Chapter 17(edited)

6K 85 5
                                    

-AKO PARIN :> -

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ni Trish nang makita nya ang higad na nakaupo sa sofa ng living room.

"D-Draven, I-I'm pregnant." Sabi sakanya ni Vanese.

Kasinungalingan na naman ba nya nito? Kinakabahan si Trish. Ayaw na nyang pakawalan ang lalaki. Hindi na sya makakapayag na agawin sya ni Vanese mula sakanya ngayong nasabi na nya ang three magical words.

Kasinungalingan man iyon o hindi, hinding hindi na nya papakawalan pa si Draven. Ang kanya, ay kanya lamang.

"Pwede ba, Vanese? Tumigil ka na sa pagsisinungaling. You and I both know na walang nangyari saatin. Ni hawakan nga lang ang dibdib mo hindi ko na magawa, yong may mangyari saatin pa kaya? Alam mong mahal na mahal ko si Trishia simula pa noong bata pa tayo. Suportadong suportado ka pa saakin but what is this all about?! Pilit mong pinapalayo saakin yong kasiyahan ko!" Hindi narin napigilang sigaw nito. He's tired understanding all bullshits she gives.

Walang nasabi si Vanese at humagolgol lang ng humagulgol. Naawa si Trish sa babae. Gusto nya itong lapitan at icomfort.

"S-Sorry. Ayaw kong mawala ka sakin, S-Stav. I-I love you. I n-need you. Hindi ko kayang mawala ka sakin, S-Stav." Nagmamakaawa nitong sabi tsaka lumuhod. Hinawakan nya ang kamay ng lalake. Hahablotin na sana agad ni Draven ang kamay nya pero pinigilan sya ni Trish.

Umupo si Trish sa harap ni Vanese at kinuha ang kamay nito tsaka pinatayo.

"Alam ko may mga ginawa ka para mahiwalay kami sa isa't isa pero nandito ako pinatayo ka at hawak hawak ang kamay mo. Vanese, kung pwede lang sana. . . Please lang, tigilan mo na kami. Makakahanap ka parin naman ng kapareha mo,e. Trust me. Trust God's perfect timing. Nakaguhit na sa tadhana ang mangyayari sa buhay mo, you just have to wait. Don't search for it, wait until kusa syang lumapit sayo." Payo nito sa babae. She believes in destiny. Her words of wisdom lighten up Vanese's feelings. Thanks to her.

napahagulgol si Vanese at niyakap si Trish. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Draven. Parang may humamplos sa puso nya dahil sa ginagaw at sinabi ni Trish. One of the reasons why he loves Trish so much. Iniisip nito ang nararamdaman ng isang tao at hindi lang pansarili nyang kaligayahan.

Humiwalay si Vanese ng yakap ta pinunasan ang luha nya.

"T-Thank you. And I'm sorry. I'm really sorry." Paumanhin nito. Ngumiti ng kaunti si Trishia.

"Forgiven."

"Aalis na 'ko. Sorry, Trish and Stav. Bye." Paalam nito pero pinigilan sya na Trish.

"Buntis ka ba talaga?" Tanong nito. Napayuko at natahimik si Vanese.

"Who's the father then?" Mausisang tanong ni Draven.

"Si... C-Ceasar." Mahinang napamura si Draven sa ibinunyag nya habang si Tirsh ay napatakip nalang sa kanyang bibig.

"Isang gabi ng pagkakamali." Sabi nito. "Aalis na 'ko. Babalik ako sa Spain." Sabi nito tsaka tuloy tuloy na lumakad palabas.

"Hindi ako makapaniwala." Sambit ni Trish habang nakatunganga parin at mulat na mulat ang mga mata nya.

"Me too." Sabi naman ni Draven. "By the way, I like what you did. That makes me fall and fall for you rough and fast like a meteor." Napangiti at napatingin naman si Trishia kay Draven.

"Umagang umaga binabanatan mo 'ko. Halika ka nga, tuturuan mo pa kong magluto." Aya nito sakanya. Tumawa naman ito tsaka sumunod papuntang kusina.

"AY!" Hiyaw ni Trisha ng tumaksik ang mantika dahil sa paglagay nito ng hotdog sa palayok.

Tawa lang ng tawa si Draven dahil takot na takot lumapit si Trish sa pingalulutuan nito at ginawa pang shield ang malaking takip ng palayok.

