Pahinga.
"Drink this. It will help you calm down."Inabot ni Klio ang isang baso ng umuusok na gatas sa dalaga na nakaupo sa carpeted floor ng salas. Umisod siya ng tumabi ito ng upo sa kanya habang nakasandal sila sa mahabang sofa.
"Sigurado kang gatas ang kailangan ko hindi alak?"she teased.
"Gatas ka lang ngayon gabi. Masyadong delikado kung mag-aalak ka. I want you sober while you're telling me everything about yourself." Bilang suporta siguro ay kinuha nito ang isang kamay niya at pinisil pisil iyon.
Napanguso siya.
Kung may isang magandang bagay man na nangyari ngayon gabi nagkaaminan silang dalawa. Ngunit batid niyang hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Kumbaga sa kuwento nasa conflict pa lamang sila ng storya. Pero umaasa siyang sa huli sila pa rin ang happy ending.
Mabagal siyang humigop sa gatas. May sampung minuto na yata ang lumipas ng makahalata ang kasintahan na pinapatagal niya ang pagkukuwento.
"Anya. I'm waiting..."
She sighs. "Ito na po. Magkukuwento na. Pasamamat ka talaga mahal kita kundi nakuuu!" Klio just chuckled and kissed her on the forehead. In fairness hindi na ito amoy alak at sigarilyo mukhang nag ayos ito ng sarili habang pinagtitimpla siya ng gatas kanina.
"I will start with what happened today. Kung anuman ang nakita mo kanina walang ibig sabihin iyon. Aksidente lang kami nagkita ni professor sa mall, actually bago pa man ay balak na kitang sugurin sa parking lot sa pag aakalang naroroon ka at naninigarilyo but then he went up to me--"
"And you went out with him. I saw you both with my two eyes."
Hindi na siya nagulat sa rebelasyon nito. Maybe it was meant as another test for her sadly she failed big time. Wala siyang karapatan magalit o ibunton ang sisi sa nobyo dahil ang totoo kasalanan niya. Tama ito, sumama siya ng kusa kay Marcos pero hindi kagaya ng inaakala nito.
"Sumama ako para makasigurado sa nararamdaman ko sa'yo."Parang nilamukos ang puso niya sa nakitang sakit na dumaan sa mukha ni Klio. Parang sinasabi nitong Hindi ka pa pala sigurado sa feelings mo?
"And you know what I discovered? Na hindi naman pala kailangan. Dahil wala pang isang minuto sa cafe, nangangati na ang paa kong sumugod sa kinaroroonan mo para makasama ka. Kung alam mo lang laking pagsisisi ko na hindi ikaw ang kasama ko kanina kundi siya."
"But you didn't come. Puwede ka naman sumunod sa office kung gusto mo."Patuloy ito sa pagpisil sa kanyang palad. It felt relaxing and soothing knowing that she can talk to him calmly now. Mas malaki kasi ang chance na makinig ito ngayon.
"Dahil pakiramdam ko, I don't deserve you Klio. Sa pagkikita namin na-realize ko kung gaano ako hindi karapat-dapat sayo. I feel so filthy. Bumalik sa akin ang nakaraan. Ang lahat ng mga kalokohan pinaggagawa ko... Oo nga't hindi ko hinayaang may mangyari sa amin noon pero it will never change the fact that I was once a mistress. Na minsan sa buhay ko muntik na akong may masirang isang pamilya."
She closed her eyes and tried to remembered everything.
"Laman ako lagi ng parties, inuman, the likes and based on what other people say, malandi at kaladkarin babae dahil kung kani-kanino pumapatol. I was once a wild child before I met him. Professor ko siya sa college but I saw him more than that, he became my mentor, my guide and compass. I thought I was in love but the truth I was just infatuated by him. Taglay niya ang ugali at personalidad na hinahanap ko sa isang lalaki. For me he was a perfect prince charming kaya kahit bawal patago akong nakipagrelasyon sa kanya without knowing that I'm having an affair with a married man. Ang gaga ko 'no?"Tumawa siya ng pagak. "'Ni hindi ko inalam kung malaya ba talaga ang lalaking nilalandi ko."
BINABASA MO ANG
Maniego Series: When Love And Hate Collide
Chick-Lit(COMPLETED) Klio hated Anya from the very start but when pure hatred turn into an unadulterated lust, will he be able to fight it or allowed himself to succumbed to his desire? Book One of Maniego Series. (May contains mature content) ***credits to...