**24 - Zero And Raikki**
Nagulat ako nang bigla nang bumangon ng higa si Zero. Kunot-noo akong napatingin sa kanya na parang itinatanong kung may problema. Hindi siya nagsasalita, nakaupo lang siyang tila nakikiramdam.
"Zero."
"Ssshh."
"Eh? Bakit?"
Tumingin siya sa akin. Nakikita ko ang pagkairita sa mga mata niya. Hindi siya mapalagay. Actually hindi ko talaga siya ma-gets. Ano ba kasi 'yon? Bakit ganyan siya ka-anxious?
"Zero..." I whined. "Ano ba 'yon?"
"Wala." Pilit siyang ngumiti, reached out his hand and caressed my right cheek. "Wala 'yun."
"Imposible. Ano 'yon? Sabihin mo sa'kin. Dali na kasi."
"Wala nga. Tara, mag-almusal na tayo."
Hindi na ako nakapalag nang tumayo siya at dali-daling lumabas sa kwarto. Napakamot lang ako ng ulo. Tumayo na rin ako at aalis na sana nang may mapansin ako sa side table ni Zero. Lumapit ako and picked up the pen. A wooden pen.
Kay Zero ba 'to? Bakit mukhang aged na? Kanya ba 'to? O baka... sa babaeng nakikita ko sa isipan niya?
I clutch my heart. Ngayon ko lang naramdaman na tinutusok yun ng kung anong bagay sa loob. In short, masakit. Sumasakit yung dibdib ko. Patay na, naloko na, Thea. Nahuhulog ka ng sobra sa kanya. Sobrang lalim.
...at pwedeng hindi na ako makaahon.
"Xana?"
"Mm?"
"Baba na d'yan, kain na tayo."
Naibalik ko na ang fountain pen sa mesa niya at nakaupo na ako sa kama nang sumilip si Zero. I had smelled his scent even before siya makarating dito kaya't hindi niya nakitang nahawakan ko ang pen na iyon. Sadyang masama lang ang kutob ko sa bagay na iyon.
Bumaba ako mula sa kwarto ni Zero. Still gloomy. Tumingin ako sa labas. Umuulan. Umagang-umaga umuulan. Si Raikki kaya... kumusta?
I was stopped on my track when Zero turned around and looked at me in a disbelieving manner. "What? Bakit ganyan ka makatingin?" O___O
I saw his hands clenched. He then dropped his gaze then continued on his way to the kitchen. Anong ginawa ko? Bakit parang nagalit ata? Hala ka. Ay mali, hala pala ako. XD
"Good morning po, Ma'am." Bati nung isang maid ko. Nginitian ko lang.
Si Zero nakaupo na at tahimik na kumakain. Di naman ako maka-react kasi hindi ko alam manuyo o kaya yung magtanong na parang ako yung may kasalanan. Remember, isa po akong hamak na NBSB lamang. Wala akong kaalaman sa panunuyo. (.__.)
"Ma'am, may bisita ho kayo."
"Sino?"
"Si Sir Raikki po."
Speaking of the devil horse, este si Raikki himalang dumating! Amen! Halleluah may milagro! \(*0*)/
Chos. XD
"Aisht." Narinig ko na lang ang tunog ng silya na kumiskis sa sahig. Si Zero tumayo at walk out na naman ang drama.
"Naku Ma'am, palagay ko po nagseselos si Sir Zero."
"Gano'n?" O.o
"Opo, Ma'am. Gano'n po talaga kapag nagseselos. Seloso po kasi talaga ang mga lalaki. Sadyang hindi nga lang sila nagsasabi."
YOU ARE READING
Princess Enemy
Dla nastolatkówXanara has claimed to live her life as the simplest to the brightest one. She was always on top, whether people like it or not, whether she likes it or not, she is on top. Many had hated the fact including her. But one day she found herself inside a...