Trishiana's Point of viewMATAPOS kong kumain ay pumasok na ako sa booth namin.
"Good Afternoon mga kaibigan, kamag-anak, kabarangay. At opo, Ako na naman po ito. Yana daldalera. At ngayong araw ay magu-usap-usap na naman tayo. Sana di kayo magsawa sa boses ko." Pagsasalita ko sa radio. "At ang ating topic ngayon ay pag-ibig. Asus! Magdiwang mga may lovelife at Iyak sa mga single, charot!"
Nagdada-dada ako sa radio hanggang sa matapos na ang part ko.
"Hays! Ansakit sa panga." Sambit ko tsaka minasahe ang panga ko.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito.
"Miss Trishiana, Nandito na po sundo nyo." Sabi ni Freia saakin.
Nagtaka naman ako. Sino namang susundo sakin? I have a gut feeling na sya yon pero I don't want to assume parin. Tumayo ako tsaka lumabas sa station.
"Hey, Lady." Tawag ng pamilyat na baritonong boses. Napabaling ako kung saan yon nanggaling.
Sya nga. Si Draven.
Wait! Why am I big dealing things? Ugh! Whatever.
"Hey. Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya.
"Sinusundo ka? Ahm. Yayayain sana kitang kumain sa labas. So, is it okay?" Alok nito sakin.
Ngumiti ako tsaka tumango. "Sige. Nakakahiya naman kung di pa 'ko punayag. Nandito ka na,e. Let's go?" Napakamot sya sa batok.
Dumeretso ako kung saan naka-park ang kotse nya. Sa likod sana ako uupo kaso binuksan nya yong katabi ng driver's seat.
Gentleman. Wew nemen. Umupo nalang ako don.
NANG makarating kami sa isang sikat na restaurant ay pinagbuksan nya din ako ng pinto.
Umorder na sya. Habang hinihintay namin ang pagkain ay nagkwentuhan muna kami.
"The last time I check, e hindi pa naman tayo masyadong close. Anong nakain mo? Ba't ang bait mo naman sakin ngayon ha? Hmm. Tell me, crush mo ko no? Uy! Uy!" Tunuturo-turo ko pa sya at ngumiti ng nang-iinis.
"Stop it. It's not funny, Lady."
"Bakit ka ba lady ng lady? Pwede mo naman akong tawaging Trishia? Trishiana? Yana? Ishang? Etc." Sabi ko sakanya.
Pansin ko kasi lagi nalang lady ang tawag nya sakin. Ganon ba ko ka-gaga? Iw. Yana, ang corny mo.
"Ma-iba lang." He shrugged. Nginiwian ko naman sya.
Sa wakas! Dumating na ang order namin. Tahimik lang kaming kumakain. Minsan tinatanong ko sya, minsan sya naman yong nagtatanong.
Mas marami nga lang akong sinasabi tapos sya naman ang kukunti ng mga sinasabi. Para bang wampipti ang halaga ng bawat letrang sasabihin nya.
MATAPOS naming kumain ay agad kaming umuwi sa bahay.
"Movie marathon tayo?" Yaya nya sakin. Pinaningkitan ko naman sya ng mata. He chuckled. "What's with the look?" Tanong nito.
"Naku! Draven! Siguraduhin mo lang na hindi porno ang ipanood mo sakin! Puputulan na talag kita ng ano!" Sigaw ko sakanya tsaka umupo sa sofa.
"Ikaw ang pumili." Turo nya don sa baba ng TV. Dumeretso sya sa kusina.
Pinili ko yong romance kahit hindi naman ko naman masyadong gusto kasi bitter ang dyosang ako.
Bumalik dito sa sala si Draven na may bitbit na isang bowl ng popcorn at dalawang beer inilapag nya ito sa lamesa saka nagpaalam na magpapalit muna.
YOU ARE READING
Swaying Temptation Away
General FictionDraven Stavante Sevrios♥ Trishiana Vhastee Regalado♥ Genre: General Fiction Language: TagLish. Status: Compleeeeete♥ 2018-2019