"Wag mo nga kong tinatawanan!" Bulyaw nya kay Draven.  At dinuro ito gamit ang sandok. Lumapit ito sakanya.

"Akin na." Kinuha nito ang sandok tsaka ibinliktad ang priniprito nilang hotdog. Tumalsik ang mantika at natalsikan sya nito."Ouch."

"Oh, my God!" Lumapit si Trish kay Drven at kunuha ang kamay nito. "Masakit ba--" Hindi nya na iti uloy ang pagsasalita nang marinig nya ang pagtawa ni Draven. Iwingsi nya ito at tinignan ng masama.

"Pinag-alala mo 'ko, bwisit ka!" Sabi nito tsaka sya inirapan. Tumawa lang si Draven.

Dahil takot na matalsikan ng mantika si Trish ay si Draven nalang ang nagluto. Sinangab rin nya ang kanin.

Kumain sila ng sabay. Dati'y simpleng pagsasabay lang sa pagkain ang turing nilang dalawa sa mga pangyayaring ganito pero ngayon ay pakiramdam nila para silang mag-asawang sabay na kumakain.

"Papanindigan kaya ni Kuya Ceasar si Vanese?" Biglang tanong ni Trish. Natigilan naman si Draven at ibinaba muna ang kanyang kutsara't tinidor bago nagsalita.

"My brother is a responsible man. He maybe stubborn sometimes but he do his responsibilities. Kaya I'm sure na papanindigan ni Kuya yon." Nakangiti pero seryosong sabi ni Draven. Napangiti naman si Trishiana.

"I still can't believe na si Kuya Ceasar ang ama ng dinadala ni Vanese." Iiling-iling na sabi ni Trishia. "Di parin nagsi-sink-in sa utak ko ang nga nangyari. Ang bilis." Dagdag nito tsaka itinuloy ang pagkain.

"Let's not talk about that. Let's plan kung kailan kita ipapakilala kila mommy, kung kailan yong kasal at ilang baby ang gusto mo?" Suhesyon ni Draven. Namula naman si Trishia sa mga sinabi nito.

Kung tatanungin sya kung ready na syang humarap sa mga magulang ni Draven, Hindi pa. Natatakot sya na baka hindi sya magustuhan ng mga magulang nya.

Kung kailan sila ikakasal? As soon as possible. Ayaw na nya itong pakawalan pa.

Kung ilang baby?

"I want five cute little boys and five pretty little girls like you." Pilyong sabi ni Draven.

"Ang dami naman? Gusto ko dalawa lang. Babae at lalake. Pero hayaan nalang, kung ilan o anong gender ang ibigay ng Diyos ay mamahalin at tatanggapin natin, diba?"

NALIGO NA si Trish dahil papasok pa ito sakanyang trabaho. Ibabalita nila ang naging interview nila kay Draven. Ayaw man ng babae pero nakumbinsi rin sya ni Draven na sumama sa trabaho nya dahil sa kakulitan nito.

Hawak kamay silan pumasok sa studio. Maraming mga taong nakatingin sakanila. Nang makarati sila sa mismong pagsho-shooting'an nila'y gulat na gulat ang mga taong naroon.

"Bitiwan mo na kamay ko sabi eh." Bulong ni Trish kay Draven. Wala naman syang dapat ikahiya sa 'boyfriend' nya,e.

"Why?" Confused nyang tanong.

"Pinagtitinginan nila tayo."

"What's wrong with that? Baby, I'm proud that I am yours and you are mine. I love you." Sabi nito tsaka sya hinalikan sa noo.

"I love you." Sagot ni Trish tsaka ngumiti.

Pinaupo sya nito sa gilid kung saan kitang kita naman sya nito.

"Kayo ba?" Maintrigang sabay-sabay na tanong ng mga taong naroon. Pulang-pula ang buong mukha ni Trishia at di mapigilang mapangiti.

Sasagot pa lamang ito pero inunahan na sya nung boyfriend nya sa likod.

"Yes, Peoples. I'm her boyfriend, she's my girlfriend. I love her, she loves me. We're loving each other. Together foreveer!" Hindi alam ni Trishia na he can get this cheesy. Natawa nalang sya sa pinagsasabi nito.

"Tangna. Sana all." Rinig nyang sabi nung katrabaho nya.

Swaying Temptation AwayWhere stories live. Discover now