Chapter 41 - Miscarriage part 3

948 26 22
                                    

"Ganito na pala kalaki ang pinsala na ginagawa nila Mike sinakop na nila ang east part ng Level 2 kaya ngayun ang Lord na walang mukha na ang bagong may ari sa buong lugar ,ibig sabihin, galit na galit talaga si Law. Kasalanan to ni Constantine." Patapon na hinagis ni Lord Veo ang mga larawan na inabot sa amin ni Lord Yves inaasahan ko nang masama na ang sitwasyon kaya hindi na kataka-takang depress siya na tahimik ngayun sa upuan malayo ang tingin. 

Ito ang unang araw ng meeting.

"Huwag mong sisihin ang iba hindi naman makakatulong sa pag resolba ng problema." Sabi ko at masamang tingin pa ang tugon sakin ni Lord Veo.

"Bakit di ikaw Lord So ang mag isip ng solusyon nag gagaling-galingan ka diba?"

"Wala akong sinasabing nag gagaling-galingan ako pero kung tatahimik ka mas mabuti. Wala ka naman ibang gusto kung hindi mamatay si Constantine na yun nga ang prinoprotektahan ni Lord Yves hindi ka makaintindi, sakit mo sa ulo." 

"Dahil hindi niyo nakikita ang nakikita ko pinapahamak niya tayong lahat, imbes na tahimik dumating-dating pa siya."

"O sino ngayun ang nag gagaling-galingan?" Sumbat ko pabalik bigla nalang niya akong kwenilyohan.

"Pwede ba tama na." Lord Yves speak at last kaya dahan-dahang lumuwang ang pagkakahawak sakin ni Lord Veo handa na sana akong sapakin siya kung di lang dumistensya, ang kitid. "Kung gusto nila ang east part ng Level 2 bahala sila--di sa kanila na basta hinding-hindi ko ibibigay si Constantine."

"Baliw ka na, kung hindi lang sa sing-sing hindi ako mag aaksaya ng panahon ko dito." Lord Veo commented.

He's totally pain. Bakit kasi kelangan niya pang bawiin ang vintage ring na yun wala naman na halaga pa.

I huff due to frustration.

"May naisip ako, given the fact na si Law ay ang Crown Prince either Personal Slave siya o siya si Lord Enrique wala sa atin ang pwedeng gumalaw sa kanya pero kung mapipilayan si Law malaking bagay yun sa Level 2 magiging mahirap sa kanya ang kumilos nang wala si Mike. Walang nag sabing hindi natin pwedeng itumba ang lalaking yun."

Agad naman akong sinagot ni Lord Yves.

"Hindi natin pwedeng patayin si Mike baka ako pa ang mapasama pag ginawa ko isa pa hindi pa rin okay si Constantine tungkol sa baby namin. Hindi magiging mabuting balita kapag narinig niyang may namatay nanaman. Ayokong masaktan siya."

I feel happy though.

"Kamusta na ba si Constantine," I tried to make my voice even. Tahimik naman si Lord Veo.

Lord Yves's express becomes worry. "Laging umiiyak, nag daramdam akala niya sinisisi ko siya pero hindi."

"May balita ba kung nasaan ang Mistress? Siya ang may kagagawan kung bakit siya nakunan." Sabi ko pa.

"Oras na makita ko siya papatayin ko siya kapalit ng buhay ng anak ko, pero, sa sagot sa tanong mo, hindi ko alam. Wala ding pagkakataon na makapag imbestiga sa totoong nangyari dahil sinarado ang kaso at hanggang ngayun pala isipan pa rin sakin bakit inataki ni Luca si Constantine. Ipinagtataka ko din bakit ayaw niyang sabihin ang pinagusapan nila bago ako umalis. Alam kong may nangyari." Duda nito.

"Tingin mo sangkot din dito ang Vampire King?" Tanong ko.

"Tch possible, Lord So." He whispers but looking at me intently. "Pero hindi, hindi niya pwedeng patayin si Constantine dahil una mawawalan siya ng pagkakataon na makuha ang loob ni Law na bumalik sa palasyo pero kung meron siyang balak sana noon pang pag gising niya. Gusto ko talagang malaman ang totoong nangyari pero ang patigilin muna si Law sa pag sira ng Level 2 ang dapat kung unahin."

The Vampire King And Four Lords (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon