**22 - Truly, Madly, Deeply**
"I wanna stand with you on a mountain.I wanna bathe with you in the sea.I wanna lay like this forever.Until the sky falls down on me."
- Savage Garden
"Magpapakasal ka na talaga?"
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang tinig ni Nelissa sa isang kwarto na kahilera lang ng mga silid namin ni Zero. I haven't realized na nandito pa nga pala silang lahat. Kaya pala marami-rami ang nilulutong almusal ng mga maids ko. Dito pala sila nagsitulog lahat.
Makapag-eavesdrop. XD
"Selfish bang pakinggan?"
"It is your happiness, no one is stopping you."
"Hindi mo'ko pipigilan?"
Jusko naman ang tatanda n'yo na, magpapakipot pa ba naman kayo? Umamin na nga kung aamin. Nyahaha, nagsalita yung hindi makaamin woh. Pero syempre iba naman kasi yung akin, iba rin yung sa kanila. Bata pa naman ako tas NBSB pa kaya understandable yun. :P
"Wala akong karapatan."
Yown!
"Kukuha ka lang ng tubig, inabot ka na ng syam-syam."
AY PALAKA! O___O
Nilingon ko si Zero na nasa likuran ko na pala. "Walangya ka naman eh. Pabalik na nga eh. Ba't ba atat?"
"Ang tagal mo. Akala ko natabunan ka na ng galon."
Nginiwian ko lang siya. Tumingin ulit ako sa pintuan nina Nelissa. Lalayas na ba ako o makikinig pa ng konti? Malay n'yo baka may patunguhan ang masinsinan nilang pagpapakipot.
"Xan-"
"Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako lilingon sa nakalipas."
Natigilan kaming pareho ni Zero. Nagkatinginan. Pareho kaming naghintay sa susunod na litanya na manggagaling do'n sa loob.
"Ako rin, Cain... ako rin... pero isang araw naisip ko na lang na imposible palang mangyari 'yon. Parte ka na ng buhay ko kahit pa nakalipas ka na lang, parte ka pa rin nito at kahit kailan hindi ko na maiaalis 'yon sa puso ko."
Ang drama nila. =____=a
"Nelissa, pa'no kung... kung magsimula tayo ulit? Kung-"
"Hindi, h'wag. Ikakasal ka na. It is time for you to choose your own happiness. Sigurado naman akong maiintindihan ni Xanara ang ganitong bagay pagdating ng araw. Maiintindihan nila. At naiintindihan ko."
Eh ang tanong, na kanino ba ang kaligayahan niya?
"Xanara, let's go. Let's leave them."
Tumango lang ako. Zero slowly dragged me by the hand and walked back to his room. Dala ko pa rin ang baso ng tubig na kinuha ko kanina.
"Ba't nakasimangot ka d'yan?"
"Huh?"
Nilagay niya ang kamay niya sa harapan ng mukha ko tapos pinadulas iyon pababa na parang gustong burahin ang mukha ko. Loko 'to ah. Paano kapag napango ako? Upakan ko 'to eh.
"Ang panget mo, h'wag kang sisimangot."
"Ulol mo. -___- Nakasimangot ako?"
Ngumiti siya sabay upo sa dulo ng kama. Hawak pa rin niya ang kamay ko kaya nahahatak niya ako ng konti kapag lumalayo siya. "Lika dito." Then he tapped his lap and tugged my hand.
YOU ARE READING
Princess Enemy
Fiksi RemajaXanara has claimed to live her life as the simplest to the brightest one. She was always on top, whether people like it or not, whether she likes it or not, she is on top. Many had hated the fact including her. But one day she found herself inside a...