Trishiana's Point of View
MATAPOS kong magtoothbrush ay agad akong pinapasok sa kwarto at pinatulog. Magbabyahe kasi kami bukas. Naayos na nya yong mga damit ko. Kunti lang naman yon kasi hindi naman kami magtatagal doon.
"Good night,Mí Dama. Wet dreams." Sabi ni Draven tsaka kumindat. Agad ko naman syang binato ng unan pero isinara nito ang pinto kaya hindi sya natamaan.
Natulog ako ng may ngiti sa labi. Why am I even smiling?! May druga ba sa laway ni,Draven? I feel so high.
"LET'S GO, Mí Dama." Tawag saakin ni Draven.
"Oo, eto na!" Sigaw ko sakanya habang papalabas. Nagsusuklay pa ko. Sobrang atat kasi ng lalakeng to e.
Sumakay na ako sa kotse nya tsaka ako nagtext kay Trixie.
'Baks, Babyahe na kami.'
SentIpinatong ko yon sa hita ko tsaka nagplay ng music. Pumasok narin si Draven at nagsimula na kaming magbyahe.
"I'm like a statue, stuck staring right at you,
Got me frozen in my tracks.~" pagsabay nito sa kanta. Napatingin ako sakanya. Nakatingin rin sya saakin."So amazed how you take me back,
Each and every time our love collapsed.~" Pagpapatuloy nito tsaka kumindat saakin."Tuluyan ko na kayang papikitin yang kaliwang mata mo ha? Kindat ka ng kindat eh!" Naiirita kong sabi kahit nemen deep inside kenekeleg eke.
MAGTIGIL KA, TRISHIA!
He just chuckled and continue singing. Ang ganda rin pala ng boses nya. Nakakain--irita! Ganon! Nakakairita! I shouldn't feel this to the man who stole my virginity. No way!
MAHABA din yong byinahe namin kaya naman nakatulog ako. Sa tulong ng--ano nga bang tawag don? Ah yong waze ay nakarating na kami ni Draven sa probinsya namin. Ginising nya ako tsaka ko itinuro kay Draven ang daan papunta sa bahay nila Trixie. (\^0^/)
Nang makarating kami'y agad kaming sinalubong ng bakla. Imbes na ako yong unang yakapin, linagpasan nya ako tsaka yumakap kay Draven. Inamoy-amoy pa nga nya ito.
"PAGPASENSYAHAN mo na iyang si Trixie, Hijo ha? Bihira lang kasing may maligaw na gwapo rito. Kaya ayan, to the highest level ang kalandian." Paghingi ng despensya ni Tita Melinda kay Draven tsaka pang-aasar kay Trixie.
"Mudrakels kong maganda naman eh, Minsan labg itech eh." Nagmamaktol na sabi nito habang nakakapit parin kay Draven.
Natatawa talaga ako sa itsura ni Draven ngayon. Pinipilit nyang ngumiti kaya para syang natatae. Nakiki-usap ang mata nya na palayuin ko si Trixie sakanya.
Nagkibit balikat lang ako sakanya tsaka tumawa. Ngumuso naman sya. Napakamacho nya pero bakit kapag nag-pout sya, bagay parin sakanya? Makapal din kaso yong labi nya tsaka anlembet. Enebeyen. Nekekeheye. HAHAHAHA!
"Halinakayo't tayo na'y kumain ng hapunan." Aya saamin ni Tita Melinda.
"Opo." Sagot namin tsaka pumunta sa kusina.
"Pagpasensyahan mo na, Hijo, kung iyang isda lamang ang ulam natin." Sabi ulit ni tita kay Draven.
"Ayos lang po. I actually love fishes." Nakangiting sambit ni Draven.
Nagsimula na kaming kumain. Laking gulat ko nang itinabi ni Draven ang kutsara't tinidor nya at ginamit nya ang kamay para kumain.
"Nagkakamay ka?" Tanong ko sakanya. Pero ang bobo ko din. Ba't nya naman gagamitan ng kubyertos ang isda?
YOU ARE READING
Swaying Temptation Away
General FictionDraven Stavante Sevrios♥ Trishiana Vhastee Regalado♥ Genre: General Fiction Language: TagLish. Status: Compleeeeete♥ 2018-2019