Chapter 01 (edited)

16.9K 117 6
                                    

Trishiana's point of view

Nakakapagod.

Gosh! Kanina pa 'ko naghahanap ng apartment na mura e. Imbes na una kong asikasuhin ang paghahanap ng trabaho,e. Sino ba naman kasing tanga ang pupunta sa ibang lugar na wala man lang alam ba titirahan?

Ako.

Arrgh! Ang mamahal naman kase ng babayaran kada buwan. 9,000 per month? Take note, di pa kasama pagkain don. Gigil.

Kapag di ako nakahanap ng matitirahan, sa bangketa ako matutulog. Ayaw ko naman non. Nakakatakot. Baka marape o manakawan ako no. Kapag kinuha ang damit ko edi wala akong susuotin.

Tapos di na ako makakaligo kasi may bayad din ang pampublikong paliguan or whatever! Waah! No! No! My beautiful skin. Joke lang. Sana naman hindi 'no? Medyo OA ka,Trish.

Trixie Calling. . .

"Baks! Tulungan mo na kasi ako. May kakilala ka ba? Jaska! Baks! Namamasa na kili-kili ko sa kakahanap! Ba't kasi ang mahal? Arrgh! Baakss, Help meehh!" Mahaba kong sabi sakanya.

Si Trixie. Trey Taglica ang real name nya. And yes, oo. Bakla ang lola nyo.

"Eh yon na nga, Babaita ka. Dami-dami mong sinasabi. May alam akong paupahan, pero dalawa lang kayo sa bahay ha?" Parang nagliwanag ang buong paligid sa sinabi ni Trixie.

"Ay! Talaga baks? Sa'n yan? At ng mapuntahan na agad-agad! Pero baka mahal ah? Alam mo naman, G na G ang Dyosang ako."

"Gaga! Oo naman, swak sa vageygey--este bulsa mo 'to. Lalaki nga lang yong kasama mo."

Keri na yon. Basta may titirahan. Wag lang akong mabastos bastos nubg lalakeng yon, sya mismo papaalisin ko sa bahay na. Kahit bahay nya yon HAHAHHAHA

"Sige na lang! Jaska! Send mo sakin address, Baks." Sambit ko tsaka bumuntong hininga.

Naku! Sana naman nerd o kahit ano basta matino yong lalakeng yon. Gash! Naku! Pag talaga manyak yon, ako pa mismo puputol ng kaligayahan nya.

Sinend na saakin ni Trixie yong address ng uupahan ko. Gorabels ang lola nyo.

TAMA ba 'tong napuntahan ko? Mura lang tapos ang laki at ang bongga ng bahay? Tinawagan ko nalang ulit si Trixie para iconfirm.

Kung eto mang yon, ang swerte ko naman.

"Baks, tama ba 'tong napuntahan ko? Ba't anlaki? Baka naman mahal 'to ha?" Agad kong tanong nung sinagot nya ang tawag ko.

"Oo,Babaita. Yan yon. Mura lang yan. Sure na sure ang dyosang ako." Pagmamalaking sagot nya pa.

"Sige. Magdo-doorbell na ko. Babye! Thankiie, Baks!" Huling sambit ko tsaka ko pinatay ang tawag.

Bumuntong hininga ako tsaka pinindot ang doorbell.

"Coming!" Sabi ng baritonong boses mula sa loob. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang lalakeng walang pang-itaas at tanging boxer shorts lamang ang suot.

Halos lumuwa ang mata ko dahil sa nakita. Unang-una, ngayon lang ako nakakita ng totoong abs sa malapitan. At higit sa lahat, ang umbok sa harap.

OMG! As in OMG! Waaaaah!! My innocent eyes!

"Miss, Laway mo." Maangas nyang sambit. Di ko namalayan na nasa harap ko na pala sya.

Why so boastful, Mister?

"So, ikaw ba yong uupa?" Malamig nitong tanong.

Inaasahan na naman pala nyang may darating, di man lang sya nagdamit ng disente. Gash!

Swaying Temptation AwayWhere stories live. Discover now