Napilitan.
Dumiretso si Anya sa kaibigan matapos ang kanyang online class as an english teacher. Hindi kasi mawala sa isip niya ang komprontasyon nila ni Klio kaninang umaga.
"Your brother hates me."
"Sino doon?"tanong ni Kendra."Si Kuya Kenito? Eh, tropa kayo no'n. Kung si Kuya Klio naman, sus, 'di ka pa ba sanay? Linggo-linggong may buwanang dalaw 'yon kapag nakikita ka. Come to think of it, ayon sa kasabihan there's a thin line between love and hate. Maybe Kuya Klio is in love with you beshy?!" she exclaimed.
"Imposible! Baka in hate pa puwede.
"Yun pala. Anong problema? Four years na tayong magkaibigan. Dapat immune ka na sa kasungitan ni Kuya."
"Iba 'to. We... We... We..." almost kissed earlier. At ang landi ko dahil nanghinayang ako sa pagkakataon.
"You what?"
"We fought last night and he made it clear to me how much he hates me as your friend."
Balewalang umupo si Kendra sa pink bed nito. Her whole room screams pink and white. Parang silid ni Barbie. At kahit hindi siya mahilig sa ganoong kulay because she is more into neutral tones, natutunan din mag-adjust ng mata niya sa trip ng kaibigan.
"So? Why do you care? Dati naman wala kang pakialam tama?"
Anya rolled her eyes. Kendra is right. When did she ever care if someone hates her?
Damn. Anya knew she should stay away but everytime Klio is close, napapako siya sa kinatatayuan. And the almost kissed they shared was the proof. Kanina lang sila nagkalapit ng husto at bago sa pakiramdam niya ang nararamdaman ngayon...
"Unless..."
"Unless what?"
"You are starting to like him? At ang pangarap kong maging hipag ka ay hindi malayong mangyari?"
Binato niya ito ng pinakamalapit na unan. "No way! At saka bakit napaka-advance ng utak mo? Hipag agad? Kilabutan ka nga! No offense, beshy. Ayokong maging asawa ng kuya mong palaging pasan ang mundo."
"Well, Kuya used to be fun. Siya palagi ang nangunguna pagdating sa kalokohan noon pero nang mamatay si mama, I think napilitan siyang magbago. He was forced to be matured and responsible because that's what the family needs him to be. Sometimes I feel sorry for him, he was robbed off his teenage years dahil kinailangan niyang tumayong magulang sa amin magkakapatid."
She knows that. Marami siyang masasabi kay Klio pagdating sa ibang bagay pero wala siyang mapupula sa pagiging family-man nito.
"Kahit na si Klio na yata ang pinakatarantadong lalaking nakilala ko, pagdating sa pagmamahal niya sa inyong magkakapatid the best siya."
Napangiti na ito ng maluwang. "Korek. Masyado lang mahigpit si kuya kaya lahat ng taong lumalapit sa akin dumadaan sa masusing mga mata niya. Hindi rin nakatulong na babae ako at bunso because he tends to be posessive and overprotective sa akin."
"Hindi ka ba nagtataka bakit ikaw lang ang matalik na kaibigan ko? Ikaw lang kasi ang pinayagan niyang makalusot."
"Makalusot?"
"Uh-huh. Pinagbantaan ko siyang ida-drop lahat ng subjects noong first year college ako nang sabihin niyang layuan kita."
"Bakit? Dahil bad influence ako sayo?"
Hindi malaman ni Anya ang mararamdaman. Kung ganoon bagsak pa rin siya sa standards ni Klio bilang kaibigan ni Kendra. Kung hindi siya pinaglaban ng babae, saan siya pupulutin?
BINABASA MO ANG
Maniego Series: When Love And Hate Collide
Chick-Lit(COMPLETED) Klio hated Anya from the very start but when pure hatred turn into an unadulterated lust, will he be able to fight it or allowed himself to succumbed to his desire? Book One of Maniego Series. (May contains mature content) ***credits to...