Halik-lasing.
"Klio!"
Talagang nagulat siya nang makita ang binatang nakasandal sa white pick-up nito, nakahalukipkip at waring hinihintay talaga siya. He was wearing a black cap, boat-neck shirt with the same color and tattered maong pants, leather loafers naman ang pang-sapin sa paa. He looks casual yet hot at the same time.
"Good evening,"Lumiwanag ang guwapong mukha ng binata pagkakita sa kanya.
Laking pagtataka niya nang ito ang mapagbuksan. Wala siyang inaasahan bisita kaya very unusual ang may mag-doorbell sa bahay sa kalagitnaan ng gabi.
"W-What are you doing here?"
"Well, umattend ako sa birthday ng kaklase ko noong highschool, it turned out nakatira siya malapit sa inyo kaya naisipan kong dumaan dito."
"Nang alas-nuwebe ng gabi?"
"Oh, naaabala ba kita? Are you in the middle of working?"
"No! Sa totoo lang, kakabalik ko lang from your house. Nakipagkulitan ako sa kapatid mo. I hope you don't mind,"
"Nah! You can even stay at my house for as long as you want,"
Natigilan siya. Tama ba siya ng pagkakarinig?
"Friends na tayo di ba? And friends do visit each other's houses. Welcome na welcome ka na sa bahay namin anytime."
Okay. Sabi nito, e. "Ahm, pasok ka muna?" Out of politeness ay alok niya rito.
"Sure. By the way,"Binuksan nito ang passenger side ng pick-up at inilabas ang isang may kalakihan brown paper bag. "Pabalot from the birthday. Lalamig na ito kung iuuwi ko pa sa bahay, would you like to eat with me?"
Like a date? Wow ha? Ang imagination, over the top. Nag-alok lang na sabay silang kumain, date agad-agad?
"Oo ba! Hindi ako tatanggi sa grasya."
"Pasensiya ka na. Magulo ang bahay." wika ni Anya pagkapasok sila. Sinipa niya ang nakaharang na walis ting-ting at dustpan. Ibig niyang mapangiwi, baka isipin nito napakaburara niya.
Tamad na tamad si Anya maglinis these days. Saka lang niya naisipan mag-ayos-ayos nang madatnan niyang may tumutulong tubig sa kisame at baysak na ang sahig. She was literally mopping her whole living room nang dumating ito.
"Medyo madulas ang sahig. Ingat ka paghakbang."
Lumapit ito sa plangganang may tubig ulan na nakalagay sa sahig.Tatlo iyon na nakapuwesto sa ibang bahagi ng salas. "What are these for?"
May pagkapahiyang natawa siya. "Ilang araw nag-uulan di ba? Ayan ang resulta. Di bale, bibili ako bukas ng vulcazeal."
"At ikaw ang aakyat sa bubong? No way I'm gonna let you do that. Ako na bahala, bukas na bukas din aayusin ko ang bubong mo."
"Puwede naman ako tumawag sa maintenance department ng village. Marunong din akong humingi ng tulong sa iba kung kailangan,"
"Exactly. Why would you need other man's help, nandito naman ako? Trust me on this, Anya. I can be a handyman too."
"Sure ka?"
BINABASA MO ANG
Maniego Series: When Love And Hate Collide
ChickLit(COMPLETED) Klio hated Anya from the very start but when pure hatred turn into an unadulterated lust, will he be able to fight it or allowed himself to succumbed to his desire? Book One of Maniego Series. (May contains mature content) ***credits to...