ang aircon. After that, may inabot itong backpack sa likod at kumuha ng tuwalya."Use this. Dry yourself. Baka magkasakit ka."

"B-Bakit may tuwalya ka sa likod?" Bumangon muli ang pagdududa kay Anya. Isn't it a weird coincidence that he happened to be at the right place at the right time?

"Oh that? Balak ko sanang mag-gym ngayon kaso biglang may tawag sa office, kailangan ko bumalik kaagad. Sakto naman pabalik na ako sa gym nang makita kitang nakatayo dito kaya dinaanan na kita."

Okay, that makes sense. Nabigyan kasagutan din ang muscles shirt and jersey short plus rubber shoes na suot nito.

"T-Thanks. Timing ang dating mo. Muntik na akong tubuan ng talaba sa paa kakatayo doon. Wala naman mapadaan na jeep o trycicle."

Umiling-iling ito. "Mabuti nadaanan kita. Tingnan mo, nabasa ka tuloy. Bakit wala kang dalang payong?"

"Wala, e. Mababasa kasi."

"What?!" Pinandilatan siya nito ng mata. "So, mas okay pa mabasa ka ng ulan kesa sa payong mo? Are you crazy?"

Humagikgik naman siya. "Joke lang. Biglaan kasi ang ulan, ang ganda pa kaya ng panahon kanina."

"That's the thing about the weather, you can never predict it. The reason why, dapat laging handa ka. You should have bring an umbrella with you anytime."Para itong nanenermon ng bata.

Ngumuso siya. Hinding-hindi talaga siya masasanay sa sudden change of behavior nito.

Nilingon siya nito habang nagmamaneho. He creased his forehead nang mapansin hindi pa niya nagagamit ang tuwalya."Gamitin mo na. Malinis yan, bagong-laba. Amuyin mo."Idinikit nito ang tuwalya sa ilong niya, tatawa-tawa naman umiwas siya.

"Oo na! Oo na! Mabango nga! Sus, makapagyabang akala mo ikaw ang naglalaba."

"Amoy-fab con 'no? Well, ako talaga ang naglaba niyan. Naiwan kasi yan sa kuwarto, nakalimutan ko ihalo sa laundry basket kaya nang kunin ni Aling Cata yung labada, hindi napasama ang tuwalya ko. Ano pasado na ba?"

Ngumisi siya. Proud na proud pa ang hitsura ng loko. "Pasadong ano? Pasadong labandero?"

Ngumiti lang ito ng makahulugan.
"Depende sayo."

Wow ha? Double meaning ba yun?

"Baka naman kung anong klaseng paglalaba ginawa mo dito. FYI, kinukusot po ang maruming damit at hindi pinapaliguan lang ng fab con." Umirap siya.

"Really? Binabad ko lang yan sa fab con buong magdamag. Pagkatapos binanlawan ko na."Tila inosenteng wika nito.

"Walanghiya! Kinuskos ko pa naman sa buong mukha ko. Tapos may katas pa pala ng mga libag mo. Yuck!"

Maniego Series: When Love And Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon