Chapter 13(edited)

6K 79 8
                                    

EY🔥THAT'S DRAVEN AND CEASAR👆♥ANG CUTE NILAAAAA😍😂

Trishiana's Point of View

MATAPOS ng pag-uusap namin ni Baks ay natulog na ako.

Nagising ako ng alas tres ng madaling araw. Lumabas ako ng bahay. Humalukipkip ako dahil sa lamig ng hanging sumalubong sa pagbukas ko ng pintuan.

Pumasok ako sa loob para magtimpla ng kape. Pampa-init. Pero hindi ko na yata kailangan. Naabotan ko lang naman si Vanese na nagtitimpla ng kape sa kusina.

Otomatikong nag-init ang ulo ko nung makita ko sya. At aba! Naka nighties pa ang higad! Tsk! Por que may malaki ng dodo tsaka napakakinis at flawless ang balat nya eh, ang kapal naman. Mas makapal pa sa libro ng encyclopedia.

Hindi ko nalang sya pinansin at nagtimpla ng kape.

"I'm sorry about kahapon ha? Pinagkamalan kitang maid, you look like one kasi." Napangiwi ako. Humihingi ba sya ng tawad o nangi-insulto?

Matapos kong magtimpla ng kape ay lumabas na ako. Umupo ako sa veranda. Ang lamig.

Nagmumuni-muni ako dito nang lumabas si Draven at nagkasalubong ang mata namin. Pinaikotan ko sya ng mata. Lumapit sya sakin tsaka umupo sa harap ko.

Hindi ko lang sya pinansin. Sumimsim ako sa kape ko. Hindi ko inilalapat ang tingin ko kay Draven.

He graoned. "Mí Dama, pansinin mo naman ako. This is driving me crazy." Gusto kong isampal sakanya ang SML? Share mo lang?

Hindi parin ako nagsalita. Bahala syang mabaliw.

"Mí Dama." Tawag nya sakin. "Ano bang ginawa kong masama?" Tanong nya. Anong gusto nyang sabihin ko? Na nagseselos ako? Napakalandi mo.

Napatingin ako sakanya nang nagsimula syang kumanta. "Sorry na, Baby ko. Wag ka ng magtampo. Kung ano man ang nagawa ko, sana'y patawarin mo.~" Anong nakakakanta? Inirapan ko lang sya kahit lumambot ng kaunti ang puso ko dahil narinig ko na sya ulit kumanta.

Hinawakan nya ang kamay ko. Napatingin ako roon pero agad ko ring iniwas ang tingin ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Draven.

"Are you j-jealous?" OO! Buti natanong mo. "Kung nagseselos ka kay Vanese. Mí Dama, She's just a friend. Childhood friend. But I'm happy you're jealous." Natingin ako sakanya dahil sa sinabi nito. Masaya pa talaga syang nagseselos ako ha? Sinamaan ko sya ng tingin pero tumawa lang sya ng bahagya. May nagyari na kaya sakanila?

"Tara na sa loob. It's so cold here." Paanong hindi sya lalamigin e nakatopless sya?Lumapit sya sakin saka ginawaran ng matamis na halik.

"Wag ka na magselos. Sorry kung di man lang kita napakilala nang maayos. Forgive me,Mí Dama. I-I like you. So much." W-what? Yong puso ko. Shet. Gusto nya din ako.

"Ikaw lang. Believe me." Sabi nya saka ginawaran ulit ako ng halik.

Tinulak ko sya ng kunti tsaka tumayo.

"Okay." Sabi ko.

Mauuna na sana ako pero pinagsalikop nya ang kamay namin. Hindi nalang ako umalma. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob.

Pagpasok na pagpasok namin ay sumalubong samin si Vanese. Shock na shock sya dahil nakita nya ang kamay namin. Bijj.

Itinaas ko ang kamay naming dalawa saka kunwaring pupunasan ko ang noo ko. Kahit ang totoo naman sya Oh malanding higad, tignan mo ang kamay naming dalawa oh. Holding hands 'teng higad!

Swaying Temptation AwayWhere stories live. Discover now