Chapter 20 - Vampire Sex Slave

2.1K 47 11
                                    

Kinabukasan, apat na mga babaeng Vampire slaves ang nag bukas sa pinto ko. I wonder ang dami nila ngayun usually isa lang lagi nung mga nakaraan. Hindi sila bumati o ano basta silang pumasok at ginaya ako papasok sa banyo. Nalaman ko nalang pinatatangal ako ng suot para paliguan. Ayoko namang pahirapan sila kaya hinayaan ko nalang gawin ang inutos nila. Nakakarelax naman ang mag babad sa bathtub. Isa pa gusto ko din naman ng kasama nakakapagod ang mag isa mababaliw na ako kunting-kunti nalang.


Then another visitor came in.

"Kamahalan." Bati nung nag bukas sa kanya na ipinagtataka ko kung sino.

"Nasan siya?" Boses ni Lord Yves ang narinig ko mula.

"Bilin po ng Mistress na huwag mag papasok nang kahit sino sa mga oras na ito. Pakiusap umalis na po kayo." Magaling tong si Ate.

"I ordered you to get out and wait outside the hallway until I say so!"

"Kamahalan, hindi handa si Miss Constantine na humarap sainyo."

"Ang sabi ko labas!" Sumigaw na talaga siya na nakapagpa-inis sakin.

Bigla tuloy akong iniwan ng tatlong Vampire Slaves na kasama ko sa loob ng bathroom. Tapos narinig ko na ang mga hakbang ni Lord Yves na nakapagpanerbyos sakin mabuti nalang nahawi ko kaagad ang shower curtain nang makapasok na siya sa pinto tapos lumubog ako lalo sa tubig hanggang ilong at mata nalang ang nakalitaw.

"Constantine." Sinambit niya ang pangalan ko na may kakaibang kalambutan na tinig.

Lumapit siya at tumayo sa harap ng shower curtain I was hoping na huwag siyang maging bastus katulad ni Lord So dahil kung hindi mag sisigaw ako dito ng rape.

"How are you?"

Medyo umayos ako ng higa sa ilalim ng tubig.

"May pakialam ka ba?" Matabang na pagkakasabi ko

"Makinig ka, kaya ako nandito para kausapin ka ng maayos."

"Oh yes pero hindi dito!" I hissed.

"Gising na ang Vampire King kaya lahat kami dito abala ito lang ang bakanteng oras na meron ako."

Kaya ngayun lang niya ako pinuntahan.

"Fine."

"Gusto kong malaman ang sagot mo."

"Na?"

"Kaya kong ibalik ka sa langit."

Bigla akong natigilan sa sinabi niya mabuti nalang mabilis akong sumilip sa shower curtain at para makita kung seryoso si Lord Yves at yun nga ang gustong makita ng mga mata ko. Hindi siya nag bibiro.

"Wala kang kinalaman sa District 666 mas makakabuting bumalik ka na at kalimutan ang mga nangyari dito habang kaya ko pa."

"Anong ibig mong sabihin?"

All of suddenly I felt worried. Mula sa pagkakatayo ay umupo siya para mag ka eye level na kami mas nakita ko lalo ang ganda ng mukha niya na unang hinangaan ko dito sa District 666.

The Vampire King And Four Lords (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon