[10] - **People**

4K 98 11
                                    

Mini A/N: I really hope this chapter will answer all yur questions regarding the passage of Shiraniyo to another world and so on. If not please tell me so I can elaborate it to you.

***

**10 – People**

            Na-shock ako and at the same time ay may relief nang madatnan namin ni Zero na naka-seal na ang lahat ng passes ng Sunny Dale. I’m quite skeptic about the matter dahil hindi ko alam kung sinong pwedeng gumawa ng ganitong bagay. May iba pa bang magician na may kayang mag-seal ng passes ng isang city o sadyang nakaya lang nila?

                 “Those guys probably did it.” Narinig kong sabi ni Zero.

            Tumingin ako sa kanya. “How come?”

                 “Well from the looks of it they came from Euenessia.”

            Euene… ssia. Tama. Narinig ko na ‘yon eh. “I’ve heard of it, Zero. Tell me about it.”

                 “You didn’t heard the story of another world?”

                 “What another world?” O.o

            Nag-snort si Zero sabay smirk. “Same old cynic Althea eh?”

                 “Just tell me the story.” =____=

                 “Daang taon na ang nakalipas nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga mortal at ng mga nilalang na nanggaling sa Innocence. Ayon sa kwento, may apat na mortal daw na nagbukas ng lagusan ng mga preso sa kabilang mundo kung kaya’t kumalat ito sa mundong ibabaw.”

            Ang apat na mortal na rin ang siyang nag-prisintang lumaban sa mga iyon. Halos maubos ang mga mortal at maghari ang mga hindi kilalang nilalang sa mundong ibabaw.

            Bilang kaparusahan, binuhay ang mga namatay at nabigyan ng karagdagang kapangyarihan at ng katungkulan upang ibalik sa dimensyong nabuksan nila ang mga nilalang na ‘yon. Kasabay ng pagtatagumpay na maikulong muli sa Innocence ang mga nilalang ay ang paghihiwalay ng kalahati ng Sunny Dale.

                 “Paghihiwalay?”

            Tumango si Zero. “Sabi sa kwento, isang malaking Imperial Dynasty ang Sunny Dale noon at malawak ang sinasakupan nito. Pero dahil sa nahati na rin ang mga mamamayan bilang kalahati ng populasyon ay namatay na’t muling binuhay na may mga kapangyarihan, hinati rin ang lupa ng Sunny Dale at tinawag na Euenessia.”

            Naka-seal ang Euenessia at hindi maaaring tawirin ng mortal na natira sa Sunny Dale, ang mundong tinatawag na nila ngayong mundong ibabaw. May apat na power grounds ang Sunny Dale na pinananatiling sarado ang harang mula sa Euenessia. Power grounds na binubuo ng apat na passes nito. Ang hilaga, timog, kanluran at silangan.

            Gayundin ang sa Euenessia. Kasama iyon sa kaparusahan ng mga nangahas na buksan ang Innocence. Ang apat na mortal ang tumayong power grounds ng Euenessia na kalaunan ay naghiwalay sa apat na lupain ng Euenessia.

            Sa hilaga ay ang Opalonia, simbolo ng kalikasan, lupain ng mga namatay na walang laban na biniyayaan ng kapangyarihan at kaalaman sa panggagamot.

            Sa timog ay ang Irisiya, simbolo ng apoy, lupain ng mga makasariling namatay na biniyayaan ng kakayahang gumawa ng mga sandata gamit ang apoy at manirahan sa pinaka-mainit na kweba bilang parte ng kanilang parusa.

Princess EnemyWhere stories live. Discover now