Chapter 20(edited)

5.7K 73 2
                                    


"HAPPY birthday, Baaaks!" Sigaw na bati ni Trish na ikinagulat ni Trixie dahil kagigising palang nito.

"Muntik na kong maheart attack dahil sayo, Babaita ka!" Reklamo nito sakanya habang nakahawak sa dibdib nya. Tumawa lang naman si Trish.

MADAMING nga bisitang nagsidatingan. May mga kaklase rin sila noong highschool. Kaninang tanghalian ay ngayong meriyenda ang ginawang handaan ni Trixie.

At isang hindi inaasahang bisita ang dumating. Si Sam, ang dating nobyo ni Trish. Kung gwapo na ito noon ay mas gwumapo pa ito ngayon. Pero mas gwapo parin si Draven. Kaklase kasi nila ito noong highschool kaya dumalo rin ito.

Napakayabang nyang maglakad. Yong akala nya gusto sya ng lahat. Nakangisi rin sya habang nakatingin kay Trish na para bang sinasabing 'Maglaway ka, Ex.'

NAPAWI ang ngisi sakanyang mga labi at napatigil sya sa paglalakad nang lumapit si Draven kay Trish. Napakurap-kurap pa ito ng ilang beses. May pinag-uusapan ang dalawa.

"Who's that guy over there?" Turo nito kay Sam. "Kanina pa sya nakatitig sayo. And I don't like that." Matigas na sabi nito.

"Si Sam," Nanlaki ang mata ni Draven. "Yong ex ko." Napatingin si Draven rito. Pero imbes na magselos o kaya ay mabahala'y tumawa ito.

"I'm better than him." Nakangising sabi ni Draven. Napangiti naman si Trish.

"I know." Sabi nito.

"Kukuha ako ng pagkain natin. Let's try eating in one plate." Sabi nito tsaka kumindat. Pumunta na ito kung saan nakalatag ang mga pagkain. Pinagmamasdan lang ni Trish si Draven kung paano ito kumuha ng pagkain. Natatakam sya pero mas natakam sya ng sipsipin ni Draven ang darili nya na nasagian ng sauce ng spaghetti.

"Boyfriend mo?" Napatingin bigla si Trish kung saan nanggaling ang boses.

Walang pag-aalinlangang tumango si Trish. "Yes." She's proud. Kung pwede nya lang sanang isigaw sa buong mundo na sila ni Draven ay gagawin nya.

"Actually, we're planning to get married. Ipapakilala ako ni Draven sa fam nya tapos aasikasuhin naman namin yong kasal." Proud na proud na sabi ni Trish. Kahit hindi naman nya talaga sure kung totoo nga yon.

"N-Nice. Congrats." Parang napipilitang sabi ni Sam.

"Baby." Napatingin si Trish sa tumawag sakanya. Lumalapit sakanya si Draven na may dalang plato na punong puno ng pagkain.

"Ang dami naman?" Tanong ni Trish sakanya tsaka bahagyang tumawa.

"Naubos mo nga yong niluto kong adobo no'n ng mag-isa, eto pa kayang dalawa tayo." Panunukso ni Draven sakanya. Napatigil sila sa pagtutuksuan ng tumikhim si Sam tsaka nagpaalam.

Napasinghal naman si Draven. "Anong pake natin kung pupuntahan nya si Trixie?" Nakangiwing sabi ni Draven. Ang cute nyang magselos.

Tinuloy nalang nila ang pagkain.

Pababa narin noon ang araw ng mapagdesisyonan nilang magkakabatch mate na maglaro. Spin the bottle. Pero partner-partner. Magkasama sila Draven at Trish habang sila Trixie at Victor naman. Magkasama nilang sasagotin iyong truth o dare.

Swaying Temptation AwayWhere stories live. Discover now