Chapter 12(edited)

6K 79 7
                                    

EY🔥THAT'S VICTOR HERMOSO DIANTES WITH DRAVEN💖👆NAKATINGIN SILA SAKIN, BESSSYYY! NAKAKALOKA😂Gusto mo sya? Gusto ka ba? :>

Trishiana's Point of View

Baka nga. . .

Marahas na bumuga ako ng hangin saka humiga. Lumabas ako sa aking silid at dumeretso sa sala.

Naabotan ko sila Kuya Ceasar at Victor na nanonood ng spanish movie. Asan si Draven?

Pumunta ako sa kusina. Nandito nga sya.

Napatingin sya saakin. Naghuhugas sya ng pinggan. "Hey." Bati nya saakin.

"Hey." Sabi ko tsaka umupo.

"Bored?" Tanong nya. Tumango ako sakanya ng nakasimangot. "Pasyal tayo?" Tanong nito.

Napatingin ako sakanya. "Saan?"

Nagkibit-balikat si Draven saka umupo sa harap ko. Ipinatong naman nito ang mukha nya sa magkabilang palad nya.

"You're so beautiful." Nakangiting sambit nito. Nag-init ang buong mukha ko sa sinabi nya.

"Hindi naman masyado." Kunwari humble tayo. Pero totoo? Ako maganda? Sureness? Si Draven at yong asul nyang mata nagagandahan sakin? Sandali kaming natahimik.

"Ahhm. Mí Dama. . ." Tawag nya saakin. Tumaas baba ang adam's apple nya, lumunok sya. "I-I have something to tell you." Sabi nito habang naaktingin parin sa mga mata ko.

"I-I'm---"

"Stav," biglang sumulpot si Kuya Ceasar na parang nakakita ng multo. "Vanese is here. Nandito na sya sa pilipinas. Actually, She's---" Hindi na nya naituloy ang sinasabi nya dahil may matinis na boses ang tumawag kay Draven.

"Stav! OMG! I missed you so much." Patakbo itong pumunta kay Draven. Yinakap saka hinalikan sa labi.

Sa pagdampi ng labi ng Vanese na sinasabi nila'y parang may libo-libong karayom ang nagsitusok sa puso ko.

Sya ba yong sinasabi nyang the woman I love? Sya din kaya yong dahilang ng my heart is broken into pieces?

Nagkatinginan kami ni Draven. Kitang kita sa mata nya na kinakabahan sya.

Kinakabahan sya dahil baka magselos so Vanese dahil nandito ako? Napakurapkurap ako saka tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Hindi ko kayang makita si Draven habang kinakapitan sya ng higad--este kinakapitan sya ni Vanese.

Nagseselos ako. Aaminin ko, sobrang nagseselos ako.

Gusto ko ako lang yong hahawak sa braso nya, yayakap sakanya,at lalong lalo na yong hahalik sakanya.

Nagseselos ako kahit wala akong karapatan. Ni wala nga ata akong karapatang angkinin sya dahil hindi naman kami. Oo, gusto ko sya pero gusto nya ba ako?

Sa mga kilos nya, gusto kong isipin na gusto nya din ako. Pero hindi eh. Ayoko kong mag-assume dahil kung gusto nya talaga ako, hawak nya ngayon yong kamay ko at pinapakila sa higad na babaeng yon!

Padabog akong umupo sa kama ko. Hindi na ako iiyak. Hindi.

Kinuha ko ang sketch book ko tsaka nagdrawing. Babaeng nakangiti, kita gilagid. Si Vanese. Bwisit na yon! Linagyan ko ng sungay at kung ano-ano pa. Linagyan ko ng peklat ang cleavage nya. Kung idikit naman nung babaeng higad na yon ang boobs nya kay Draven wagas!

Napatingin ako sa boobs ko tsaka hinawakan. Wala pala. Bwisit na yan! Pero hayaan mo na yang boobs-boobs, basta maganda ako sabi ni Draven tsaka gorgeous ako sabi ni Kuya Ceasar.

Swaying Temptation AwayWhere stories live. Discover now